Chapter 5: Lunch time

710 20 0
                                    

Nathan's POV

Nang matapos na ang last subject pumunta agad ako sa tambayan naming magbabarkada, sa canteen.. Pagdating ko sa canteen nakita ko si Katarina..pagtitripan ko na naman siya kaya nakaisip ako ng magandang idea.

"Psst ganda!" tawag ko pero lahat ng mga babae sa canteen napatingin sa akin at mukhang kinikilig."Psst.. Ganda!" tawag ko ulit pero di parin siya tumitingin sa akin.

"Psstt..ganda" tawag ko sa pangatlong pagkakataon at humarap siya.

"Ew bakit humarap ka? Bakit ikaw ba ang tinatawag kong ganda? Hahahaha!!" pang aasar ko kay Katarina

"Eh bakit ikaw din ba yung nilingon ko? Feeling ka!!" Inis niyang sagot sa akin." Si Simon kaya ang nilinhon ko" dugtong pa niya

Nakita ko si Simon na palapit kay Katarina at nag appear sila..

"Uy Simon nandito ka na pala.. Tara sabay na tayong mag lunch.. May masamang damo kasi sa paligid eh" aya niya kay Simon at mukhang inaasar na din ako.

"Ako ba pinaparinggan mo?" sagot ko sa kanya

"Eh sino pa ba.. Ikaw lang naman yung masang damo na nandito eh.. Hahaha!!" sagot niya sakin at tumawa sila ng malakas.

" Eh kasalanan ko bang lilingon lingon ka pa.. Akala mo naman kasi ang ganda mo eh.. Hindi naman ikaw yung timatawag ko" pang iinis ko sa kanya.

" Ew di kaya.. Akala mo din naman kung sinong napakagwapong nilalang ka para lingunin ko.." sabat niya din sakin."Tara na nga Simon nagugutom na ako. Wala din naman tayong mapapala sa Nathan na 'to" dugtong niya na may halong pang aasar.

Hinayaan ko nalang silang umalis at maya-maya dumating ma din ang mga kabarkada ko..

"Hey dude!" bati ni Steven

"Himala nauna ang leader!" pang aasar ni Trevor

"Tumahimik nga kayo! Ang ingay niyo!!" sigaw ko sa kanila at bigla di silang natahimik.

"May problema ka ba dude?" Tanong ni Ezekiel

"Ah.. Wala naman" sagot ko sa kanya

"Baka may problema na naman yan siya sa babae mga dude!" pang iinis ni Dwayne.

"Hindi no.. Sa guwapo ko pa namang ito magpapaapekto na ako sa mga babae.. Tara na nga kumain na tayo" sabi ko para matigil na sila..

Ilang oras din ang nagdaan at nag bell na.. Habang papunta na akong classroom inisip ko bigla kung bakit ko ba inaasar yung Katarinang yun...Di naman siya dapat pagtuonan ng pansin ng lalaking tulad kong perfect.. Eh ang pangit pangit naman niya..

The Bad Boys and meWhere stories live. Discover now