Chapter 18:

715 20 1
                                        




Araw ngayon ng lunes kaya maaga na akong gumising at naghanda na para pumasok sa school.

Pagbaba ko palang ng hagdan naamoy ko na agad ang napakabangong amoy ng ulam namin, kaya nagmadali na akong pununta sa kusina.

"Wow mommy, ang bango naman po niyang niluluto mo. Ang sarap siguro niyan." Sabi ko sabay langhap ng usok mula sa niluluto niya.

"Oh Ineng, gising ka na pala. Tikman mo tong niluto ko, masarap yan." Sabat ng isang babae kaya nagulat ako sa nakita ko.

"Manang? " nagtataka kong tanong. At pagmulat ko ng mga mata ko nakita ko na agad si manang habang nagluluto. "Ay sorry po manang, akala ko po si mommy. Patikim naman po niyan." sabay tikim sa niluluto niyang chapseuy.

Pero bigla nalang may nambatok sakin kaya napaso ang bibig pati na ang dila ko.

"Aray! Aray!" Sigaw ko

"Yan kasi, titikim lang naman ang tagal pa." sabat ni kuya

"Pake mo? Humanda ka sakin. Sumbong kita kay mommy, bad boy ka." Pag tataray ko sa kanya.

"Di bagay ang pag iinarte mo Kat Kat. Ang panget mo." Kaya bigla ko siya tinusok sa tagiliran at napangiwi siya sa sakit

"Karma." sabi ko pagkatapos umupo na sa upuan.

Pagkatapos naming kumain sabay na kami ni kuya pumasok sa school.

Nakakapanibago lang, kasi ngayon at nung nagdaang mga araw biglang bumait sa kin si kuya. Hindi naman sa nagtataka ako, pero kahit biglaan ang pagiging mabait niya sa akin ay nagpapasalamat pa rin ako.

Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Simon na maraming dalang mga libro kaya agad ko siyang nilapitan at tinulungan siya sa pagdadala.

"Uy Simon. Tulungan na kita diyan." sabi ko sa kanya kaya agad din niya inabot ang ilang mga libro sa akin.  "Sabay tayo mamaya sa recess ha." dugtong ko

"Oo naman." sagot niya  " Makakatanggi pa ba naman ako sa isang tulad mo." dugtong niya habang pahina ng pahina ang boses niya pero naririnig ko pa din.

"May sinasabi ka ba Simon?" pagkukunwari ko

"Ah wala. tara na" sagot niya kaya ngumiti nalang ako at sabay na kaming naglakad papasok  sa classroom.

"Ah ihahatid na kita Simon."

"Hindi na. Pareho na naman tayo ng classroom magmula ngayon."

"Talaga?? Mabuti kung ganon. Tabi tayo ha?" Pagkasabi ko nang huling salita ay agad naman siyang lumingon sa akin at bigalng lumiwanag ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"A-ayos l-ang ba?" Nauutal niyang tanong.

"Oo naman." Agad agad kong sagot at hinila ko siya para papasok sa classrom namin.

Pagkarating na pagkaratin ko palang sa sarili kong upuan at hinila ko ang upuan ni Nathan at agad siyang pinaupo doon.

"Wala bang nakaupo dito.?" Tanong niya.

"Wala." agad kong sagot

"Anong wala? Alis! Meron nang nakaupo diyan." Boses ng isang lalaki mula sa pinto ng classroom. Kaya agad akong nagulat nang makita ko si Nathan at salubong na ang kilay habang nakatingin kay Simon.

"Ah wala talagang nakaupo diyan. Sige umupo ka na Simon." Alok ko sa kanya

" Hoy anong pinagsasabi mo diyan? Ako ang kaya ang nagmanay ari ng upuang yan." sigaw niya habang papalapit sa amin.

The Bad Boys and meWhere stories live. Discover now