Chapter 25

1.4K 45 3
                                    

#DoYouLikeHim?















XYRENE POV






Sumunod sa aking pagpasok ng mansion ang mga kaibigan ko.



Iniwan ko na sila dun sa baba. Kung gusto naman nilang kumain ay free sila. Sanay na rin silang  gumala sa mansion namin kahit pa nandito ang parents ko. Feel at home sila just like me kapag pumupunta ako sa bahay nila. Sumunod sa akin si Minang dahil siya ang nagbuhat lahat ng mga pinamili ko. Yung tsinelas niya sa mall ay wala na. Kaya yung dollshoes nalang ang suot niya ngayon.



"Ilagay mo nalang sa kama ko yung akin at ilagay mo na sa quarter niyo yung iyo" utos ko.



"Sige po Mam. Thank you ho" sabi niya at lumabas na. Nagpalit muna ako ng pambahay na damit bago lumabas.


Pagbaba ko ay nandun sila sa sala at nanonood ng Slum Dunk. Kaya naman umupo ako sa tabi nila. Ang itsura nila ay talagang magpapaisip sayo kung bahay mo ba talaga to, kasi mas daig pa nila ako!



Si Kel ay nakataas ang dalawang paa na nakapandikwatro at nakatungo sa sandalan ng sofa. At si Freigh naman ay nakataas di ang mga paa habang nasa kanan yung ulo at nakaunan sa sandalan ng sofa sa gilid. Ako ang nasa gitna nila.



"San ka pupunta?" Tanong ko kay Freigh na tumayo.



"Magbebake ng cookies" sabi niya kaya naman naexcite ako dahil ang sarap ng mga gawa niya.



"Damihan mo ah. Iuuwi ko sa condo ko yung iba" sabi ni Kel habang tutok na tutok sa TV.



"Yes Mam!" Saludo ni Freigh atsaka tumungo sa kusina.



"Sakuragi galingan  mo naman!" Biglang sigaw ni Kel at naka 'laban' style pa yung kamay.



Mashoshoot na sana ni Sakuragi yung bola ng biglang maagaw iyon ni Sendo.


"Whaaaa bakit kasi di nagseseryoso eh!" Sabi na naman ni Kel pero di ko siya pinapansin. Nakatutok lang ako sa laban.


Nasa kalaban yung bola. Pero dahil magaling kupunan ni Sakuragi ay naagaw agad ni Mitsui yung bola.



"Dalian mo unggoy! Ipasa mo kay Sakuragi!" Napatingin ako kay Kel dahil sa sinabi niyang unggoy.



"Anong unggoy?" Tanong ko.




"Whoooo ayan na! Mananalo na sila" pagchicheer niya. Aba di sinasagot ang tanong ko.



"Tumahimik ka nga. Di ko na---"



"Ayyyy sayang tangina! Bwisit yang Sendo na yan eh. Ang gwapo pa naman!" Sigaw na naman niya.



Dahil dun ay kinuha ko yung remote at hinanap yung Channel ng Dragon Ball.



"Rin ano ba! Ang ganda na nung laban eh!" Reklamo niya.



"Hala! Bakit si Cell ang kalaban nila?" Tanong ko.



"Akin na yung remote!" Hingi ni Kel.



Tinapunan ko lang siya ng tingin at tumingin na ulit sa TV.



"Asa likod niyo! Ano ba yan! Wala ng beans sina Goku" Nanghihinayang na sabi ko.


Nasuntok ng malakas ni Cell si Goku sa likod kaya ito napatilapon ng malayo at sunod ay gumawa ng malaking power si Cell.



Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon