Author's Note:
For imaginary purposes, naisip kong gumawa ng picture nila Xyrene with her friends and enemies wearing their gowns. Para lang naman may kahihinatnan ang pag-iimagine niyo sa suot nila. Thank you.#WereFriends
XYRENE POV
"Ang ganda mo na ng bongga madam" Sabi nitong babaeng nagkokolorete sa akin. Its already 6 in the evening. Dito sa kwarto ko ginanap yung pagmemake up. Kaninang umaga ay hindi na ako ang nag-ayos nung design. Kumuha na ng ibang designer si Mom na dadagdag ng view sa event para makapag ayos pa ako. Ang ginawa ko maghapon ay nakahiga pagkatapus nung manicure and spa. Si Sassy ay mine make up-an sa room niya.
"Ayan tapus na madam. Maaari ka ng magpalit ng damit" sabi niya.
Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Yung buhok ko ay nakalugay lang at nilagyan ng spray net yung bangs ko para hindi nito matakpan ang mukha ko. Light make up only para hindi masyadong magmukhang clown. Binuksan nung isa pang babae yung box kaya pumunta na ako dun para tingnan yung design na pinagawa ni mommy. Hindi ko pa ito natitingnan and I don't know if it suits me.
Isang black crop top style na off shoulder at ang pares nito ay mahabang palda na kulay black rin at may palamuti na flowers. Ang ganda nga. I took it and go to my bed. Isinuot ko iyon at tsaka kinuha yung Yves Roucher na heels ko. Nagsimula na ang patugtog sa labas at rinig na rinig ko iyon dahil nakabukas ang pinto ng veranda.
"You look gorgeous Madam" nakangiting sabi nung isang taga make up ko.
"So stunning" papuri pa nung isa.
"You may leave now. I'm done" sabi ko. Lumabas na sila kaya inilabas ko yung phone ko.
I call Freigh.
"Hello? Oh bakit?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Are you done?" Tanong ko.
"Oo pabyahe na kami nila Mommy. Ikaw?" She asked back.
"Yeah. Kakatapos lang. See you" sabi ko at ibinaba na ang tawag.
"Pasok" sabi ko ng may kumatok. Busy akong inaayos yung purse ko. Inilagay ko dun yung phone ko atsaka pumunta sa drawer ko. I took my jewelry box at pumunta sa harap ng salamin.
"It suits you anak" napatigil ako sa pagbubukas nung box ng marinig ang boses ni Mommy. Nakita ko sa peripheral vision ko na pumunta siya sa gilid ko at tiningnan ako sa salamin.
"Kahit anong gown o damit pa ang isuot mo ay babagay talaga sayo" Kinuha ko yung hikaw kong mahaba ang straight lang yung style.
"What are you doing here?" Walang interes na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
Tiểu Thuyết ChungXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest