Naglakad nalang ako pauwi pagkatapos ng klase dahil ayaw ni kuya na sumakay daw ako sa kotse namin.. Pagdating ko sa bahay nandoo na si kuya at kausap niya si mommy..
"Hi baby! How was your day?" bati agad ni mommy
"Okay lang naman mommy.." mahinang sagot ko sa kanya
"Sabi ng kuya mo sasali ka daw sa pageant. So kailangan na nating magready baby para magandanka talaga at ikaw yung manalo" mukhang mas excited pa sya sa akin .
" Eh mommy di naman ako bagay dun eh.. Ang panget ko at di pa ako marunong magtakong" sagot ko sa kanya.
" No baby. You're so beautiful, smart at talented pa.. San ka pa magmamana eh diba sa akin din naman.." nakangisi parin niyang sabi, si mommy talaga super supportive." Sige na kumain ka na doon at matulog ka ng maaga dahil may pupuntahan tayo bukas"
"Eh mommy di naman talaga siya bagay dun eh.. Tingnan mo naman oh sa pananamit palang wala na.. Ano ba naman kasi ang luwag ng blouse mukhang manang na siyang tignan" singit pa ni kuya na may halong pang-aasar.
"Paki mo ba kuya eh mas komportable ako dito eh.." sigaw ko agad sa kanya sabay behlat.
"Tama na yan.. Siyempre Trevor di ko pababayaan si Katarina no.. Huwag mo ngang laiitin yang kapatid mo, maganda naman siya eh" sabi ni mommy.
"Saam banda mommy?? Hahaha" pang aasar niya pa din." I'm just kidding.." Tawa parin siya ng tawa
"Sige na mommy mauna na po ako." paalam ko sa kanya
———————°•°———————
Maaga akong nagising at nag prepare dahil pupunta daw kami ni mommy sa mall.. Total weekend naman, susulitin ko na yung time na kasama ko siya..
Nang makarating na kami sa mall agad namang bumaba si mommynpati na rin ako.. Mukhang super excited na si mommy kesa sa akin.. Nauna kaming pumunta sa salon.
"Mommy bakit kailangan pa nating gawin to? Di rin naman ako mananalo dun eh.. Magaganda at sanay na sa mga pageants ang makakalaban ko dun.." malungkot kong sabi sa kanya.
"Ano ka ba Katarina.. Syempre di kita pababayaan, ipapatrain kita sa friend ko para masanay ka.." sabi niya
Habang inaayusan ako nung staff dun sa salon ay nagkukwentuhan lang kami ni mommy.. Mahigit dalawang oras din kaming nag stay doon sa salon.
"You look so pretty.." sabi nung bakla na nag ayos sakin at mukhang namangha sa beauty ko.
"Talaga?" tanong ko at unti unti akong humarap sa salamin at nagulat din ako dahil mas okay na ang itsura ko." Wow.. Thank you po sa inyo.." Sabi ko dun sa bakla
Nang matapos na kami sa salon pumunta agad kami ni mommy sa boutique at namili na rin ng mga damit..
"Mommy ano ba yan!! Di ako bagay magsuot niyan.." reklamo ko
"Bagay kaya yan sayo, itry mo nalang doon sa fitting room" nakangiti niyang sabi.
"Ano ba naman to ang ikli.. Si mommy talaga oh.." sabi ko sa isip ko habang papunta ng fitting room.
Pagbalik ko binili na lahat ni mommy yung mga damit na nababagay sa kin.. Dahil gusto niya daw na masanay na ako magsuot nang mga yun dahil mellenial daw ako hindi 80's generation.
Pumunta na din kami sa optical doctor para patignan na yung mga mata ko at bumili na rin siya ng contact lenses dahil di na daw bagay sa akin yung makapal kong eyeglasses at nagmumukha daw akong si Betty..
Nang makauwi na kami sa bahay nag thank na ako sa kanya at pumasok na sa room ko..
Kahit kailan talaga super supportive mom in the world yung mommy ko.