Maldita with a heartFREIGH POV
Ramdam ko parin ang inis ni Rin kahit di nya sabihin. Bumati si Sir Deo at bumati kaming lahat pabalik maliban lamang kay Xyrene. Nasa 25 above na si Sir Deo. Sya ang PE teacher namin which is coach rin ng Basketball.
Di pa yata napapansin ni Sir yung bagong dating.
Kinuha ko yung upuan or I should say pinagpalit ko yung upuan ni Cassy at Xyrene kanina para tumigil na sila sa pag aaway ng bagong salta. That boy is so effortlessly handsome. Manipis ang labi at mapula, medyo singkit ang mata at mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong at maliit ang mukha! Perfect! Di ko alam kung nagwapuhan manlang si Rin dyan dahil siya lang yata ang walang ekspresyon. Ni hindi manlang natameme sa mukha nitong mala Adonis, at imbes na mamangha, inaway pa niya!
Tiningnan ko si Rin na tumitingin pa sa likod at ang sama sama ng tingin nya sa transferee na nakatingin sa harap, walang pakealam sa paligid niya. Para siyang inosente na walang kaalam alam na pinagkakaguluhan siya ngayon ng lahat, siyempre maliban ulit kay Rin.
"Hey! You're new?" Baling ni Sir sa likod. Pertaining to the transferee boy. "Ngayon lang kita nakita rito"
"Oo sir... dahil ngayon lang rin ako nakakita ng pulubi dito" bulong ni Rin.
"Excuse me Miss Cortez?" Baling ni Sir kay Rin.
"Nothing Sir. Just continue." Sumenyas pa si Rin na ituloy lang ang ginagawa ni Sir.
Pabiro ko siyang siniko. Natawa naman ako sa ginawa ni Rin. Para syang matanda kung makasensyas kay Sir.
"Loka loka ka talaga" bulong ko. Umirap lang sya.
"Please introduce your self infront Mister?" Utos ni Sir Deo.
Sumunod naman yung lalaki kay Sir at pumunta sa harap. Ang cold naman nito. Parang di masyadong umiimik. Snob yata.
"I'm Jarred Carl Timbreza 17 years old" pagpapakilala nito.
Ayun lang? Ganun lang?
"Where school do you came from?" Tanong pa ni Sir kay Jarred.
"Clint University Sir" sagot nya.
"Oww. The high profile school. I guess your intelligent. From what I heard, CU is one of the most popular school because they have overrated numbers of Smart students. So bakit ka nagtransfer dito? Maganda ang CU. Nakick out ka ba?---" napatingin si Sir kay Rin na nagtaas ng kamay.
Nagtatakang napatingin kaming lahat sa kanya dahil wala namang recitation at si Jarred ang tinatanong ni Sir.
Napatingin rin si Jarred kay Rin.
"Is there anything you want to ask Miss Cortez?" Takang tanong nito kay Rin.
"Anong tinataas taas mo dyan ng kamay?" Bulong kong tanong.
Tiningnan nya lang ako.
Tumayo si Rin at taas noong tumingin kay Sir.
"I can answer your question to him Sir" sagot ni Rin. Takang taka ngayon ang lahat.
Ano na namang plano ng kaibigan ko? Hayst di talaga to nawawalan ng kalokohan.
"Oh? Why? Did you two know each other? Or are you related----"
Umastang nasusuka naman si Rin na syang nagpakunot sa noo ni Sir.
Ewan ko kung matatawa ako or maiinis sa ginagawa ni Rin. Mukha kasi syang sira.
"Are you okey Miss Cortez?" Kunot noong tanong ni Sir Deo kay Rin.
"Seriously Sir? Kami? Related? Are you out of your mind?---"
BINABASA MO ANG
Maldita With A Heart
General FictionXyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng cover. source:pinterest