Nang makapasok na ako sa room dumating na rin si Mr. Gomez, teacher namin sa Math..
"Good morning class." Bati niya sa amin. " I would like to introduce your new classmate, Mr. Lim" sabi niya ulit.
Nagulat ako dahil magiging kaklase siya namin.. Narinig ko naman ang mga classmate kong babae na nagbubulungan at binabati si Nathan.
"Hi Nathan Lim. I'm Cassey" sabi nung kaklase ko habang inaabot ang kamay niya kay Nathan.
"Do I know you? You look so ugly! Hahaha!!" sabi niya kay Cassey na mukhang inaasar.
Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko pero bigla nalang silang natahimik nang magsalita si Mr. Gomez.
"Quiet class akala niyo naman ang gagamda niyo.. Sige Mr. Lim pumili ka na ng seat mo.."sabi ni Mr. Gomez
Unti-unti nang naglakad si Nathan upang makahanap ng seat..At bigla nalang siyang umupo sa tabi kong seat.
"You're here.. Sabi ko naman sayo di ba.. Akala mo palalampasin ko yung ginawa mo.. Hahaha!!" bulong niya sa akin.
Pinabayaan ko nalang siya at nakinig nalang kay Mr. Gomez.. Mga ilang minuto palang ang nakalipas ginulo na naman niya ang buhok ko..
"Ano ba Nathan!!" sigaw ko kaya napatingin nalang sa amin ang mga kaklase namin.
"Shut up Ms. Dela Fuente.. Nakakaistorbo ka" sigaw sakin ni Mr. Gomez kaya pinagtawanan ulit ako ng mga kaklase ko.
"Hahaha!! Pasigaw sigaw pa kasi eh.." pang aasar na sabi ni Nathan.
"Ewan ko sayo.. Bakit kasi lumipat ka pa dito sa section one eh di ka naman matalino." inis kong sabi sa kanya
"Ganyan talaga nagagawa pag gwapo ka at sikat na din.. Magsisimula pa lang dito ang laban Katarina.. Hahaha" sabat ni Nathan.
"Gwapo ka nga pero di naman makain yang pag uugali mo. Pareho lang kayo nila kuya.. Magbabarkada nga naman.." Pang aasar ko sa kanya..
"Eh ikaw kala mo naman ang ganda mo at lumalaban ka na ha.. Tignan lang natin.. Isama mo narin yung Simon na yun.. Humanda kayo sa amin.." pang iinis niya sakin
Di ko nalang siya sinagot at baka hahaba pa yung diskusyon na yun.. Sa kadami dami pa namang available seat eh sa tabi ko pa.. Nakakainis talaga.
"Okay class dismissed" sabi ni Mr. Gomez
Ay salamat at wala na yung tigre kong guro.. Sa kadami dami din naman estudyante sa section two na pwedeng ilipat dito sa section one eh dun pa talaga kumuha sa section ten.. Nabilog na siguro ang ulo niya kay Nathan.. Pusong babae kasi eh.. Hahaha