Mabilis din namang lumipas ang isang araw, at ngayon Sunday na.As usual, maaga akong nagising at nag ayos para samahan si mommy na magsimba.
Pagkababa ko sa kusina, nandoon na yung pinaka mapang asar na taong nakilala ko, si Kuya Trevor.
"Hey little sis. Kain ka na baka magutom ka mamaya sa simbahan at madagdagan yung kapangitan mo." Pang aasar niya sa akin
" Anong connection kapag di ako kumain sa kapangitan ko?" Sarkastiko kong sagot
"Ahmm.. Basta ayun na yon. Concern lang naman ako eh" mukhang seryoso niyang sabi
"Himala concern pa pala yung pinaka mapang asar kong kuya sa akin.." pagpaparinig ko
"Basta wag kang magpapagutom little sis."
Pagkatapos naming kumain, nag ayos na kami at pumunta na sa simbahan.
Nang matapos na kaming mag simba, kumain kami sa isanng restaurant na malapit lang sa bahay.
At pagdating sa bahay nagpahinga na ako at para ready na akong magtutor kay Ezekiel my loves ay este my crush.. At sana wala na yung Nathan na yun, nakakainis kasi siya eh.
Dalawang oras din akong natulog at maya-maya may nag doorbell na.Binuksan ko agad, pero sa pagbukas ko nandito na naman yung Nathan the devil na yun.
"Oh bakit kasama na naman siya?" tanong ko kay Ezekiel.
"Magpapatutor daw ulit siya sayo." sabay ngiti ni Ezekiel
"Ha??! Diba sabi ko wag mo na yan isasama? Pauwiin mo na yan!" utos ko kay Ezekiel.
Pero sankasamaang palad naman oh pumasok na si Nathan sa bahay at nakaupo na sa sofa. Di ko man lang namalayan na dumaan pala siya sa harapan namin ni Nathan.
"Hoy anong ginagawa mo diyan? Umalis ka na, di ka welcome dito sa bahay ko!" sigaw ko sabay pinatayo si Nathan. Pero ang bigat niya kaya di ko na balanse at napadapa ako sa sofa, sa ibabaw ako at siya sa ibaba.
"Kuhanan mo nalang kaya ako ng litrato para mas matagal mo akong matitigan. At sumama lang naman ako kay Ezekiel para matuto." pang-iinis niya sa akin. Agad naman akong tumayo.
"Kasalanan mo naman eh. Kala mo kung sinong gwapo. At isa pa di naman ikaw yung inassign ng dean para itutor ko. Kaya maaari ka nang lumabas ng bahay ko."arrggh... Nakakainis talaga si Nathan, pareho lang sila ni Kuya Trevor.
"Eh kung ayoko, may magagawa ka ba. Isa kaya ako sa kabarkada ni Trevor. Diba Trevor?" tamang-tama naman at bumaba si kuya galing sa kwarto niya.
"Ah oo. Dito nalang muna siya Katarina makikinig lang naman yan siya eh." sabat ni kuya sabay kindat kay Nathan.
"Bahala siya sa buhay niya. Tara na Ezekiel, duon nalang tayo sa study room namin para walang sagabal." pagyayaya ko kay Ezekiel sabay hila sa kanya.
"Paano ako? Sasama ako noh.. Sige na Katarina, promise di ako magpapasaway." Pagpupumilit ni Nathan. At sumunod din siya sa amin.
Nakaupo na kami sa silya at sinimulan ko na rin ang pagtuturo kay Ezekiel.
Ilang oras din naman ang nakalipas at himala pati si Nathan nakikioperate na sa amin.
Di na namin namalayan ang oras at mag aalas syete na pala ng gabi. Kaya paglabas namin ng study room saktong nagluluto si mommy ng dinner at tinutulungan siya ni Daddy.
"Uy Nathan at Ezekiel dito na kayo mag dinner. Kamusta naman ang pagtututor ni Kat-Kat?" tanong ni mommy sa kanila. Ano ba yan si mommy tinawag pa ako sa palayaw ko. Nakakahiya tuloy kay Ezekiel.
"Ayos lang naman tita, magaling nga po siyang magturo eh. Diba Nate?" sagot ni Ezekiel.
"Ah oo nga po. Mukhang masarap po yang niluluto niyo ha. Sakto nagugutom na rin po ako." matakaw talaga tong Nathan na to.
Saby sabay na kaming kumaing anim. At nagkwentuhan sila ng mga bagay bagay.
Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam at umuwi narin si Ezekiel at Nathan. At hinatid ko na rin sila sa gate.
"Sige Ezekiel bukas nalang ulit sa school.. Bye." paalam ko sa kanya at hinintay kong makaalis ang kotse nila at agad na pumasok sa loob ng bahay.