Ilang araw na din ang lumipas at ngayong araw na ito ay Intramurals na kaya todo handa na ang bawat estudyante na sasali sa pageant at pati narin sa iba't ibang sports.Tulad ng nakasanayan, maaga akong nagising at nagprepare.
Pagbaba ko palang sa sala, nagulat ako dahil nandoon na si tita Fiona, si mommy pati na rin si manang.
"Good morning po." bati ko sa kanila
"Good morning baby. Halika dito, pumili ka ng maisusuot mo mamaya para sa sports attire." ani mommy
"Okay po." lumapit na ako sa kanila at pumili ng maisusuot ko para sa sports attire
"Heto hija oh, volleyball attire para bagay na bagay sayo." ani tita Fiona
Kinuha ko yung napili niyang attire at sinukat. At tama nga si tita, bagay para sa akin.
Nang bandang hapon na pumunta na ang lahat ng kasali sa pageant sa school gymnasium para makapag prepare.
Pero nung malapit na magsimula ang pageant ay wala pa ang partner ko.
"Naku nasaan na ba si Nathan? Quarter to five na at magsisimula na ang pageant at wala pa rin ang batang iyon." ani ni Sir Santos, adviser namin.
"Ah sir baka papunta na yon dito. Maghintay hintay lang po tayo." ani Shane, kaklase ko.
"Nandito na po siya sir." sigaw ni Japeth kaya napalingon kami sa gawi niya at dumating na nga si Nathan.
"Oh Nathan, ba't ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay magsisimula na ang pageant!" ani sir Santos
"Sorry Sir.. Mabuti pa nga at dumating pa ako na hindi pa nagsisimula ang pageant eh." ani Nathan
"Hay nakong bata ka. Oh sige na magprepare na kayo." utos ni Sir
Kaya kahit na tapos na akong mag ayusin ang itsura at damit ko, nanatili parin akong nakaupo sa harap ng salamin dahil nakaramdam ako ng kaba para sa pageant na ito.
"Uy Katkat wag kang kikiligin pang nagsayaw na tayo mamaya ha." ani Nathan sa tabi ko habang nag aayos
"Duhh.. Sino namang kikiligin maka sayaw ang panget na tulad mo." singhal ko
"Deny ka pa.. Eh nung nagpapraktis nga tayo gustong gusto mo yung part na niyayakap kita eh." ani niya na may panunuksong tinig
"Kung sapakin kaya kita? Gusto mo? Feelingerong froglet to!!" singahal ko sa kanya sabay tayo at handa nang sapakin siya
"Eto naman oh, binibiro lang over react agad."
Kaya pinaikot ko nalang yung eyeballs ko at pumunta na sa line dahil magsisimula na ang introduction ng mga contestants.
Natapos na ang inroduction number at yung sports attire kaya ngayon nagreready na kami para sa talent.
Tinawag na ang number namin ni Nathan kaya aakto na akong aalis nang hablutin ni Nathan ang kamay ko.
"Wag kang kikiligin Katkat ha." panunukso niya pa
"Ewan ko sayo.. Nakakainis ka!!" Sigaw ko sa kanya
Kaya nung nasa stage na kami naghihiyawan na ang mga kaklase namin at ang iba pa.