Nervous
XYRENE POV
Nang matapos ang klase ay mabilis naming inayos ang gamit namin ni Freigh at dumiretso sa locker room para ibalik yung mga books and notebooks na di namin gagamitin sa next subject.
Pagkatapos naming maisalansan ay pumunta na kami sa Canteen.
At kung sineswerte ka nga naman. Sa pagdating palang namin ay naabutan ko na si Amaica na nakaupo sa designated area namin ni Freigh.
"A vengeance Rin?" Bulong sakin ni Freigh. Ngumisi lang ako.
Oo nga pala't di pa ako nakakaganti ng personal sa kaniya.
Nang mapatingin sakin ang isa sa mga kasama nya ay ininguso nya ako kay Amaica. Napalingon din si Amaica sa amin atsaka sya ngumiti ng sarkastiko at tumayo. Mukhang sasalubungin pa kami ah. Di na nakapag intay na ako ang dumating sa pwesto nya. Masyado yata syang excited na lapitan ako? Well, pati rin naman ako. Excited na supalpalin ang pagmumukha nya.
Nagtaas sya ng kilay pagkaharap sa akin. At parang kating kati ng saktan ako.
"At ano namang kailangan mo?" Nakangising tanong ko.
"Wala naman. May ibibigay lang ako sayo" she answered.
"Ow? Talaga? Na-touch naman-"
Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa dagliang pagsampal nya sa akin. I must say na malambot at manipis ang kamay nya kaya mahapdi talaga pag tinamaan ka sa palad niya. Bihasa kasi si Amaica sa pagsampal. Wala ng iba, diyan lang siya magaling. Kaya hindi nakakaabot ang grades niya sa star section eh.
Napabaling ang pisngi ko sa kaliwa dahil sa lakas ng impact ng sampal nya. Ramdam kong nag aalab parin sya sa galit. At ramdam ko ring nakangisi sila ng mga kasama nya. Rinig ko naman ang mga langitngit ng mga upuan, mukhang napatayo ang mga studyante sa kanilang nasaksihan.
"Aww."
"Magsisimula na naman yata ang Cousin War III"
"Oh My that was kinda crispy!"
"Hala!"
Kanya kanyang reaksyon ang mga naririnig ko mula sa mga taong nasa canteen.
Unti unti kong iniharap sa kanya ang mukha ko."Ano ba Amaica! Bakit mo sinampal si Rin?" Sigaw ni Freigh.
Alam kong walang magagawa si Freigh dahil bukod sa mabangis si Amaica, talo sya dahil mas alam ni Amaica kung paano ang lumaban. Masyadong mabait si Freigh para makipag away. Ni hindi niya yata alam kung paano makipagsabunutan.
"Ha. Ha. Ha. Tatlong tawa para sayo. Wag mong sabihing lalaban ka na Freigh? Poor little girl. Baka nakakalimutan mong hindi ka ganyan katapang kung di ka kinaibigan ng pinsan kong inggrata-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil agad ko na siyang sinampal ng kaliwa't kanan.
Masyado kasi akong naoffend sa sinabi niya sa kaibigan ko. Napaatras siya sa sampal na ginawa ko kaya inalalayan sya ng mga kasama nya.
"Ang bastos naman ng dila mo... You should eat your tongue. Ayoko sa lahat ay ang nagbabanta. Mas mabuting gawin mo muna para may thrill. Ano? Lalaban ka pa?" I smirked at her.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang mga bagong pasok sa canteen.
Tiyak kong napatigil rin sila sa dahil sa kumpulan ng nanonood sa amin sa gitna ng canteen.
"Woah! Girl vs Girls?"
"Ay iba den! May champalan bang ganap? Nood muna tayo. Mukhang mainit ang churvahan ditey."
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest