°
°
°
°
°
--------------------------------------------------
+Chapter 4+
"Bad Memories"
°
°
°
°
°
[Faye's POV]
°
°
°
°
°
°
"Mama bakit ganun sila Bhelai at Den? Akala ko ba mga kaibigan ko sila, pero bakit parang gusto nilang mapahiya ako? Nag failed na ko last year nung nagtry akong mag audition, ayoko ng maulit pa yun. Sobrang nakakahiya na" -- kausap ko dun sa picture ni mama.
°
°
°
°
Sa mga oras na to kelangang kelangan ko talaga ng payo ng mama ko. Sya kasi yung nakakaunawa saken, yung mas nakakakilala saken. She's my BESTfriend.
Pero pano ko pa sya makakausap at mahihingan ng advice kung iniwan na nya ko. Kung nag-iisa na lang ako.
°
°
°
°
Para kong si Doreamon na nakasaakay sa time machine, habang inaalala yung araw na tuluyan akong naulila.
°
°
°
°
[Flashback]
°
°
°
Sobrang bilis ng pagtakbo ko habang papunta sa pinangyarihan ng aksidente, sa tapat ng school na pinagtuturuan ng mama ko. May bata daw na dapat mabubundol ng humaharurot na kotse, pero sinagip ng isang teacher. Ligtas ang bata, pero ang kawawang guro. . . . . dead on the spot.
°
°
°
°
Parang may kung anong pumitik sa puso ko nung marinig ko yun mula sa umpukan sa may tindahan. Ayokong isipin na yung mama ko yung tinutukoy na teacher. Pero gusto ko lang din makasigurado, gusto kong makita ang mama ko na maayos, ligtas at wala kahit isa mang gasgas.
°
°
°
°
Masyadong madami ng nakikiusyoso ng dumating ako sa tapat ng school. Mukhang malabo kong makita si mama dahil sa kapal ng tao, kaya pinilit ko na lang sumingit sa umpukan para makita kung sino yung biktima.
°
°
°
°
Para kong kandila na unti-unting nauupos ng makita ko ang biktima na nakahiga sa may kalsada, naliligo sa sariling dugo. Ang daming mga pulis na nakapaikot sa babae. Tinignan kong maigi yung babae na di na halos makita ang mukha dahil sa dugo, at dahil sa medyo malayo ako. Napansin ko na lang yung bag na nasa tabi ng biktima. . . . . . . . . katulad ng bag ni mama.
°
°
°
°
Para kong sinaksak ng paulit-ulit ng maalala kong pinakita saken ni mama yung bag na katulad nun, bago sya pumasok kanina.
°
°
°
°
°
part.2 <==
**
BINABASA MO ANG
*Alexa Faye and her Magic Music Box*
Roman pour AdolescentsWAAAHH! HINDI PO ITO RATED PG, PWEDE ITO SA LAHAT PROMISE. EWAN KO KUNG ANO NANYARI BAKIT NAGING GANUN :(( >>Nakatanggap si Alexa Faye ng isang music box tapos *BOOOOM!!!* Meron syang 3 wishes. Ano kaya ang mga hihilingin nya?? -hilingin kaya nyang...