Chapter 14

1.5K 49 4
                                    

#Bonfire2


XYRENE POV

Nandito na kami ngayon sa tabi ng dagat. Kaharap ang apoy na nagmumula sa sinunog naming kahoy. Magkakaharap kami ngayon. At may tig-iisang snack na Cheetos with spicy sauce.

"Let start a topic" pambabasag ni Jarred sa katahimikan.

"Magbigay kayo" dagdag ni Ken.

"Kilalanin natin ang isa't isa, tutal dyan nagsisimula ang pagkakaibigan" suhestiyon ni Shan.

"Kayong dalawa, magkwento kayo" turo sa amin ni Rica.

"Ako, isa lang akong loser nung grade 9 ako. Binubully,pinagtatawanan, kinukutya dahil daw loner ako. Simpleng pagsasalita at pagsigaw lang ang ginagawa nila sa akin noon...Hanggang sa...May isang babae ang napagtripan ako. Akala ko simpleng bully lang ang matatanggap ko pero, hahaha kakaiba,grabe yung dinanas ko" nakangiting sabi ni Freigh.

Hehe hindi naman yata ako ang pinapatamaan ng magaling kong kaibigan di ba?

"Anong ginawa sayo?" Tanong ni Shan.

"Inaagawan ako ng upuan, ibinubukbok sa sahig yung laman ng bag ko...Pinapahiya ako sa harap ng maraming tao, ginagawang basahan yung extra uniform ko" pagkwekwento niya pa.

I swear natatawa ako sa itsura ni Freigh ngayon. Imagine, inaalala niya pa yung mga ginawa ko sa kanya? Isa talaga akong bully haha!

"Hala? Grave naman yun. Sino nga pala yung babaeng yin na walang puso?" Usisa ni Rica.

"Si Rin" napatingin silang lahat sa akin. Na para bang ako na yung pinakamasamang tao. Tusukin ko yang mga mata nyo eh. Binuksan na niya yung snack ni Freigh at nagsimula ng kumain, gayun din ang iba.

"Tsk! You guys are so intimidating" reklamo ko. Itinukod ko yung dalawang kamay ko sa likod at inunat ang dalawang paa ko habang nilalaro ang buhangin malapit sa apoy.

"Ikaw pala hehe, sorry" nag peace sign pa ang bakla. Backstabber din to eh.

"Pero alam nyo ba?...sya rin ang naging matalik kong kaibigan haha! Sinong mag-aakalang magiging ultimate friend ko ang ultimate bully sa campus?...since naging magkaibigan kami eh tinarget na ako nila Amaica, pero dumadating naman si Rin para iligtas ako hehe" natutuwang kwento niya pa.

"Ay taray, eh sino ba kasi yung Amaicang yun? Parang sya ang may-ari ng campus eh di ba si Xyrene naman?" Tanong pa ni bakla.

"She is Amaica Filecio" sagot ko. Nagugulat naman siyang nakatingin sa akin.

Akala niya siguro ay kapatid ko sya.

"Mali ka ng inaakala" pangunguna ko.

"Eh magkaano ano kayo? Di ba Cortez ka?" Tanong niya pa.

"Yes. Cortez ako. My father is a Cortez. Si mommy ang Filecio. At si Amaica ang cousin ko, ang tigre kong pinsan" sabi ko.

"Ahh kaya pala. Akala ko ang daddy mo ang Filecio. Hula ko di kayo magkasundo ng pinsan mo noh?" He asked.

"Yah. Simula bata kami ay di na kami mapagkasundo. We're ultimate enemy, she is my foe." Sagot ko pa.

"Sa paanong paraan?" Napatingin ako kay Jarred sa tanong niya. Napatawa naman ako. Sa lahat ng bagay, sa lahat ng bagay kami magkaribal.

"Actually, hindi naman ako, ang may problema. Kundi sya. She always see me as a threat. She always do competing on me" sagot ko.

"That's what you call insecurity" humalakhak si Ken.

"Alam ko, halata naman." Napailing nalang ao sa kawalan.

"May bf na kayo?" Tanong ni Rica.

"Wala" agad na sagot ni Freigh. "Sa totoo lang eh NBSB kami haha"

Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon