Trevor's POVMaaga akong nagising at naghanda na para pumasok sa school. At dahil mabait ako ngayon, hinintay ko si Kat-kat at isinabay ko na siya sa kotse.
"Hoy Kat-kat bilisan mo naman diyan, malelate na tayo oh.." utos ko sa kanya
"Eh mauna ka na, marunong naman akong maglakad papunta doon eh.." mataray niyang sabi
"Basta hihintayin kita. Sige na bilisan mo na Kat-kat ha.." Mahinahon kong sabi
"Himala at hinintay ako ng magaling kong kuya.." pagpaparinig niya.
Di ko nalang siya pinansin at lumabas na ako ng bahay at sumandal sa kotse..
Maya maya tumawag si Dwayne..
"Trevor birthday pala ngayon ni Steven.. So ano nang plano?" tanong niya.
"Mag inuman nalang tayo dun sa bar nila Nathan, yun nalang pa birthday natin sa kanya.. Sigurado marami ding chicks doon." sagot ko
"Good idea yan ha.. Sige sasabihan ko nalang si Nathan para ma reserve niya yung VIP room para sa atin.."
"Mang chicks na rin tayo.." pagbibiro ko sa kanya
"Ulol.. Ayoko nga, good boy na kaya ako ngayon.. At bala magalit pa si Micah.." pagmamalaki niya pa sa akin.
"Ikaw? Good boy? Asa pa, wala rin namang forever eh at maghihiwalay din kayo niyan. Pare pareho lang naman lahat ng babae, pagkatapos kang pakinabangan iiwan ka rin niyan."pang aasar ko sa kanya.
"Bahala ka diyan, bitter kasi eh... Basta okay na yung inuman mamaya ha?" at agad niyang in-end ang call.
Lumabas na rin si Katarina kaya sabay na kaming pumasok sa school.
——————
Nandito kami ngayon sa tambayan namin, sa canteen. Apat lang kami dahil wala pa si Trevor.
Pinag usapan na namin ang pa bithday namin mamaya kay Trevor, at lahat naman sila nag agree.
Pagka uwian dumiretso na kami sa bar kasama na si Trevor.
"Happy birthday Dude.." sabi ko kay Trevor sabay tapik ko sa balikat niya." Matanda ka na pala, pwede ka nang mag asawa.." Pagbibiro ko pa sa kanya
"Salamat dude pero I think mas matanda ka sa akin ng one year.." pang aasar niya pa.
Hindi nalang ako umimik at dumiretso nalang papunta sa VIP room.
Habang naglalakad kaming lima papunta sa VIP room, may biglang humila kay Ezekiel.
"Uy ano ba.!!" Sigaw niya dun sa babae
"Di mo na ba ako natatandaan? Grabe ka naman, ang dali mong makalimot eh halos 2 days palang naman yung nagdaan eh.." tanong nung babae.
"Sorry ha, pero di kita kilala eh." Sagot ni Ezekiel
Paalis na sana kami nang biglang hinila nung babae ang kamay ni Ezekiel at hinalikan niya ito sa labi. Pero agad na kumawala si Ezekiel at tinulak ang babae at natumba.
"You b*tch!! Ang kapal naman ng mukha mo para halikan ang boyfriend ko!! Dapat lang yan sayo" singit pa nung isang babaesabay tawa at pumulupot kay Ezekiel.
Imbes na tulungan namin yung babae na humalik kay Ezekiel unakis nalang kami at baka ma delay sa inuman namin.
Sinama naman ni Ezekiel yung babaeng pumulupot sa kanya.
Akalain mo naman oh, yung Ezekiel na mukhang good boy eh may tinatago tago din palang asset.
Tama nga yung sabi nila "silent but violent"
Nagsimula na kaming magtagay at nagkwentuhan ng mga bagay bagay at tungkol sa nangyari kanina.
"Grabe ka Ezekiel ha, pinag aagawan ng dalawang babae." singit ni Steven
"Hindi lang dalawa, marami yan.. Diba Kiel?" singit din ni Nathan
"Ibalato mo naman sa akin yung isa.. Yung babaeng hinalikan ka, maganda sana kaso desperada." ani ni Dwayne.
"Ewan ko sa inyo.. Nandito tayo para kay Trevor at huwag niyo lang itutok yung topic about sa akin.. Siya kaya, tabungin niyo kung kamusta na abg lovelife niya.." Naiiritang sagot ni Kiel.
"Okay.. Trevor may bago ka na bang girlfiend?" tanong ko kay Trevor.
"Paano ba yan magkaka girlfriend.. Sapat na sa kanya yung one night stand eh.. Hahaha.." sarkastikong singit ni Dwayne.
"Tumahimik nga kayo.. Tara na lang duon sa baba at sayaw balang tayo.." pagyayaya ni Trevor.
Agad nama kaming bumaba at nagsayaw.
Maraming lumalapit sa aming babae pero tinataboy rin naman, mabuti naman kung maganda eh ampapanget..
Natapos rin ang gabing yun na napasaya namin si Trevor kaya malaking achievement na yun sa bawat isa sa amin. Para mas lalong tumibay pa yung barkadahan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/141631660-288-k526589.jpg)