Katarina's POV
Habang naglalakad ako sa hall way papunta sa room maraming mga matang nakatingin sa akin.. At bigla ulit sila nagbulungan.
"Sino kaya yan? Ang ganda naman niya.." Tanong nung lalaki sa kasama niya
Patuloy parin akong naglalakad at parang di parin ako komportable sa mga titig ng mga estudyante, nakakatunaw na mga titig nila..
Dumaan ako malapit sa Dean's Office para makaiwas na rin sa mga titig ng mga school mates ko.. At di ko naman inaasahang makasalubong si Ezekiel, yung ultimate crush ko.. Bigla nalang siyang napatitig sa akin at unti unting lumapit.. Pero umiwas ako baka ano pang magawa ko baka mahalata niya akong nagkukulay kamatis na ang mga pisngi ko.. Sa dinami dami pa namang pwedeng daanan dito ko pa siya nakasalubong na kaming dalawa lang.. Hayss baka tadhana na to
Buti nalang bumukas yung pinto ng dean's office kaya tumakbo ako pero tinawag ako ng dean..
"Hey Ms. Dela Fuente, come back here!!" Sigaw ng dean kaya napalingon ako." The both of you, pumasok kayo sa office at may importante tayong pag uusapan" sabi niya sabay turo sa aming dalawa ni Ezekiel.
Nang makapasok na kami agad din naman kaming pinaupo ng dean.. Pero medyo di ako komportable eh ikaw ba naman makatabi mo yung ultimate crush mo..
" Nandito tayo ngayon dahil may kaunting problema sa grades ni Mr. Mendes and he needs a tutor para ma maintain niya ang giid grades niya..." paliwanag ng dean." And you Ms. Dela Fuente will be his tutor until he got the good grades" sabay turo sa akin.
Napanganga naman ako sa sinabi ng dean.." Pero sir marami pa naman pong iba diyan eh.." Palusot ko pa
"Pero Ms. Dela Fuente kailangan ko din na maging tutor ni Mr. Mendes para masigurado na ikaw na ang valedictorian this year at bibigyan ka din ng parents ni Ezekiel ng sahod."
"Eh bakit siya pa sir? Hindi naman ako makaka focus niyan, mabuti sana kung maganda siya may gana pa akong makinig sa kanya.." sabat niya sa dean na may halong pang aasar
"Pero Ezekiel wala naman tayong choice eh.. Isa pa ginusto di naman ito ng parents mo" paliwanag sa kanya ng dean.
" Sige po sir tatanggapin ko po yung offer.. Pero kung di ako gusto ni Ezekiel na maging tutor niya, di ko naman po ipagpipilitan ang sarili ko.." sabat ko sa dean
"Sige na nga basta siguraduhin mo lang na matututo ako sayo.. Kung hindi, sayang naman ang ibabayad ng parents ko.." Pag sasangayon ni Ezekiel.
" Mabuti at nagkakaintindihan tayo.. At bukas pwede na kayong magsimula. Maari na kayong lumabas"paliwanag ng dean at lumabas narin kami ni Ezekiel
Paglabas ng dean's office, binilisan ko nalang ang paglalakad ko papuntang room.. Tinawag ako ni Ezekiel pero di na ako lumingon sa kanya.
"Ms. Dela Fuente.. Pumunta ka nalang sa bahay bukas.." sigaw ni Ezekiel.
"Sa bahay nalang, nine ng umaga dapat nandoon ka na.." sagot ko sa kanya habang patuloy paring akong naglalakad.
"Sa dinami dami pa naman kasing estudyante na pwede kong itutor bakit yung ultimate crush ko pa?" tanong ko sa sarili ko
Buong maghapon nalang akong wala sa mood at di na rin ako nakikinig sa guro namin pero alam ko naman yung nilelecture niya dahil nag aadvance study naman ako..
Iniisip ko parin kung paano ko itututor yung ultimate crush ko.. Baka di ako maka focus.. Bahala na si batman.....
Author's Note:
Sorry po dahil Di po muna ako makakapag update within this week.. Tatapusin ko muna ang pagsusulat nitong story para di kayo mabitin😄😄