“You have to handle your emotions, especially if you know that the result of the opposite will not be good for you.”
"Oh, ayan na pala sila." Sabi ni Coleen na kanina pa nagta-type sa kanyang phone. Ewan ko. Sino kayang nilalang ang tine-text nito?
"Lala! Kumusta ka na?" Nakangiting tanong ng unang madaldal. Sino pa? Edi si Annie.
"Lala! Nag-aalala talaga kami ng marinig namin ang balita." Sabi naman ng pangalawang madaldal na si Ellise.
"Okay na ako. Wag kayong mag-alala, bukas na bukas, aalis na ako dito." Sabi ko sa kanila.
"Weh? Sure ka ba?" Singit naman na sabi ni Coleen na parang bata kaya nagtawanan kami.
"Alam niyo bang hindi na masakit ang katawan ko? Hindi na rin masakit ulo ko." Pagmamayabang kong sabi.
"Naku! Naku! Tigilan mo kami. Gusto mo lang talagang makita si Louis." Sabi naman ni Coleen kaya nagtinginan ang dalawang madaldal.
"Bakit? May problema ba? Sabihin niyo na kasi kung anong nangyari sa kanya." Imbis na okay na ang mood ko, napalitan na tuloy ng kaba at pag-aalala.
Bumukas at pinto at bumungad doon ang..... wait, familiar...
Oh em! It's Mr. & Mrs. Monte. Are they visiting me? Malamang gaga!
Kinabahan ako lalo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko or what.
Napalingon naman sina Ellise at Annie sa mag-asawa saka bumaling ang kanilang mga tingin sa akin at ngumiti at lumakad papunta sa couch. Ano bang ginagawa nila?Si Coleen naman may binulong na... hindi ko maintindihan dahil 'pulis' lang yung narinig ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Baka ipapakita na niya ang video sa mga pulis.
"How are you iha?" Tanong ni Ma'am Lemery na kanina pa nakangiti sa akin, simula pa nung dumating sila.
"A-I'm okay na po ma'am." Sagot ko naman.Hays. Parang pinagpapawisan na ako. Sino ba namang hindi? Kung kausap mo ang may-ari ng company kung saan ka nagtatrabaho plus parents pa sila ng boyfriend mo.
"Well that's good." Nakangiti parin siya. Ang ganda niya talaga, walang kupas.
"Iha, we brought some foods for you. Fruits and healthy biscuits. You have to eat all of this for your rapid recovery okay? Para mas gumaling ka pa." Si Sir Leonard naman ang nagsalita.
Wow, they're really sweet. Ang buti-buti talaga nila, di na ako magtatakang si Louis din.
May pa flowers pa.
Parang medyo nawala na ang kaba ko. Akala ko kasi, hindi sila approachable. Naririnig ko namang mabuti silang tao, ganito, ganyan, pero mas maganda naman talaga kung ikaw mismo naka witness sa kanilang kabutihan diba?
"Okay po. Thank you po. Nag-abala pa talaga kayo." Nakangiti ko ring sabi.
"It's okay iha. Hindi ka naman nakakaabala." Sabi ni Ma'am Lemery.
"Thank you po ulit." Sagot ko naman."By the way, you can take or spend your time for your fast recovery until you get back to your normal body condition. We're excusing you. So, don't worry about your absences, it can't affect your salary. Besides you're doing outstanding performances in the company." Mr. Leonard explained.
Napakabait naman ng mga taong to. Why are they doing this to me? Should I consider this as a special treatment? Lol wag assuming teh! Narinig mo ba? Gusto lang nilang suklian ang outstanding performances mo!
Hindi naman nila siguro alam na magjowa kami ni Louis.
"Maraming salamat po talaga pero, hindi po ba yun sobra-sobra na?" I asked them na nakakunot ang noo.
"We insist iha, you can't do anything about it." Sabi ni Ma'am Lemery. Ako naman, nakakunot parin ang noo. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ginagawa to.
"So, we have to go. Let's go honey." Sabi ni Sir Leonard kay Ma'am Lemery.
"We have to go. Bilisan mong magpagaling iha ha." Sabi naman ni Ma'am Lemery.
At umalis na sila."Oh em! Ang bait naman talaga nila." Sabi ni Ellise na pasigaw na parang pinipigilan ang boses. Ewan ko ba sa ginagawa nito.
"Ang swerte mo talaga sa kanila!" Si Annie naman.
"Huh? Anong ang swerte ko sa kanila?" Nadagdagan na naman ang pagkalito ko.Hindi lang ako gumising ng dalawang araw, parang ang laki-laki na ng na miss kong mga pangyayari sa mundo. Tsk!
"Ang ibig kong sabihin, ang swerte mo dahil may sahod ka kahit na hindi ka ju-duty." Nakasimangot niyang paliwanag.
"Hahahaha yun ba? Ikaw nalang sana dito sa position ko. Ang sakit kaya." Sagot ko sa kanya. Hays. Annie talaga.
"Sana nga." Hays, sumagot pa talaga.
"Gaga." Singit naman ni Ellise.
"Alam niyo, ayoko na kayong makita." Sinimangutan ko sila."Sus! Drama lang yan." Ang epal na si Ellise.
"Ang dami niyo kasing hindi sinasabi. As in lahat kayo. Ano bang nangyari noong hindi pa ako gumigising?" Tinanong ko sila ng seryoso.Nagtinginan ang dalawa na parang nagtulakan kung sino magpapaliwanag o kung ano ang ipapaliwanag. Hays, obvious talaga na may tinatago.
"Ahm.. b-basta." Yan na lang ang isinagot ni Annie.
"Sabihin niyo na." Pagpupumilit ko.
"Hindi kasi pwede eh." Sabi naman ni Ellise."Anong hindi pwede? Bakit hindi pwede? Alam niyo bang simula pa nung gumising ako kinakabahan na ako sa mga ipinapakita niyo? Si Coleen, parang may tinatago rin siya sa akin." Halos maiyak na ako.
Lumapit sila sa akin at hinagkan nila ako ng napakahigpit. Hays, dinadaan lang nila ako sa pa-hug-hug para mawala na ang topic. Tsk.
But, it helps me to ease the nervousness I've felt though. They really know how to comfort me. They were also there when my dad passed away, when I have no one to lean on."Lala, just trust us okay?" Si Annie.
"Alam namin ang ginagawa namin. Basta ang gawin mo lang ay, maging masaya ka." Si Ellise naman.
Kumawala na sila sa napakahigpit na yakap at ngumiti sila sa akin.Hays, hindi parin mawala sa isipan ko si Louis, baka may tinatago sila. Baka kino-comfort lang nila ako para pagmalaman ko na ang totoo, hindi na ako masyadong maapektohan.
Bakit ba ang nega ko?! Huhu
Hindi ko kasi maiwasang mag-isip ng masama because of their strange actions. It's pushing me to think negatively."Huy! Lala! Ang lalim ng iniisip mo." Kinaway-kaway niya ang kanyang kamay sa mukha ko.
"Wala.." Sabi ko lang."Ahm. Oo nga pala. May pasalubong ako diyan sa mga paper bags. Pili lang kayo diyan." Pahabol ko.
"Talaga? Thank you Lala." Sabi ni Annie. Ang napakahilig sa pasalubong. Haha
"Buti pa ako may pasalubong sa inyo, kayo nga hindi niyo ako dinalhan dito sa hospital." Pabiro kong pagreklamo."May surpresa kasi kami sa iyo." Sabi naman ni Ellise na busy sa pagpili ng key chain.
"Okay. Aasahan ko yan." Sabi ko lang at humiga na, sumasakit na kasi likod ko sa kakaupo na hindi nakasandal.Hays. Bahala na. Hindi ko sila masisi kung ayaw nilang sabihin sakin ang totoo kahit na feeling ko may masamang nangyayari... or... may mabuting nangyayari. Ewan ko ba!
Hindi rin ako makapaniwala na bumisita dito ang parents ni Louis. Nakakatuwa.
Siguro, dumaan lang sila dito since dito rin naman naka-confine si Louis.Nakakakaba. Pero kailangan kong ihandle dahil makakaapekto rin sa aking fast recovery ang pagiging stressful. Hayss..
Sana lang talaga, walang nangyaring hindi ko kakayanin.
BINABASA MO ANG
Learning How To Love Again
General FictionFrom being strangled by her past, Lalaine tried another risk in love. Risking everything she have left. Will it be worthy to take the risk? Will it be helpful to mend her heart? Will it be filled with hope and desire? Or, is she ready for love? Fo...