Chapter 30

1.2K 36 1
                                    

#Lumayas






XYRENE POV






Matapos yung pamamasyal namin sa orphange ay gumala muna kami doon bago nagsiuwian.


Alas singko na ng hapon ng makauwi ako.

"Mam nandito na po si Mam Xyrene" rinig kong sabi ng yaya pagtapak ko sa loob ng mansion. Tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa si Sassy at ang sama ng tingin niya sa akin ng sinalubong ako.

Sa loob loob ko ay natatawa ako sa ekpresyon ng pagmumukha niya.


"Anong ginawa mo sa mga kaibigan ko?" Nanggagalaiti niyang tanong.

Inosente ko naman siyang tiningnan para asarin.

"Anong ginawa?" Maangan ko.

"Wag mo kang magmaang maangan dahil tinawagan nila ako. At sinabi nilang pinaalis mo daw sila!" Sigaw niya.

Mas lumapit ako sa kaniya.

"Bakit? Masama ba?" Pang iinis ko sa kaniya.

"Oo! Dahil pinaalis mo sila ng hindi sinasabi sakin. Maldita kang babae ka!" Sigaw niya ulit.

"Mabuti naman at alam mong maldita ako? Dapat alam mo ring ayaw ko sa mga katulad mong basura"

"Ako basura? Eh ano ka? Epal? Epal sa pamilyang to?"

"Nope. Ako ang reyna sa mansiong ito. Lahat ng ayaw ko napapaalis ko. And guess what? Kaya rin kitang burahin kung gusto ko!"

"Hindi mo ako masisindak Xyrene! Akala mo ba hindi ko alam na ayaw sayo nila Mommy?"

"Ah ayun lang ba? Bukod dun? Ano pa ang inembistegahan mo sakin?"

"Hindi kita kailangan pang imbestigahan dahil kitang kita ko kung paano ka tratuhin nila Daddy. Ayaw nila sayo!"

Nag-init ang dugo ko kaya itinulak ko siya ng malakas dahilan ng pagkakasalampak niya sa sahig.

"Ahh" inda niya.

Agad siyang tinulungan ni yaya--

"Yaya Tilda?" Gulat kong tanong.

"Rin anong ginagawa niyo?" Tanong niya.

"Ikaw na babae ka!" Agad akong sinabunutan ni Sassy ng makatayo kaya huli na nung makapag react ako.

"Matagal na rin akong nagtitimpi sayong babae ka!" Sigaw ko rin sa gigil.

At dahil nga maldita ako ay gumanti rin ako. I make sure na matatanggal ang anit niya sa sakit. Todo awat si yaya Tilda kaya ng hindi niya kami maawat ay nagtawag siya ng iba pang kasambahay.


Ang hapdi ng ulo ko at mga braso dahil nangangalmot siya at ang lakas niya pang makahila ng buhok.

"Bitawan niyo ako!" Sigaw niya at nagkumawala sa kamay ng mga yaya dahil pinaglayo kaming dalawa.

Sinuklay ko ang buhok ko dahil ramdam kong ang gulo na nito.


"Stupid bitch!" Sigaw ko.


"Mas tanga ka! Hindi ka kasi mahal nila mommy eh" pang iinis niya pa. Para siyang bata. Nakakainis yang pagmumukha niya. Sara ihampas sa pader.


"Whats happening here?!" Napahinga ako ng malalim ng marinig ko ang boses ni mommy.


"Mommy!" Tumakbo si Sassy papunta kay mommy at umiyak. Napailing nalang ako sa inis.


Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon