Going Home
XYRENE POV
I swear pag makita ko yung tigreng yun doble ang gagawin ko sa kanya. Ihahampas ko sa mukha nya yung upuan ko na pininturahan nya. At red pa talaga? Akala nya siguro kakampihan sya ng mga classmates ko? Takot lang nila.
Kung wala lang klase ngayon sa Math ay susugurin ko na sya. Di nya yata alam na matindi akong magalit. All my whole life di ko pa nalalabas ang totoong galit ko. Lalo na pag isinama ko yung totoong galit ko sa parents ko. She's nothing against me.
P Kung di ko lang ka close sina tita Merryle at Tito Kurt matagal ko na silang sinaktan ng todo pa sa todo. Buti at mababait ang mga magulang nila di tulad ng dalawang yun.
"Good morning Grade 10-A" nakangiti na nagsasalita ngayon sa harap namin ang secretary ng Dean. "I would like to announce that Mrs. Rivera cannot come today due to an emergency. Her daughter has a dengue and she----"
Wala na akong marinig kundi ang ingay ng nagsisilabasang mga studyante. Di pa tapos ang speech nya ay umalis na sila. Habang ako ay nakaupo at nakasandal parin sa upuan ko. Si Freigh naman ay inaayos na ang mga gamit nya.
"Di ka pa ba maglalaunch Rin?" Tanong nya.
"Wait. Im just resting my neck" sabi ko.
My neck was aching. Atsaka tinatamad pa akong maglakad.
Nakatayo parin si Miss Sanchez sa harap at nakangiti sa amin. Dadalawa lang naman na kami ni Freigh ano pang tinatayo nya dyan?Wag nyang sabihing hihintayin nya pa kaming umalis tsaka sya aalis?
"What are you still doing here? The students are gone. Go out" inis kong sabi. Nag iinit talaga ang ulo ko ngayon dahil nananakit ang leeg ko.
I see in my peripheral view na kinakalikot ni Freigh ang phone niya tsaka niya isinalampak ang earphone sa tainga niya.
Nakaangat ang tingin ko sa kisame habang nakasandal naman ang leeg ko sa sandalan ng upuan ko.
"Kasalanan ko ba? Kung iniibig kita? Di ko naman sinasadya. Ang mahalin kita ahh" napaigtad ako sa gulat dahil sa pagpiyok niya. Putangina naman oh.
"Ano ba Freigh! Babangungutin ako dyan sa boses mo!" asar kong sabi.
Napaismid naman sya sa sinabi ko.
"Wow ah. Ang ganda ng boses mo. Pramis" itinaas nya pa ang mga kamay nya na parang sumusuko. Di ko nalang sya pinansin at naidlip muli.
Sa aming tatlo kami ni Kelcie ang marunong kumanta. Si Kelcieagaling tumugtog ng piano. Ako naman mahilig kumanta at batikan sa pag-strum ng gitara. Nag piano lessons siya noong elementary habang ako naman ay tinuruan ng pinsan ko sa father side sa paggigitara.
"Ihahatid na kita mamayang uwian sa bahay nyo" rinig ko ang baritong boses na papalapit.
"Wag na Red. Kaya ko naman. Di naman masyadong masakit" anang matinis na boses.
Kaya naman napamulat ako ng mata. Sakit sa tainga ng boses na yun.
Pati si Freigh ay napatingin sa akin sa pagbangon ko. Tinanggal nya ang earphone niya. Sa tingin ko hindi niya narinig ang ingay kanina.
"Tara na?" Tanong nya.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko, sumunod naman siya.
Papalapit na kami sa pintuan ni Freigh ng makasalubong namin ang Nerd at si Mr. Transferee na feeling famous, mukha namang paa.
Napatigil kaming lahat sa paglalakad nung nasa harap na namin ang isa't isa. Napatingin ako kay Jarred na seryoso ang tingin sakin. Para bang may kasalanan akong nagawa sa kanya, napakaseryoso ng tingin nya, dahil dun ay naiintimidate ako.
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest