#IMissYou
XYRENE POV
"Uyy Rin makinig ka kasi" kulit na naman ni Freigh. Kanina nya pa ako kinukulit. Nandito kami sa kwarto. Alas Otso na ng gabi at nakapag paalam na siya sa mommy niya. Pinayagan naman siya agad dahil may tiwala naman ang oarents niya sa kanya at ako naman ang kasama niya. Naka dapa sya sa kama habang ako naman ay nakaharap sa study table ko habang iginuguhit iyong resort na napuntahan namin. Hilig ko kasing i-drawing ang mga lugar o bagay na napupuntahan ko ng hindi inaasahan.
Kapag talaga nandito ai Freigh o si Kel ay napaka ingay ng kwarto. May opinyon kunno daw sya. Haha epic yung mukha niya kanina habang kausap si Minang. Paano? Nag english si Freigh pero nakanganga lang si Minang sa kanya. E paano nalang kung si Kel ang nakausap niya?
"Ano ba kasi?" Inis na tanong ko. Nakukulitan na sa kanya.
"Humarap ka sakin!.Eh kasi naman, pwede mong kausapin si Kel kapag tumawag sya" pangungulit nya pa. Pero di ko sya pinapansin.
"Pwede namang ikaw di ba? Tsaka wag mo ngang ipilit yun" sabi ko. Ramdam kong napasimangot sya at gumulong sa kama ko, style niya yan haha!
"Eh di ba nga? Ang hilig magtaray nun. Tsaka minsan ko lang nakakausap ng matino yun. Nakakairita pa naman yung pag-english english nya" reklamo niya, nakita ko sa peripheral vision ko na umupo siya sa kama at...
"ARAY!" Napalingon na ako sa kanya dahil sa pagbato niya sakin ng throw pillow ko. "Ano ba? Ano ba?!" Inis akong tumayo.
"Heheheheh sorry" bawi niya. Mabuti nalang at di ako napipikon ng grabe sayo.
"Hay kung di lang kita kaibigan ay matagal na sinipa papunta sa labas" sabi ko. Napalabi sya. Tsk parang bata.
"Ehhh? Kasi naman di mo ako pinapansin. Sige na Rin. Ikaw lang ang nakakapag kumbinsi kay Kelcie. Atsaka mababait naman sila. They are all fun to be with" sabi niya pa.
Napaisip naman ako. Yeah its true. My hard emotion suddenly lessen for a short time because of them. I'll try. Kilala ko si Kel, she never wants to be with strangers. Ayaw niyang nakikihalubilo sa mga taong bagong kakilala palang at lalong di sya palakaibigan. Wala pa akong nababalitaan na nakisalamuhaan niya sa Korea. Wala ni isa. Ganun sya ka sopistikada at kataray.
"Maski ako Freigh,trust me. She can reject me. Kung ayaw niya, ayaw niya. Ayaw niyang kinukulit. You know her. She does't even want to be close with you haha" biro ko sa kanya. Pinulot ko yung throw pillow na ibinato niya sa akin kanina at biglang ibinato sa kaniya.
SAPUL!
EYEBALL! HAHAHA
Kinuha niya yung isa pang throw pillow sa tabi niya at babatuhin na naman sana akobilang ganti kung di lang namin narinig yung katok mula sa pinto. Natuon doon ang atensiyon niya kaya naman kinuha ko yung pagkakataong iyon para takasan siya.
"Bye bye" tinakbuhan ko si Freigh papuntang pinto.
"Ma'am may--" Alam kong hahabulin ako ni Freigh kaya naman binuksan ko agad yung pinto,nandun si Minang pero di ko na siya pinansin pati ang sinasabi niya sa takot na maabutan ako ni Freigh. Nasisiyahan kasi akong magpahabol sa kanya, hinawakan ko yung laylayan ng pajama ko para makatakbong mabuti at tawa ako ng tawa habang tumatakbo pababa.
"Rinnnnnnn!!!" Rinig ko pang sigaw niya. Pero alam kong titigil sya dahil nandun si Minang.
Takbo lang ang ginawa ko habang papuntang kusina.
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest