Nang matapos na ang klase ko pumunta agad ako canteen at bumili ng favorite ko na kamote chips plus ang favorite ko ding calamansi juice..
Habang naglalakad na ako papunta dun, nakita ko sila kuya at isang nakaupong lalaki...
"Ikaw naman kasi ehh.. Kung di mo sana kami sinumbong sa mga teachers di ka sana nagkaganyan!!" sigaw ni Nathan sa lalaki.
"Sorry na po.. Di na ako ulit magsusumbong sa kanila.." sabi nung lalaki habang umiiyak.
"Talaga bang di mo na kami isusumbong?! Ha?!" sabi naman ni Kuya Trevor.
"Opo.. Di na mauulit" sabat nung lalaki.
"To make sure na di na talaga magsusumbong yan ehh kailangan muna natin turuan ng leksyon.. Hahah..!!" sabi naman ni Nathan.
Bago pa man nila masuntok ang lalaki sumigaw ako..
"Tama na yan!!" sigaw ko sa kanila.
" Oh look who's there.. May tagapagligtas ka.." Sabi ni Dwayne habang ang sama ng tingin sa akin." Trevor oh look at your little sis, mukhang palaban na ha.."
"Hoy panget!! Anong ginagawa mo dito?! Umalis ka na!" sabi ni Kuya Trevor.
"Itigil niyo na ang ginagawa niyo kuya.. Isusumbong ko kayo sa guidance" sigaw ko sa kanya habang tinutulungan ang lalaki na makatayo.
"Oh the panget na nerd lumalaban na.. Sige subukan mo kaming isumbong kung ayaw mong masaktan" sigaw ni Nathan sa akin.
"At subukan niyo rin kaming saktan lalabanan ko na talaga kayo!" sigaw ko na may halong takot dahil sa sabi niya.
"Hayaan niyo na sila.. Tara umalis na tayo. Wala din naman tayong mapapala diyan sa kanila" sabi ni Ezekiel.
"Tara.. At kayo Tandaan niyo di pa tayo tapos."sabi ulit ni Nathan
Umalis na sila at inalalayan ko na ang lalaki upang tuluyan nang makatayo..
"Salamat Katarina.. Kung di dahil sayo baka bugbog sarado na ako sa limang yun" sabi niya
"Walang anuman.. Ano palang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Simon nga pala.. Nice meeting you Katarina.. Tara punta na tayo sa canteen at ililibre kita" sagot niya sakin habang nakangiti.
"Huwag na nakakahiya naman eh.. Ginawa ko lang naman yun dahil yun ang tama" nahihiya kong sabi.
"Huwag ka nang mahiya.. Simula ngayon magkaibigan na tayo Katarina.. Palaban ka naman din pala akala ko tahimik, loner, at nerd ka lang.. Hahaha" sabi ni Simon na may halong pang-aasar.
"Sige na nga..Salamat ha dahil magkakaroon na din ako ng kaibigan.." sabi ko sa kanya.
"Walang anuman. Tara na at baka malate pa tayo sa next class natin.." Sabi ni Simon habang nakangisi.
At sabay na rin kaming pumunta ng canteen.. At pagkatapos ng recess hinatid ko na siya sa room niya at pumasok na din sa classroom ko.