°
°
°
°
°
--------------------------------------------------
+Chapter 9+
"Nabitin si Genie (False Alarm)"
°
°
°
°
°
[Faye's POV]
°
°
°
°
°
Siguro kung may makakakita saken ngayon pagkakamalan akong nababaliw. May suot suot akong big rosary, sa left hand ko may hawak akong madaming bawang at sa right hand ko naman eh isang cross. Aba, mainam ng laging handa malay ko ba kung bigla na lang lumitaw yung engkanto slash halimaw na yun.
°
°
°
°
Nakakahiya pa yung nangyari sa school kanina, takot na takot kasi talaga ko eh. Saka malay ko bang di sya nakikita ng iba.
Teka, parang may naalala kong sinabi nya sa panaginip ko. . . . .
°
°
°
°
/"ikaw na master ko lamang ang maaaring makakita saken, pwera na lang kung magsusuot ako ng bagay na pagmamay-ari mo"/
°
°
°
°
"Hay naku naman, dapat ba talaga kong maniwala na genie sya? Baka mamaya kampon pala sya ng kadiliman" -- sige ako na talaga weird, kinakausap ko ang sarili ko.
°
°
°
°
"Ganyan ka ba talaga master? Nagsasalita mag-isa?"
°
°
°
°
"Oo bakit masama?"
°
°
°
°
"Hindi naman, pero. . . . . "
°
°
°
°
"Hindi naman pala eh, walang basagan ng trip okey?" -- ako.
°
°
°
°
"Okey" -- sagot naman ng i-dont-know-who.
°
°
°
°
Tinignan ko kung sino ba yung kanina ko pa kinakausap. Diba sarili ko lang kausap ko? Nakaharap kasi ako sa salamin, kaya pagtingin ko nakita ko ang isang gwapong nilalang sa likod ko. Yung gwapong engkanto!
°
°
°
°
"Waaaaahh!" -- naitapon ko yung mga hawak ko dahil sa sobrang gulat at takot, tapos nagpunta ko sa bed ko at nagtalukbong.
°
°
°
°
"Master hanggang kelan ka ba matatakot saken? Ilang beses ko din bang uulitin na genie mo ako, GENIE".
°
°
°
°
Dinig na dinig ko yung sinabi ng engkantong genie, kung kagabi panaginip lang ngayon sigurado na akong totoo na 'to. Unti unti kong tinanggal yung kumot at nakita ko syang nakaupo sa may harap ko, wearing a big smile.
°
°
°
°
Ang gwapo nya, infairness.
°
°
°
°
"Tignan mo nga master, humahanga ka na sa kagwapuhan ko" -- teka, nababasa nya ba ang nasa isip ko?
°
°
°
°
Tsk! Di sya gwapo n0, mayabang sya. HAMBOG!
°
°
°
°
"Master?" -- untag nya saken, tapos yung dalawang kamay nya winawagayway sa harap ng mukha ko.
°
°
°
°
Naku! Tingin ko talaga kelangan ko ng maniwala na genie sya, kaysa naman lagi akong natatakot.
°
°
°
°
°
==> part.2
**
BINABASA MO ANG
*Alexa Faye and her Magic Music Box*
Novela JuvenilWAAAHH! HINDI PO ITO RATED PG, PWEDE ITO SA LAHAT PROMISE. EWAN KO KUNG ANO NANYARI BAKIT NAGING GANUN :(( >>Nakatanggap si Alexa Faye ng isang music box tapos *BOOOOM!!!* Meron syang 3 wishes. Ano kaya ang mga hihilingin nya?? -hilingin kaya nyang...