“Unexpected things are the best or worse surprises.”
After everything was already set, we left from the hospital.
Si Coleen ang nag-drive since sa kanya tong sasakyan.I am sitting on the passenger's seat then Annie and Ellise were at the backseat. Ayaw maghiwalay ng dalawa eh.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam koy hindi ito ang daan papuntang subdivision ng bahay ko.
"So, saan tayo papunta? Hindi niyo ba naisip na kailangan ko pang magpahinga?" Pagtataray ko sa kanila.
"Basta. Behave ka lang diyan. Ang reklamador mo talaga." Pag-angal naman ng madaldal na si Annie."Kung sino pa yung isu-surprise, siya pa yong madaming angal. Hays." Pahabol naman ni Ellise.
"Hahahahaha" Tumawa lang si Coleen.
"Anong Surprise?" Curious na tanong ko kaya napalingon ako kina Annie at Ellise."May surprise bang tinatanong at sinasabi ng mga nakakaalam?" Pilosopong sabi ni Annie.
"Okay. Shut up nalang ako." Bumalik na ako sa normal kong pagkakaupo.Hindi familiar sa akin ang daan. I've never been here before. Siguro liblib na parte to ng city.
Maraming puno, parang probinsiya.Saan ba ako dadalhin ng mga to? Bakit alam ni Coleen ang lugar na to?
Kung hindi ko lang to sila kaibigan, iisipin kong ki-kidnapin ako ng mga 'to.Hindi ko na sila tatanungin. Alam kong pipilosopohin lang ako ng mga gaga kaya tahimik na lang ako. Haha
Saan na ba to? Hays.Maya-maya'y may nakita akong signage na may nakasulat na 'El Hacienda'.
It has a wide gate and tall fences. Hays, bakit kami nandito? Kanino to? May tinatago bang yaman si Coleen? Si Annie? O di kaya'y si Ellise?
Someone opens the gate as soon as the car was in front of it.
Then, Coleen started to move the car again. Tama lang na makapasok ang sasakyan at huminto na naman."What are we doing here? And kaninong teritoryo to?" I asked them habang silang tatlo, nakangisi lang.
"Labas na tayo." Sabi ni Ellise.
"Okay, labas na." Sagot naman ni Annie pero wala namang ginagawa.
"Hindi naman lumalabas. Mga gaga talaga." Frustrated na ako. Ano ba kasing ginagawa nila?Lumabas na silang tatlo at ako nalang ang natira sa loob ng sasakyan.
"Lalabas ka? O lalabas ka?😂 Tanong ni Coleen. Nahawa sa kagagahan ng dalawa. Eh, wala naman na akong ibang chooice sa tanong niya, hays.
"Heto na, heto na." Sabi ko na parang nag-surrender na.
I stepped out from the car and suddenly, I feel nervous, pero hindi ko alam kung bakit. May masama bang mangyayari?
I follow them as they lead the way, diba nga? I don't know this place. Kailan pa sila naparito? Bakit di nila ako dinala dito dati? Hmm..?
"Bilisan mo bes!" Medyo pasigaw na sabi ni Coleen.Medyo malayo kasi yung agwat namin. At napansin kong parang nagdi-discuss sila habang naglalakad. Hays, napaka-behind ko na talaga kahit dalawang araw lang akong hindi gumising.
Huminto sila't hinintay ako. Alam niyo naman, kagagaling ko lang sa hospital, kaya kailangang magdahan-dahan at maging maingat at huwag dapat magpapagod.
Pagdating ko sa kinatatayuan nila'y....
"One, two, three! Takboooo!!" Sigaw ni Ellise at nagtakbuhan sila pabalik sa sasakyan.
Ako naman, natulala sa ginawa nila.Takte! Iiwan nila ako dito? Hindi ko naman kilala ang mga tao dito ah. Huhu
'Pag ako mapahamak sa lugar na to, lagot sila sa akin. Mumultuhin ko talaga sila!
BINABASA MO ANG
Learning How To Love Again
General FictionFrom being strangled by her past, Lalaine tried another risk in love. Risking everything she have left. Will it be worthy to take the risk? Will it be helpful to mend her heart? Will it be filled with hope and desire? Or, is she ready for love? Fo...