Chapter 2: My Hobby

974 30 0
                                    

Maraming araw na din ang nakalipas nang magsimula ang pasukan.. As usual dito na naman ako sa tambayan ko, Dito sa library. Marami-rami din namang mga estudyante dito pero halos lahat nerds..

Kumuha na ako ng libro upang makapagbasa na ako.. At bigalang may umupo sa harapan ng mesa ko at nagulat na din ako dahil napalakas ata ang pag lagay niya ng libro.

"Ay kalabaw!!" Sigaw ko

"Tumahimik kayo.!" Sabi ng librarian.

At biglang nagsalita ang lalaking nasa harapan ko...

"Ay sorry miss.. Di ko sinasadya." Sabi nung lalaki

" Okay lang.. Nagulat lang naman ako eh pasensya na." Sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko ng libro.

"Palagi ka bang dito sa library miss?" Tanong ulit niya.

"Oo, kapag free time ko dito ako palagi.. Wala naman kasi akong mga kaibigan eh kaya libro nalang ang palagi kong kasama.." Nakangiti kong sagot ko sa kanya.

"Sana palagi kitang makita dito miss.. Sige aslis na muna ako at may gagawin din ako" sabi niya.

" Sige paalam" nakangiti ko paring sabi sa kanya.. Ay teka lang sino ba yun at bakit sinabi niya na sana lagi niya akong makita dito.. Ahmm bahala na di ko naman kasi nakita ang itsura niya eh..

Umalis na din ako sa library at pumunta na sa next subject ko..tinignan ko ang relo ko at..

"Naku!! Patay.. Late na ako" nasa isip ko.

At pagdating ko sa classroom ay naroon na si Ms. Sanchez yung pinaka striktong guro sa Xavier High.. Epakto narin siguro ng pagiging single niya until now at isa pa man hater..

"Why are you late, Ms. Dela Fuente?"  Nakataas kilay niyang sabi.

" Eh.. Kasi po galing ako sa cr" pagsisinungalin ko sa kanya

"You're 25 minutes late. So umupo ka nalang dun basta't huwag mo nang uulitin" sabi niya.

" Sorry po Ms. Sanchez, di na mauulit" sabi ko sa kanya

Nakahinga din ako nang maluwag dun ha.. At medyo nawala din ang kaba ko sa nangyari.. Yan

"Good.." sabat ni Ms. Sanchez

Umupo na din agad ako sa silya ko at nakinig nang mabuti sa tinuturo ni Ms. Sanchez at baka may surprise quiz na naman siya..

"Mabait din pala siya.. Mabuti nalang naabutan ko siyang good mood" sabi ko sa isip ko

The Bad Boys and meWhere stories live. Discover now