It's been a week nang i announce ni Sir Santos yung about sa contest.At ngayon nag iisip-isip pa ako kung ano ang talent portion ko. Sa alam ko lang okay naman ako sa singing pero mukhang di uubra tong talent ko sa mga ibang contestant.
"Katarina ano nang magiging talent portion mo sa pageant.?" singit ni Nathan. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.
"Ano ka ba? Sumusulpot ka nalang bigla bigla."
"Mukhang malalim kasi yung iniisip mo eh. Tungkol ba yan sa talent portion? Di ka naman siguro mananalo dun kase wala kang talent at ampanget mo pa. Hahaha." pang iinis niya
"Hindi kaya.. Kung nandito ka lang naman para asarin ako, shuu makakaalis ka na.."pagtataboy ko sa kanya.
"Hindi naman kita inaasar eh, sinasabi konlang naman ang totoo.. Hahaha.."
"Ewan ko sa'yo.. Bahala ka sa buhay mo.." Sabay yuko ko sa desk at natulog tutal wala pa namn yung teacher namin.
——————————————————
"Guys alam niyo ba na kailangan yung magkapartner sa pageant ay iisa rin ang talent at kailangan magkadama din sila." sabi nung isa kong kaklase. Si Lila
"Malamang, matatawag ba yun na magka partner kung magkahiwalay? Use your common sense Lila.." sabat pa nung isa kong kaklase. I think Cindy yung name.
"Ay oo nga pala.. Ano kaya yung talent nila Nathan at Katarina?" tanong niya sa mga kasama niya.
"Dancing siguro, tutal magaling namang sumayaw si Nathan." sagot ni Emily.
"Paano si Katarina? Di naman siya marunong sumayaw eh." Tanong ni Cindy na may pang hahalong discouragement
"Maghinatay nalang tayo ng update mula sa kanila.. Pwede rin naman natin silang tulungang dalawa." ani ni Emily
—–—–—
Nathan's POV
Habang naglalakad lakad ako sa hall way, narinig ko ang pinag uusapan ng mga schoolmates ko tungkol sa pageant.
"Guys ano kaya magiging talent ni Shamara at Michael sa pageant?" tanong nung babae sa kasama niya.
"Mag duduet ata sila. Diba kailangang partner sila? Yung boyfriend kaya ni Shamara si Nathan, ano kaya yung talent niya at ni Katarina?" Sabat nung isa pa. Pero bigla silang natahimik nang makita nila ako.
"Ay oo nga pala, kasali din si Shamara sa pageant." sabi ko sa isip ko
Papunta sana ako sa tambayan naming lima kaso naisip ko na mapag isa na muna ngayon para maka isip ako kung ano ang gagawin namin ni Katarina sa pageant.
Kaya pumunta nalang ako sa likod ng building tutal wala namang tao dito.
"Paano kaya kung mag contemporaray dance nalang kami?.." tanong ko sa sarili ko
Marami din akong napag isipan na magiging talent namin ni Katarina.. And finally naisip ko na yun na lang, yung contemporary dance.
At pumunta na ako sa classroom para sabihin sa kanya kung anong gagawin namin.
At nakita ko si Katarina na natutulog sa desk niya.
"Uy Katarina." mahina kong sabi sa kanya sabay tapik sa balikat niya.
"Ay kalabaw.. Ano ko ba Nathan, papatayin mo ba ako sa gulat.. Kitang natutulog yung tao eh.." Halatang gulat na gulat kaya napahawak siya sa dibdib niya at medyo napalakas ang boses niya kaya nagtinginan ang mga kaklase namin sa aking dalawa.
"Eh tulog ka lang kase ng tulog diyan eh.. May plano na ako sa talent portion.." excited kong sabi na may halong pang iinis.
"Ano naman yun?.. Siguraduhin mo lang na di mahirap ha, kung hindi makakatikim ka sa akin." pagbabanta niya sa akin
"Madali lang yun, at siguradong mag eenjoy ka.. Mag praktis na tayo bukas para mas maganda.. "
"Saan? At anong oras?" tanong niya sa akin
"Sa bahay niyo nalang para masarap yung merienda.. Saturday 10 am nandun na ako.. Deal?"
"Okay deal.."
At ng ditch nalang ako ng class tutal malapit naman ang uwian.. At kailangan ko pang i prepare yung magiging music namin..
