Pagkatapos nang mahabang pag uusap namin ni mommy, umakyat na ako sa kwarto at nag ayos ng higaan..
Bago ako matulog naglaro muna ako ng COC, yung favorite online game ko.. Maya maya tumunog yung phone ko..
"Ezekiel Mendes sent you a friend request" nakalagay sa screen ko
At agad ko namang binuksan yung fb app.. At syempre dahil crush ko siya, confirm agad..
Emegesh.. Yung feeling ba naman na inadd ka ng crush mo..
Maya maya nag message si Ezekiel.
"Hi tutor" panimula niya.
"Hello .. Huwag mo na nga akong tawaging tutor, hindi pa naman oras ng pagiging tutor ko sayo eh.. Bukas pa yon.. Kat kat nalang.."
"Okay Kat kat.." Sagot niya with a smiling emoji pa.
Nagpaalam na agad ako sa kanya dahil inaantok ako.
Pero maya maya tumunog ng paulit ulit yung phone ko.
Nathan Lim sent you a friend request.
Dwayne Corneta sent you a friend request.
Steven Chua sent you a friend request.
Trevor Dela Fuente sent tou a friend request.
"Pati ba naman silang apat nag sent ng friend request, ano na naman kaya tong trip nila.." sabi ko sa isip ko.
Maya maya napag isipan kong i delete request nalang.. Pero nang matapos ko nang idelete lahat, nag sent na naman sila ulit..
"Ano na naman kaya tong trip nila?" tanong ko sa sarili ko.
At maya maya may nag text sa akin.
"Hoy panget.. Bakit di mo ako kinoconfirm?" tanong ni kuya via text.. Mukhang bumalik na naman siya sa pagiging suplado niya.
Maka reply na nga lang..
"Pake mo??ano na namang trip niyo ha?" Pataray kong reply sa kanya.
"Gusto lang naman naming maging friend ka eh.. Kahit na panget ka.." pang aasar pa niya.
"Bahala ka sa buhay mo.. Never tayong magiging friend kase ang sama ng ugali mo.." inis kong reply
"Sige bahala ka.. Di kita ilalakad kay Kiel." pagbabanta pa niya.
Uhmm.. Wait.. Bakit alam ni kuya na crush ko si Ezekiel..
"Edi huwag.. Ang panget naman nun.." pagtanggi ko sa kanya
"Pero crush mo naman?" tanong pa niya.
Di ko na siya nireplyan at bago ako natulog siniguro ko munang naidelete ko ang friend request nila.. Baka kung ano na naman ang trip nilang apat, except nalang kay Ezekiel..