Nathan's POV
Habang naglalakad kaming lima sa hallway ay may nakaharang na naman sa dadaanan namin.. Kaya binilisan ko ang paglakad ko at binangga ko yung lalaking nakaharang..
"Hoy! Bakit haharang harang ka sa dadaanan namin? Alis diyan!!" sigaw ko dun sa lalaki
" Pasensya na Nathan di ko kasi kaagad kayo nakita.." pagmamakaawa nung lalaki
"Akala mo madadaan mo kasi sa pasensya mong yan? Dapat kasi sa tulad niyo tinuturuan ng leksyon" sabat ko dun sa lalaki
"Huwag po.. Maawa kayo sa akin.. Di na po mauulit" pagmamakaawa pa din nung lalaki.
" Hayaan niyo na yan.. Baka ma late pa tayo sa klase.." singit ni Steven
At umalis na din kaming lima at pumunta na sakanya kanyang mga classroom.. Pagpasok ko sa room wala pa si Katarina.. Nabigla na kaming lahat nang may babaeng pumasok sa pinto..
"Uy tingnan niyo oh mukhang may bago tayong kaklase" sabi ni James
"Ang ganda naman niya pare" sabat ni Leo
"Uy Nathan oh may chicks.." sigaw ni James sa akin pero inisnob ko lang sila..
At unti unting lumapit yung babae sa akin at umupo sa tabi kong upuan..
"Hey miss ang ganda mo naman.. Maganda ka pa sa araw.." biro ko sa kanya pero insisnob niya lang ako.
"Uy miss.. Anong pangalan mo?" tanong ko parin sa kanya. At inisnob niya ako ulit.
"Ang ganda naman sana kaso suplada!" parinig ko sa kanya at bigla niya akong tinitigan ng masama.
" Eh ikaw gwapo ka naman sana pero yung ugali mo ubod din ng sama.. Hoy Nathan di mo ako madadaan sa mga trip mo na yan!!" Galit niyang sabi.. Teka lang bakit niya alam ang pangalan ko..
"Miss bakit alam mo ang pangalan ko? Magkakilala na ba tayo?" Tanong ko sa kanya
"Hindi mo ba ako nakikilala Nathan? Ako lang naman yung katabi mo na palagi mong kinukulit.." nagulat ako sa sinabi niya.. Ibig sabihin siya si Katarina?
"Uy Katarina.. Alam mo ang pangit mo parin pala.. Hahaha!!" Pang aasar ko sa kanya pero di niya ako pinansin
Maya maya nagsimula na ding nag lecture si Sir Santos..
"Okay class dismiss" paalam ni Sir
"Bye Katarina ay este panget" pang aasar ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay
Nang mag recess na pumunta na ako agad sa tambayan naming lima, sa canteen. Habang naglalakad na ako papunta don di ko tuluyang maiwasan na isipin kung bakit di ko man lang nakilala si Katarina.. Yan tuloy napahiya pa ako eh baka sabihin niya ang landi kong lalaki may ehh may girlfriend na ako..
Speaking of my girlfriend or shall I say my rebound girl..Siya si Shamara. Leader ng cheering squad ng school, maganda, sexy at sikat sa school.. Kaya ko lang naman siya pinatulan dahil patay na patay sa akin at isa pa lugi ako sa aming lima kapag wala akong girlfriend..