#Dissapointed
SHANAIAH POV
"What happened Kyline? Bakit ganun ang naging reaksiyon ng kapatid mo sayo?" Tanong ni Mommy sakin.
"Po?---hindi k-ko po alam" maang maangang sagot ko.
"Please Kyline, wag mo siyang bibigyan ng rason para mainis o magalit sayo. Its not healthy for her to feel any emotion. Especially... anger" Napayuko ako sa sinabi niya.
"O-opo. Papasok na po ako. Hindi na po ako kakain,sa eskwelahan nalang" Sabi ko kaya ngumiti sila ngumiti sila sakin.
"Kakain muna tayo. No but Kyline. Umalis na nga ang kapatid mo nang hindi kumakain, pati ba naman ikaw?" Napasunod nalang ako sa kanila sa hapagkainan para wala na silang masabi.
"Asan na po pala si Sassy at si...Tita?" Tanong ko kaya nagkatinginan sila. Nagsimula na akong kumain para mawala yung ilang sa pagitan naming lahat.
"They are in prison. Si Sassy naman ay di ko na dinemanda dahil bata pa siya. Humingi na rin naman siya ng tawad. Kung gusto mo ay ilaban natin yung demand?" Tanong pa niya kaya napailing ako.
Kawawa naman si Sassy at mas lalong kawawa si nanay, wala na nga ako sa bahay pati ba naman si Sassy?
"Wag na po. Wala pong kasama si nanay sa bahay kaya mas mabuti na ding makalaya si Sassy" sabi ko kaya tumango sila.
"Ok. Uh Hon? Sino na ang papalit kay Myrelle?" Baling ni Mommg kay Daddy.
Nakaramdaman ako ng tampo dahil di manlang nila pinahaba ang usapan namin.
Siguro na kay Xyrene lahat ng atensyon nila nung wala ako. Siguro si Xyrene palagi ang kinakausap nila nung wala ako. Mahal na mahal siguro nila siya.
"Ahh aalis na po ako" paalam ko pagkatapos kainin lahat ng nasa plato ko.
"Ok baby. Wag magpagutom ah?" Tumingin siya sa likod ko. "Mang Padel! Ihatid mo na si Kyline sa Academy"
"Sige po Mam" sabi naman ng driver. Niyakap na ako ni Daddy at Mommy bago ako umalis kaya naginhawaan ako. Akala koy patuloy nila akong babalewalain.
Habang nasa biyahe ay pinanood ko ang mga nadadaanan naming mga puno at mga sasakyan na siyang sumasabay din sa mga iniisip ko.
Nagseselos ako. Pakiramdam ko si Xyrene lang ang importante at mahal nila. Si Mommy todo protekta sa kaniya at sinabihan pa akong wag siyang gagalitin. Yung lola namin din ay todo tanong kay Xyrene. Hindi ko naramdaman na masaya silang nakita ako. O kung ramdam ba kaya nila ang presensya ko?
Pati si Jarred... si Jarred na minahal ko ng sobra pa sa buhay ko. Ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko ay napunta rin sa kaniya.
Palagi nalang ba akong magiging option? Lagi nalang bang ganito ang magiging papel ko? Ang maging ekstra?
Napatigil lang ako sa pag iisip ng makarating kami sa campus. Nang pagbuksan ako ng driver ay bumaba na ako agad, na agad din naman akong nakakuha ng mga atensyon sa daan.
"Hi Shan!" Bati ng humarang sakin habang paakyat na sa hagdan.
"Ah hello!" Bati ko pabalik. Hindi rin ako sanay na pinagpiyepyestahan at kinakaibigan.
Alam kong fame lang ang gusto nilang makuha sakin dahil kapatid ko ang anak ng may ari ng campus na ito.
"Balita ko kapatid mo si Xyrene?" Nakangiti niyang tanong.
Naplaplastikan ako sa paraan niya ng pagngiti. Para siyang may masamang balak, o paranoid lang ako?
"Ah oo" naiilang kong sagot.
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest