#Kwintas
XYRENE POV
"Teka lang!" Rinig kong inis na sigaw ni Kel mula sa loob ng condo niya.
Ilang minuto pa ang dumaan bago niya ako pinagbuksan.
"Oh? Ikaw pala Rin. Ba't di ka kasi nagsasalita?" Gulat niyang sabi.
Agad nalang akong pumasok sa loob at naupo sa couch niya. Kating kati na akong malaman yung resulta. Hindi na ako makapag antay pa ng ilang oras.
Pumasok si Kel sa loob ng kwarto niya at pagkalabas ay may hawak na siyang brown envelope na sa tingin ko ay ang DNA result.
"Positive?" Tanong ko pero nginisihan niya lang ako bago iyon iniabot sakin.
"See it on your self"
Agad ko itong binuksan at kinuha ang papel sa loob. Walang paligoy ligoy ko itong binasa at hinanap ang saktong resulta.
My eyes widened and I can sense her sight on me. She's watching me out.
"How did this happen?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Don't be confuse Rin. I already know that it can be happen. From her hair to your hair... alam kong hindi magkakamali ang pinagkatiwalaan kong doctor na humawak diyan"
"Hindi match ang dugo namin! Its a negative!" I almost shouted in shock.
May pakiramdam na ako noon pa man na hindi siya si Kyline pero iba parin kapag napatunayan mong totoo ang hinala mo.
Kung hindi si Sassy, bakit siya nagpanggap?...
"Yup! And its time for us to know the truth. Tell it to Tita---" I cut her off. Her idea is so lame. It can ruin everything.
"No Kel. Hindi muna natin ito sasabihin kay Mom. Kailangan ko munang alamin kung bakit kailangang magpanggap ni Sassy. At kailangan nating malaman kung may kinalaman si Shan dito" sabi ko kaya napaisip siya.
"Hmm... its possible Rin. Baka magkasabwat sila at baka trap lang to. Baka nga sinadya niyang pasukin ang buhay mo"
"Sa tingin mo...may kinalaman din sina Jarred dito kung sakaling totoong kasabwat si Shan?" Masakit man saking isipin pero kailangan kong sisiring mabuti ang bawat detalye at lahat ng taong kasapi.
Kailangan kong pakiramdaman lahat ng taong kasama at kaibigan ni Shan na napalapit sakin, samin nila Kel. And thinking of that is making me shiver.
"Posible rin iyang mangyari. They we're so close and its not impossible. Lalo na si Rica... Pupunta ka ba sa huling practice nila Shan mamaya?" Pag iiba niya sa topic.
"Kailangan nating pumunta. Aalamin ko ang totoo" I said with finality.
"Ok. Wait for me. Maliligo lang ako" paalam niya at pumasok na sa kwarto niya.
Tumayo ako at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto ni Kel.
Ang ayos ayos ng condo niya. Siguro ay pumunta dito yung yaya niya kasi masiyado siyang burara. Hindi siya yung babaeng maayos, ang tamad niyang mag ayos ng gamit niya.
Naalala ko nga noong minsang pumunta ako sa kwarto niya para gisingin noong bata pa kami, nasa sahig lahat ng unan niya at yung mga libro niya ay nagkalat sa lamesita niya.
Its so funny to think that the little Kel back then is always be the same by now.
Maaring ganun siya ngunit masasabi kong siya yung the loyal girlfriend. At loyal kung magkagusto. Once na matamaan siya ay talaga ngang mag eefort siya para lang pansinin siya ng gusto niya.
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest