Katarina's POV
Nang makauwi na ako sa bahay ay nakita ko na si mommy na nakaupo sa sofa.
" Hi mommy!" bati ko sa kanya
"Hello baby.. Nasasn ang Kuya Trevor mo at bakit di pa siya umuuwi.. Eh anong oras na oh.." tanong niya sa akin.
"Ewan ko dun mommy.. Baka kasama na naman yung mga barkada niya.. Nakakainis talaga yan sila lalong lalo na yung Nathan ma yun" sagot ko
"Bakit naiinis ka sa kanila baby? May ginawa ba silang masama sa iyo?" Tanong niya sa akin
"Si kuya kasi eh di man lang ako ipinagtatanggol sa mga kabarkada niya.. Pinapahiya pa niya ako sa harap nila" sumbong ko sa kanya
At bigla na lang bumukas ang front door at pumasok na rin ang pinakamagaling kong kuya.
"Hello mommy.. Nasaan si daddy?" tanong niya
"Nasa company pa sila at may kailangan pa siyang tapusin.. " sagot ni mommy
"Ahh.. Sige pasok na ako sa kwarto ko" paalam niya kay mommy
"Hep hep hep!" sigaw ni mommy sa kanya
"Bakit mommy?" tanong niya kay mommy
"Anong ginawa mo kay Katarina ha? Bakit di mo man lang siya ipinagtanggol sa mga kabarkada mo?" tanong ni mommy at mukhang galit na dahil na rin siguro sa inasal ni kuya porket daddy's boy di niya na papansinin si mommy.
"Ahh.. Wala mommy ah.. Ipinagtatanggol ko nga siya kapag may nang aaway sa kanya sa school eh.." sagot niya kay mommy at sinamaan ako ng tingin.
"Mommy nagsisinungaling lang yan si kuya.. Palagi niya pa nga akong tinatawag na panget" singit ko sa kanilang dalawa
"Mommy hindi ah.. At ikaw na panget ka gagawa gawa ka pa ng istorya ha.." sagot niya at mukhang naiinis na din siya
"Magsabi ka ng totoo Trevor ha.. Magsorry ka na kay Katarina at mangako kang di mo na uulitin.." sabi ni mommy sa kanya
"Sorry na little sis, sorry din mommy.. Di na mauulit" sabi niya pero ang sama pa din ng tingin niya sa kin. " Sige mommy good night na, di na muna ako kakain busog pa po ako eh" paalam niya kay mommy.
"Good night din.. Sweet dreams" sabi ni mommy habang nakangiti
Nang makaalis na si kuya nagkwentuhan ulit kami ni mommy at nagprepare na siya ng food para sa dinner namin.
"Kapag aawayin ka ulit ng kuya mo sabihin mo lang sa akin at ako na ang bahala sa kanya" sabi ni mommy at nagtawanan
"Opo mommy.. I love you..."sabat ko sa kanya
"I love you din baby.. Sige na mag ayos ka na at matulog na dahil maaga ka pa bukas" sagot niya habang nagliligpit ng kinainan namin
"Mommy wag mo na po akong tawagin na baby.. I'm already 17 and soon to be a lady" pagmamaktol ko.
"Kahit na mag asawa ka na Katarina, you will always be my baby... Sige na pumunta ka na sa room mo bala magka iyakan pa tayo" sabat niya na parang maiiyak.
For me, she's the best mom in the world.. Dahil Palagi niya akong pinagtatanggol kapag aawayin ako ni kuya at kahit ni daddy.. And she always supports me kung ano man ang gusto ko..