Epilogue

3.4K 98 27
                                    

Hi guys! Thank you dahil nakaabot kayo dito! This is the last chapter. Please read my next story BULLY WITH A HEART. Here is the link https://my.w.tt/XwUNPgXl28 or just simply visit my profile. Thank you!

#TheFinalSuffering

SHANIAH POV

"Ano? Ha? Masaya ka na!? Are you satisfied that my cousin is now at the edge of her life!? Masosolo mo na yang Jarred mo! Happy now?" Galit na galit at umiiyak na sigaw sa akin ni Kelcie.

Oo alam kong kasalanan ko to. Kasalanan ko kung bakit nag aagaw buhay ngayon si Xyrene pero masisisi mo ba ako? Masisisi mo ba akong wag magalit sa kaniya?

Siya ang dahilan kung bakit muntikang mawala ang pagkababae ko. Wala akong ebedensya pero ramdam kong siya yun. Siya yung tinawag na Mam nung lalaki.

Ang malawak ang dahilan ni Rin para gawin sakin yun. Kilala ko siya. Kaya niyang gumawa ng masama dahil nagawa narin niya sakin yun. Kahit pa ilang ulit niya akong niligtas noon, hindi parin nun mababago na ayaw niya sakin.

"Wag mo nga akong sisihin! May atraso din siya sakin. Siya ang dahilan kung bakit ako muntik mapahamak kahapon!" Galit ko ring sigaw pabalik.

Sa paraan ng pagtingin at pagsasalita ni Kelcie ay parang gusto na niya ako ulit dambahin. Oo, may takot ako sa kaniya dahil kilala siyang bully at higit sa lahat, napatunayan niya yun. Yung pagtulak niya sakin kanina, sapat nang dahilan yun para matakot akng lapitan siya pero dala narin ng galit ay nakaya ko siyang sigawan ngayon.

Nanonood lang sina Jarred, Freigh at iba pang mga kaibigan namin. Sina Mommy at Daddy naman ay nasa ICU. Sina Lola ay umuwi muna para makapagpahinga.

"Are you out of your mind? Gusto mo bang bunutin ko yang utak mo para makita niyan ang mga nangyayari ha? Come on! Stay awake! Hindi si Xyrene ang nag utos nun! At alam mo ba kung bakit late kaming umuwi? Dahil sinugod niya yung babaeng nag utos nun kahit pa naninikip na ang dibdib niya dahil sa stress!" Natigilan ako sa sinabi niya.

Babae? Sino?

"Kel, please kumalma ka" pang aalo ni Freigh na kanina pa pahid ng pahid ng luha.

Hindi ko na siya pinansn at bumaling ulit kay Kelcie.

"Sinong babae? Alam kong pinapaikot mo lang ako. Niloloko mo lang ako. Baka nga nalate kayo ay dahil binayaran niyo yung lalaki na huwag magsalita laban kay Xyrene!" Konklusyon ko pero napailing siya at nagpunas ng mata.

"Jermine commanded that guy to manipulate you! She want to get a revenge from what you did to her. Tinulak mo siya sa hagdan kaya hindi siya nakapasok ng ilang linggo di ba? Ginagantihan ka niya kaya siya nag utos ng tao para saktan ka! And worst, pinagnasahan ka kaya yun nangyari!" Napanganga ako sa nalaman.

Yung tinulak ko? Siya ang may kagagawan nito? T-tapos...sinugod siya ni Xyrene kahit pa ganito na ang kalagayan niya?

Nanghihina ang tuhod ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa nalaman.

Hindi ako makapaniwala! Hindi, hindi ito maaari. Hindi totoo yun. Please, hindi to totoo dahil kapag to, totoo...labis kong pagsisisihan ang ginawa ko kay Xyrene!

"Remember nung inaway mo siya? Nung nakita mong magkausap sila ni Jarred? Ha? Jarred, anong sinabi sayo ni Rin that time?" Baling niya kay Red.

Nilingon ko si Jarred na malamig na tumingin sakin.

"Nagpaalam siya" napalunok ako dahil sa paraan na pagtingin sakin ni Red.

Ramdam ko ang inis niya sakin kahit pa hindi niya yun ipakita.

Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon