Chapter 7: Special Announcement

663 20 0
                                    

Maraming araw na din ang nakalipas at malapit na din ang School Intramurals. At kagaya din dati kailangan na namang pumili ng magiging contestants every grade level para sa Mr. & Ms. Intramurals.

"Good morning class.." bati sa amin ni Mr. Santos

"Good morning Mr. Santos" tumayo kami agad at binati din siya.

"Bago ko makalimutan may special announcement ako para sa upcoming Mr. & Ms. Intramurals" sabi niya na may halong excitement.

"Sir sino po ang contestant natin para sa pageant?" Tanong ni Leo.

"Sir si Candy na lang po para sa babae at si Nathan naman sa lalaki para perfect combination at tiyak na mananalo tayo." suggest pa ni Sabrina.

At bigla nalang nagbukas ng room namin at pumasok si Nathan.

"Ahhm.. Why are you late Mr. Lim?"  tanong ni Sir sa kanya.

" I'm sorry po sir.. Ehh.. Galing po kasi ako sa cr, bigla kasing sumakit ang tiyan ko." paliwanag niya pero mukhang nagsisinungaling naman siya.

"Okay. You may take your sit" at pinaupo niya na si Nathan. "By the way, si Nathan ang pangbato natin para dun sa pageant" dugtong parin niya at mukhang excited na.

Agad namang nagsihiyawan ang mga kaklase ko lalo na ang mga babae.. Mukhang excited na siguro sila kung si Nathan ang pambato para sa section one.

"Eh sir, sino naman po ang contestant natin para sa babae?" tanong ulit ni Leo.

"Katarina will be our contestant for girls.."  nakangisi niyang sabi at agad namang ikinagulat ng buong section one at lalong lalo na ako.

"Pero sir di naman ako bagay sa mga ganyan.. Marami namang iba diyan.. Ahh.. Si Candy nalang po mas bagay naman sila ni Nathan" apela ko sa kanya.

"No Katarina.. Sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang nababagay dun.. Maganda ka naman eh at pinag isipan ko naring mabuti ang desisyon ko" pagsuway niya sa akin at nagpaalam na siya.. "Okay class dismiss"

Naiwan nalang akong nakaupo at nakasandal ang ulo ko sa armchair.. Maya maya bigla na namang nagbulungan ang mga kaklase ko siguro dahil ako ang pinili ni sir para sa  contest na yun..

"Eww.. Feel niya naman na siya ang mag rerepresent ng section one para sa Ms. Intramurals.. Ako ang dapat ang partner ni Nathan eh.. Umepal pa kasi.."  pagpaparinig ni Candy habang ang sama ng tingin sa akin..

"Hayaan mo na girl.. Di naman mananalo yan.. Okay na siguro kahit si Nathan nalang ang manalo.." sabi pa ni Sofia

Di ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila at sumandal nalang ako sa armchair at natulog.. Sa lahat naman kasi ng babae dito sa room ako pa ang napili ni sir.. Alam niya naman na di ako sanay sa mga yan eh..

The Bad Boys and meWhere stories live. Discover now