Mataray
XYRENE POV
Nakakabagot naman ang pagmumukha nitong mga to. Tsk. Kung wala lang siguro akong iuutos kung sakali sa nerd nato ay di ko to makakayanang makasama sa iisang lamesa, at may kasama pang bakla! Nakakasira ng mood.
"Ano nga pala ang tema ng gagawin natin bukas?" Tanong ni Freigh kay Shan. Oh sige makiki Shan narin ako dahil ang haba nung 'Shaniah'. Nakakatamad banggitin.
Oh I forgot na meron nga pala kaming group activity. At makakasama ko na naman tong dalawang to, at di lang yun! May additional pang dalawa!
"Ah, eh di ba magkasama tayo kanina?" Kamot ulong sagot ni Nerd.
Nakikinig lang ako sa usapan nila habang nilalaro yung ice ng coke ko.
"Then ask him." turo ko kay Rica daw na bakla, kumakain pa rin. Wow ha! Ang takaw neto eh di naman tumataba. Ang payat niya, hindi naman sobrang payat pero payat parin siya.
"Uy ateng ah! Her dapat HER" pagdidiin nya pa sa her. Topak na to tuturuan pa ako.
"Tinuturuan mo ba ako?" Nakataas kilay na tanong ko.
"Ateng naman! Ang init ng ulo mo ah. Araw ng pagdadalaga?" Usisa nya pa.
"Di ako ang may dalaw. Si Freigh yun." tumingin ako kay Freigh na pinamulahan agad. Kanina ko pa to napapansin ah. Bakit palagi yata itong namumula ngayon?
"Teka nga, Rica! Bakit mo narinig yung sinabi ni Xyrene eh naka earphone ka?" Tanong ni Shan at kinuha yung isang nakasalampak sa tenga ni bakla at dininig ito. "Aba! Eh di naman nakaplay eh"
"Ambisyosang palaka to. Aba! Eh like ko ang pakinggan ang pinag uusapan nyo eh. Haler." Sobrang bakla talaga ng baklang to.
"TEKA NGA! Eh wala namang nasagot dun sa tanong ko eh" singit ni Freigh.
Tumahimik naman yung dalawa at umayos. Naghair flip naman yung bakla na akala mo naman ay mahaba ang buhok.
"Kailangan daw natin ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng Pamilya." sagot ng bakla.
Anong connect nun sa lesson namin? Tss andami daming arte ng teacher na yun. Papakialamanan pa ang sarili naming pagpapakahulugan sa pamilya.
"Oh, eh ang dali lang naman eh." Freigh.
"Madali lang naman talaga pero mahirap para sa mga wala ng magulang." tumingin siya kay Shan dahil sa madamdamin nitong sagot.
Agad natahimik si Freigh.
"Uy may nanay pa naman ako." bawi ni Shan.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtingin sakin ni Freigh pero hindi ko siya tiningnan pabalik. I know what she's thinking.
Pinag usapan nila kung paano kami nagkakilala ni Shan. Ayun ikinuwento naman ni Shan. Sumabay rin si Freigh sa kwentuhan. Isa lang talaga ang napapansin ko kay Freigh ngayon. Ang daldal na nya simula kanina. Tsk tsk nasahawa yata ng pagkadaldal nitong bakla. Yung boses lang kasi ng bakla ang naririnig. Nalaman din ng bakla na slave ko na si Shan. Ayun patuloy ang emote niya. Sinabi naman ni Freigh na wala siyang magagawa dahil mapapatalsik si Shan dito kapag di ako sinunod. Nag insist naman si bakla na tutulungan daw niya si Shan pero umayaw si Shan dahil palagi nalang daw sila ang sumasalo sa mga problema nito mula noong bata pa sila.
Nabubwisit man ako na pinagkwekwentuhan ako sa harap ko ay hindi ko nalang sila sinuway dahil mismong kaibigan ko pa ang bangkera ng chismisan.
Nang matapos ang kwentuhan ay pumasok na kami. Nagdiscuss si Ma'am Diaz about dun sa Cultural fiest ng mga ninuno namin. Yes, ganun siya kung magdiscuss, isang part lang ng lesson sa isang araw. Ganun siya katagal.
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest