Katarina's POV
Habang naglalakad ako papuntang classroom ay nakasalubong ko ang magbabarkada, pinagtitinginan sila ng mga kababaihan at lahat ng makasasalubong nila ay tumatabi para makadaan sila.
Di ko kaagad napansin na nasa dadaan na pala nila ako at bigla nalang may tumulak sa 'kin at natumba ako.
"Hoy panget! Di mo ba nakita na dadaan kami? Feeling mo naman kung sino ka na harangan ang dadaanan na mga gwapong ito!!" Sigaw ni Steven
" Pasensya na di ko kaagad kayo nakita" sabi ko.
" Eh sa gwapong mga pagmumukhang ito di mo kaagad makikita? Yan kasi eh tatanga-tanga" Sigaw ulit ni Kuya Trevor
"Sorry po talaga di na ulit ako haharang sa dadaanan niyo" mahina kong sagot.
At agad naman silang umalis na tumatawa..At Unti-unti kong pinulot ang mga dala kong libro at nag ayos bago tumayo... Nang naglakad akong muli narinig ko nalang na nagbubulungan ang mga schoolmates ko..
" Ano naman kasi eh ang tanga. Haharang harang pa sa dadaanan nila Nathan my loves. Yan tuloy napahiya.. Hahaha!!" sabi nung isang babae .
"Kala mo naman ang ganda at haharangan pa sila Dwayne.. Nagpapapansin lang siguro.. Hahaha!!" sabi pa nung isa.
Nang marinig ko na lahat yun tumakbo ako ng mabilis papuntang cr.. Di na rin maiwasan na pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko estudyante pero wala akong pakialam sa kanila..
Nang makapasok na ako sa isa sa mga cubicle di ko na mapigilang maiyak.. At sinisi ko rin ang sarili ko kung bakit ako napahiya.. Nang medyo okay na ako, pumasok na ako sa first subject ko..
Nang pagpasok ko palang sa classroom napakaingay ng mga kaklase ko dahil wala pa namang guro.. At biglang dumating na din ang teacher namin at napaupo na kaming lahat..
" Good morning class.. And I am Mr. Jonas Santos and I will also be your adviser for the whole school year" bati niya sa amin.
" Good morning Mr. Santos" bati din namin sa kanya..
Habang nagtuturo si Mr. Santos, di ako masyang maka focus sa mga tinuturo niya dahil iniisip ko pa din ang nangyari kanina.. At nabigla nlang ako nang magsabi siya na magkakaroon daw kami ng short quiz bukas..
Nang matapos na ang araw na yun ay nagmadali na akong naglakad pauwi at innisip kung bakit bini-big deal ko ang mga bagay na yun.. Nang malapit na ako sa bahay ay sakto namang dumating si Kuya Trevor habang nakasakay sa kotse at nagmadali na naman akong pagbuksan siya ng gate..
Hindi ko lang siya pinansin buong gabing iyon at kahit ako naman eh di man lang niya pinapansin..
At sa tingin ko eto na yung worst na pagbubukas ng klase para sakin.. Pero kinalimutan ko nalang yung mga nangyari kanina dahil di naman dapat bini big deal yung mga bagay na yun..