Katarina's POV
Ito na pala yung unang araw na magiging tutor ako ni Ezekiel, yung crush ko. Syempre maaga akong nagising at nagprepare para mamaya.
Pagkatapos kong maligo, tinulungan ko muna si mommy para magluto ng breakfast at maglinis ng bahay.
Maya-maya may nag door bell at binuksan ko agad dahil alam ko na si Ezekiel na yun pero kasama niya yung pinaka hate kong lalaki sa school, si Nathan.
"Pasok ka. Bakit kasama mo yan?" tanong ko kay Ezekiel sabay tingin ng masama kay Nathan.
"Magpapatutor din daw siya sayo." sagot ni Ezekiel sabay kindat.
Di na rin ako umangal at tumalikod na baka makita pa ni Ezekiel yung pamumula ng mga pisngi ko.
Pagpasok nila pinaupo ko na sila sa sala at kinuha na ang mga libro para makapagsimula na kami at maagang matapos 'tong pag tututor ko ngayong araw.
"Anong uunahin nating subject?" tanong ni Ezekiel
"Uhmm.. Sa tingin ko math muna." sagot ko sa kanya
"Ha?! Bakit math?! Ang hirap niyan eh.." sabat ni Nathan
"Kung ayaw mo sa math maari ka nang lumabas ng pamamahay ko." sabat ko sa kanya habang pinandidilatan ng mga mata.
"Sige na nga.." sagot ni Nathan sa akin
"Marami pa kasing reklamo. Di naman siya yung itutor ko eh. Sasama sama pa kasi!!"bulong ko sa sarili ko.
"Anong sabi mo?" tanong ni Nathan
"Ahh wala.. Sabi ko magstart na tayo" palusot ko pa
"Mabuti pa para matapos na agad.." sabat ni Ezekiel sabay kindat sa akin.
"OMG.. Enebeyen kinikilig ako..may pakindat kindat pa kasing nalalaman.. " sabi ko sa isip ko.
Nagsimula na akong magturo ng kailangan nilang matutunan.. At mukahang nakikinig naman si Ezekiel pero tung Nathan na yun.. Arrgh ewan ko, naglalaro ng cellphone.. Nakakainip talaga, sasama sama pa dito para may matutunan rin daw siya pero paglalaro lang ang inaatupag..
Maya maya dumating si mommy na may dalang merienda.. At ito namang Nathan na to nakipag unahan pang kumuha ng sandwich, mukhang patay gutom.. Wala namang ginawa kundi maglaro lang naman ng cellphone niya at di naman nakikinig sa mga tinuturo ko.. Nakakainip talaga..
" Uy Nathan, dahan dahan naman.. Mukhang patay gutom ka!" Sigaw ko sa kanya. Natawa tuloy si Ezekiel at mommy
"Ganyan talaga yan siya Katarina.. Pagpasensyahan niyo na.." natatawang sabi ni Ezekiel
"Eh sa nagugutom yung tao eh.. Uhhmm.. Ang sarap naman ng sandwich niyo tita.. Teka nasan po si Trevor?" sarkastikong sabi ni Nathan
"Nasa taas pa siguro siya.. Ahh nandyan na pala siya.." sagot ni mommy.
"Uy brad. Mukhang maganda ang tulog natin ah.." bati ni Ezekiel kay Kuya Trevor.
"Teka, bakit kayo nanditong dalawa ha?" tanong ni kuya sa kanilang dalawa.
"Ahhg. Manliligaw sana kami sa kapatid mo.." natatawang sagot ni Nathan
" Kayo magkakagusto sa kapatid ko? Iba na ang standards niyo mga brad ha..." sarkastikong sabi ni kuya. Nakakainis talaga
"Excuse me! Nandito lang naman sila para itutor ko. Di sila nandito para manligaw eh isa pa di naman ako magkakagusto sa tulad nila!!" sigaw ko sa kanya, mabuti nalang bumalik na si mommy sa kusina.
" Ikaw little sis, asa ka namang magugustuhan ka ng mga brad ko. Diba mga brad?" Pang iinis niya pa sa akin. Um-oo nlang din sila Nathan at Ezekiel at sbay silang tatlo na tumawa.
"Sige akyat na ako sa kwarto. Bukas nalang ulit Ezekiel, 2 pm." Paalam ko." At kayong dalawa di pa tayo tapos.." Sabay turo ko kay kuya at Nathan
Mabilis di akong umakyat sa kwarto at nagpahinga.
Kung di lang naman dahil kay Nathan na yun at sa bw*sit kong kuya, di na sana nasira ang araw ko. Mabuti nalang nandyan si Ezekiel, kung wala baka di ko na napigilan ang sarili ko at masaktan ko yung dalawang yun.