Chapter 1

3.2K 82 9
                                    

Humanda ka sakin

XYRENE POV

"Alam nyo na ba yung balita girls?" Tanong ni Tasha. Ang pinaka plastic dito sa school na apo ng isa sa mga stock holders.

"Ang alin?" Aly asked. Ang pinaka flirt naman dito sa school. Anak naman ng isang  stock holder.

Nakikinig lang ako sa kanila habang nagseselfie. Wala pa si Freigh. Nalate yata, for the first time in history.

"Na ang hot nung bagong transferee!" sagot ni Missy na kapatid ni Tasha. Flirt as well as Aly. Nagtilian naman sila.

Lahat sila plastic! If I know nakikipagkaibigan lang sila sa akin for social purposes. They want popularity gaya ko. They were following someone who have a high profile. That's why they were friends with my cousins, Amaica and Bianca. Hindi ko nga alam kung bakit sila nandito sa tabi ko. May kasalanan pa naman sakin tong mga to.

Wala ako sa mood para awayin tong mga to kaya wag na wag lang nila akong susubukang kausapin dahil makikita nila. I'm okay if my enemies are around me as long as di nila ako gagambalain, we were going to be at peace. Walang giyera. Sabi nga sa isang popular quotation "Keep your friends close and your enemies closer."

Nakaupo sila sa bench habang nakatayo ako sa harap nila na nagseselfie. Stress reliever ko yata ang pagseselfie eh. I don't know but I feel so stressfree when I look at my galleries. Positivities are there. My happy pictures, ofcourse. Sa mukha ko lang ako nakakakuha ng lakas. Kaya siguro palagi akong stress kasi ibang mukha ang nakikita ko araw araw.

"Talaga? Anong name?" Excited na tanong ni Aly. See? She's a big flirt.

Naglip-bite post naman ako this time. Ganda!

"Ter–..Jes– pang aaalala ni Tasha dun sa name ng guy.

"Ano ba yan si Xyrene. Kanina  pa nagseselfie diyan." Reklamo ni Missy. Ibinaba ko ang phone ko at tiningnan sya ng masama.

"Nagrereklamo ka?" Mataray na tanong ko.

"Ahh hindi ah." Takot na sabi niya. Alam kong nasa loob ang kulo ng lahat ng nasa school nato kung ako ang kausap nila.

"Siguraduhin mo lang dahil ipapakain ko talaga sayo tong phone ko." Inirapan ko sila.

Maraming scholar dito. Hindi ko sila basta pwedeng ipatalsik nalang  kung ayaw ko sa kanila dahil nakasaad sa rule list na kahit anak ako ng owner ng school nato ay wala akong karapatang magpatalsik. Except the fact na may ginawa syang masama sa akin.

I can't control the teachers in this school. They're all pathetic.

Naalis lang ang atensyon ko sa kanila ng marinig ko ang tunog ng bell.

Seriously, Freigh? Tinawagan mo ako ng maaga tapos ikaw pala tong male-late?

"Uyy tara na Tasha bell na." rinig kong sabi ni Missy.

Chineck ko muna ang gallery ko kung magaganda ba ang kuha ng mga pictures ko.

"Let's go." pag uulit pang pagayayaya ni Aly.

Di ko naman sila pinansin. I don't care if it's already late.

Napatili ako sa gulat ng may bumangga sakin.Natapon ko ang cellphone ko at napahakbang ako patalikod dahil sa lakas ng impact non.

"What the!" Sigaw ko. Napaawang ang bibig kong nakatingin ngayon sa phone kong kawawa.

"Oh my god!" rinig kong hiyaw nila Tasha.

"Hala. Sorry po, sorry po." Biglang yumuko yung babaeng nakabangga sa akin na pinulot yung phone ko na basag na basag na. Malamang sa malamang nahulog ba naman sa semento! The heck!

Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon