#Kapatid
XYRENE POV
Nagising ako dahil ang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa sentido ko. Napagdesisyunan kong bumaba ng kwarto para makainom ng tubig. Ngunit pababa palang ako ay nagkakandarapa na lahat ng kasambahay. Linis dito, linis doon. Whats happening? May mga nag-aayos ng sala at mga merchandise sa tukador. Now tell me, sa agang to, bakit sila nag aayos ng bahay?
Dumiretso na ako sa kusina. At pagdating doon ay apat ang yaya. May dalawang nagluluto at dalawang naghihiwa ng kung ano anong gulay at karne.
Binuksan ko yung ref at kinuha yung pitsel ng tubig tsaka nagsalin sa baso at uminom.
Isa si Minang sa mga naghihiwa.
"What happening?" Tanong ko sa kanila.
"Ah Mam pinapaayos lahat ni Mam Sandra tong loob ng mansion niyo. At pinapaluto lahat ng potaheng paborito niyo. Tinatanggal po kasi lahat ng nasa loob nung guess room kasi gagawing kwarto" sagot ni Minang.
"Uhm? And what is the reason? Is she have a visitor? Or any kind of celebration that she will command all the yaya in this house to clean the surroundings? How can she even manage to do this all if she's busy on finding that stupid bastard missing child?" Tanong ko at natulala siya sakin. As in napatigil talaga siya sa paghihiwa nung talong. I guess magluluto sila ng Kare-kare.
"Ate, ano daw?" Baling niya sa katabi niya. Nagkatinginan silang apat at saka tumingin sakin.
"Ok. Never mind" sabi ko nalang dahil puro hindi marunong mag english ang mga to. "Ah Minang. I want you to come with me in school" sabi ko kay Minang at ibinalik na yung pitsel sa ref at humarap sa kaniya.
"Mam? Bakit po?" Takang tanong niya.
"Hindi pa ba bumabalik si yaya Tilda?" Tanong ko at umiling sila.
"Ok. Yaya Lyn!" pagtawag ko. Agad naman ay nandito na sa harap ko yung yayang pamangkin ni yaya Tilda.
"Mam?" Tanong niya.
"Palitan mo diyan si Minang. Sumama ka sakin" sabi ko kay Minang at umalis na doon para umakyat papuntang guess room. Pero pagkarating dun ay inaalis na nila yung mga damit at mga gamit sa loob.
"At saan niyo dadalhin ang mga yan?" Tanong ko ng lalabas na sana yung may hawak sa mga dresses.
"Pinapalagay po ng mommy niyo sa stockroom." Sagot nitong yaya.
"Wait. At bakit?" Inis na tanong ko. Itong guess room ay katabi ng kwarto ko at sa kabila naman ng guess room ay ang Master bed room. Habang may dalawang bakanteng room which is the study room and yung bakante na na room, I mean walang laman. Iyon ang kwarto na nakabuka yu veranda. Mesa lang at sofa ang nakalagay dun. Kumbaga rest room.
"Mam aayusin daw namin to. Gagawing kwarto po nung babae kahapon" biglang nanlambot yung tuhod ko sa narinig. Kahit malate na ako. I won't mind.
"Babae?... did they mention her name?" Tanong ko.
"Ah hindi po Mam. Sige po ilalagay ko na to sa stock room" paalam niya pero pinigilan ko.
"Wag muna. Minang!" Pagtawag ko sa pangalan ni Minang.
"Mam" sagot niya. Nandito lang pala sa likod ko.
"Mamili ka diyan ng isusuot mo" utos ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"P-po?" Utal niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest