#SheSuffered
SHANIAH POV
Galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako!
Pakiramdam ko ay pinagtutulungan nila ako.
"Ano ba Red?! Bitawan mo ako sabi eh!" Sigaw ko kaya naman binitawan niya ako at muntik pa akong matisod dahil sa bigla niyang pabitaw sakin.
"Ano bang problema mo Shan?" Inis na tanong niya.
"Anong anong problema? Ikaw! Kayo ni Xyrene! Bakit? Bakit ka nakayakap sa kaniya? Naglalandian kayo?" Galit kong tanong at dinuro pa siya.
Kumunot ang noo niya at takang taka. Hinilamos niya ang mukha niya at frustrated akong tiningnan.
Kung hindi pa umalis si Xyrene ay baka hindi ko napaigilan ang sarili ko. Alam ko, may nagbago sakin. Nagbago ang ugali ko, pero dahil yun kay Xyrene. Inagaw niya ang lahat sakin. Lahat ng dapat ay para sakin ay nasa kanya na ngayon.
"Ano naman kung naglalandian kami?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya.
"Ano?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo Red?! Ha? Nagseselos ako ok? Nagseselos ako kasi naglalandian kayo!" Umiiyak na sabi ko.
"Nagseselos ka? Bakit ka magseselos Shan? At kung nagseselos ka man, bakit kailangan mong saktan si Rin?" Ramdam ko ang inis niya sakin.
"Dahil nga nagseselos ako! Hindi mo dapat yun ginawa. Alam mong masasaktan ako!" sigaw ko.
"Gagawin ko kung anong gusto kong gawin. Hindi mo kontrolado ang buhay ko, Shan. At kung nasasaktan ka, wala akong magagawa para hindi ka masaktan. Hindi ko responsibilidad na suyuin ka" seryoso niyang sabi kaya naman biglang nanginig ang tuhod ko.
Ang sakit! Ang sakit sakit ng mga sinasabi niya.
"Shan? Ano bang nangyayari sayo?" Sabat ni Rica pero hindi ko siya pinansin at tumingin ulit kay Red.
"Pero nilalandi ka niya! Dapat hindi mo siya hinayaang landiin ka niya!"
"Bakit naman hindi? Shan, walang tayo. Hindi tayo kaya wag kang umaktong girlfriend kita" natigilan ako sa sinabi niya.
Oo nga pala, hindi kami. Walang kami at wala akong karapatang magselos.
Ang shunga mo naman Shan! Kung makapagreact ka, parang nobya ka niya.
Kaya ko lang naman sinabing boyfriend ko siya ay para wag na siyang lapitan ni Rin. Para hindi na sila magkabalikan. Pero nagkamali ako, mahal pa ni Red si Rin.
"Oo nga pala..." tumawa ako ng peke kahit pa kita naman sa mga mata ko ang nag uunahang mga luha. "Kaibigan mo lang pala ako. Wala akong karapatan kasi si Rin ang mahal mo at hindi ako. Hindi naman ako yung tipo mo,yung tipo mo ay yung matapang, maganda, matalino at "
Tumango tango ako naparang sinasang ayunan ang aking sinabi.
"Shan hindi---" pintuloy ko na ang sasabihin ni Red.
Masakit na yung sinabi niya kanina. Ayoko ng may dumagdag pa kasi triple yung sakit eh.
"Hindi Red. Tama na. Ayoko ng marinig pa ang sasabihin mo. Sorry, sorry kung nag assume ako. Sorry kung nag anticipate ako. Sorry kung nabulag ako sa pagmamahal ko sayo. Sorry kung--sorry kung ang pangit ko" pinalis ko ang luha ko.
Inilayo ko ang braso ko ng akma akong hahawakan ni Red.
"Shan---" hindi ko na siya pinakinggan.
Dali dali na akong tumakbo palabas ng FA at pumara ng taxi.
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest