°
°
°
°
--------------------------------------------------
+Chapter 11+
"Stress"
°
°
°
°
[Faye's POV]
°
°
°
°
Papunta na kami ngayon sa resto nila Bhelai, kasama na din namin si Den at nagkakilala na din sila ng genie kong hambog.
°
°
°
"Paanong nangyaring nakikita ka nila?" -- nung nagkaron ako ng chance nilapitan ko sya at binulungan.
°
°
°
"Master nakalimutan mo na ba yung rules?"
°
°
°
"Call me Faye!" -- tsk, ano ba yung rules na yun? Kasama ba dun yung tungkol sa possibility na makita sya ng ibang tao?
°
°
°
/Pwera na lang kung magsusuot ang genie ng bagay na pagmamay ari ng master nito/
°
°
°
Naalala ko na, pero teka? Anong gamit ko naman ang isinuot nya? Tinignan ko syang mabuti mula ulo hanggang paa pero wala naman akong mapansin na gamit ko.
°
°
°
"Kung makatingin ka wagas" -- hirit ni Den. Sandali? Napansin nya bang tinitignan ko yung genie na yun? Nakakahiya naman.
°
°
°
"H-ha?" -- tanging nasabi ko. Kami ni Den ang magkasabay sa paglakad habang medyo nauuna naman sa amin yung naghaharutan na sina Bhelai at genie.
°
°
°
"Nagseselos ka ba Faye?" -- mahinang tanong ni Den, pero napaka lakas naman sa pandinig ko.
°
°
°
"Nye, ano yun joke?" -- nairapan ko pa ng di sadya si Den. Paano naman kasi kung anu-anong lumalabas sa bibig nya.
°
°
°
Nang makarating na kami sa resto dumiretso si Bhelai dun sa may kitchen, si Den naman nagpunta sa ladies room. Sa wakas napagsolo din kami ng mokong, patay 'to sa akin.
°
°
°
"Bakit bigla bigla ka na lang pumupunta sa school ko? At ano bang gamit ko ang suot mo?" -- tanong ko. Kung nakakamatay lang ang tingin ko baka kanina pa sya pinaglalamayan, pero teka genie nga pala sya.
°
°
°
"Sabi mo kasi kagabi magwi-wish ka na tapos di naman pala" -- katwiran nya. Aba't gumaganti pa ng tingin.
°
°
°
"Sobrang excited? Bakit di ka makapaghintay? Busy pa ko"
°
°
°
"Masyado kang pa-VIP, naiinip na ko"
°
°
°
Malapit na ang mukha namin sa isa't isa at naglalabanan ng tingin, ng may nagsalita sa likod ni genie.
°
°
°
°
==> part.2
**
BINABASA MO ANG
*Alexa Faye and her Magic Music Box*
Teen FictionWAAAHH! HINDI PO ITO RATED PG, PWEDE ITO SA LAHAT PROMISE. EWAN KO KUNG ANO NANYARI BAKIT NAGING GANUN :(( >>Nakatanggap si Alexa Faye ng isang music box tapos *BOOOOM!!!* Meron syang 3 wishes. Ano kaya ang mga hihilingin nya?? -hilingin kaya nyang...