Chapter 16: Crush

601 16 0
                                    

Katarina's POV

Nang makauwi na si Nathan, dumiretso ako sa sala kung nasaan si mommy.

"Baby, sinong crush mo?" tanong ni mommy

"Si mommy naman oh.. Wala po akong crush no.. Wala pa sa isip ko yan.." Defensive kong sagot

"Ikaw naman anak oh... Nagtatanong lang naman si mommy eh.. Atin atin lang to.."

Si mommy naman oh.. Mas mukhang teenager pa sa akin kung makipag usap kapag tungkol na sa mga crushes.

"Basta mommy atin atin lang to ah.." Ani ko

"Si Nathan ba anak?" kinikilig niya pang sabi

"Eww.. Ayoko kay Nathan, ampanget.." Pagtataray ko pa

"Sino naman anak?" tanong ulit niya

"Si...si.. Ezekiel mommy.." nahihiya ko pang sabi.

"Uy yung baby ko, nagdadalaga na.." kinikilig kilig pa siya.

"Mommy basta secret lang muna natin to ha.." sabat ko." Pinky swear?" sabay alok ko ng hinliliit ko.

"Pinky swear, baby" nilagay niya rin yung hinliliit niya sa hinliliit ko..

Iba rin pala talaga pag may nasasabihan ka ng secrets mo, lalo na pag yung mommy mo. Minsan kailangan din natin silang bigyang ng time para makausap o maka bonding man lang.. Dahil iba pa rin talaga ang mother's love.

Nanatili pa kami doon ni mommy hanggang alas diyes ng gabi.

Marami din kaming napagkwentuhan tulad ng mga past lovelifes ni mommy.

Hanggang sa bumalik na naman yung topic namin kay Ezekiel.

"Anak, bakit mo nagustuhan si Ezekiel?" Tanong niya

" Ewan ko po mommy, siguro dahil magaling siyang magbasketball at cute pa.." kinikilig kong sabi sa kanya.

"Ayiee.. basta anak bawal pa ang love thingy na yan ha.. Crush lang muna.."sabi bi mommy at mahahalata mong kinikilig din siya.

"Opo mommy.. Crush lang muna.. And I'm willing to wait naman sa guy na inilaan ni God para sa akin."

"That's my girl.. May tamang panahon din diyan anak.. Pero kapag di mo napigilan at ma fall ka, sabihin mo lang sa amin and we'll support you.." payo pa ni mommy.

"Opo mommy.."sabi ko sa kabya sabay ngiti." Thanks mommy, you're the best.."

"Of course baby, na encounter ko rin naman yan eh.. Ang I know mapagdadaanan mo rin yan kaya pinapayuhan na kita.."

The Bad Boys and meWhere stories live. Discover now