Katarina's POV
Saturday ngayon, pero maaga akong nagising dahil gusto ko na ako yung magluluto ng breakfast para sa aming apat dahil umuwi ng probinsya yung dalawa naming katulong.
"Good morning baby.." bati ni mommy na kagigising pa lang
"Good morning di mommy.."bati ko rin sa kanya.
"Mukhang masarap yang niluluto mo baby ah.."
"Syempre naman mommy, ako yung nagluto eh.." sabat ko sa kanya." Ay mommy, may practice pala kami ni Nathan mamaya para sa pageant." dugtong ko
"No problem baby, saan kayo magpapractice?" tanong niya
"Dito nalang siguro sa bahay mommy.."
——————
Thirty minutes na ang nakalipas nang mag ten pero wala pa si Nathan.
"Saan kaya yun? " tanong ko sa sarili ko
Pero maya maya may nag doorbell na, kaya agad ko naman itong binuksan.
"Oh bakit ka late? Diba sabi mo 10 dapat nandito ka na!!" Bungad ko sa kanya.
"Na traffic lang." sagot niya
"Sige paumasok ka na.." Pag aaya ko sa kanya.
Ilang minuto din ang lumipas at nag start na kaming mag practice.
"Anong talent natin Nathan?" tanong ko sa kanya.
"Contemporary dance, kaya wala nang madaming reklamo ha!!" sagot niya sabay kindat.
"Pwede naman mag duet nalang tayo eh. Bakit yan pa?? Di naman ako marunong sumayaw eh.." pagtanggi ko pa.
"Diba sabi ko wala nang madami pang reklamo.."
Pumili na siya ng music.. At maya maya pinatugtog niya yung "Say you won't let go"
"Bakit yan yung music? Ampanget naman.." reklamo ko sa kanya.
"Maganda kaya. At for sure makukuha natin yung best in talent pag inayos mo ang pagsasayaw.." Ay grabe siya pinagdilatan niya pa ako ng mata
"Paano kung ayaw ko? may magagawa ka ba? Alam mo naman na wala akong talent sa pagsasayaw eh.." sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Madali lang maman yan eh.. Pag di mo inayos, the you'll be my slave until I graduated our college" binantaan niya pa ako.
"Happy ka.. Ayoko ko.. Sige aayusin ko at papatunayan ko na kaya kong sumayaw."
Nag start na kaming gumawa ng steppings.. At loko loko naman tong Nathan na 'to, may part ba namang yayakapin niya ako while nakatalikod.
"Ano ba yan, ayoko ng part na yan.. Baka sabihin nilang may something sa atin.." pagmamaktol ko pa
"Ang defensive naman.. Di naman porket yayakapin kita may something na agad.. Unless gusto mo ako kaya ayaw mo.." pang aasar pa niya
"Yaaksss feeling ka din no.. Ano ka sa tingin mo, gwapo ka para magkagusto ako sayo?"
"Gwapo kaya ako." Sabay hawi ng buhok niya at ngumiti, yung killer smile." Kung hindi ako gwapo edi sana di ako habulin ng mga babae." pagmamalaki niya pa
"Sige na nga.. Payag na ako.." pag sasangayon ko sa kanya.
"Ayun naman pala eh.. Madali lang naman yan eh.."
Buong maghapon din kaming nag practice at nakalahati na din namin yung music..
"I met you in the dark
You lift me up
You made me feel as though
I was throwing up...." Pakanta kanta pa siya habang nasa banyoPinakinggan ko muna siya habang nasa labas ng banyo..
"Ang ganda naman pala ng boses niya." sabi ko sa isip ko
At maya maya biglang bumukas ang pinto, nagulat ako at natumba sa sahig.
"Oh anong ginagawa mo dito sa labas ng banyo? Naninilip ka no?" tanong niya, ni hindi lang naman ako tinulungan.
"Ah hindi kaya.. Napadaan lang ako at natapilok.. Hindi mo ba ako tutulungan?" rason ko sa kanya na may halong pagtataray.
At tinulungan niya naman akong makatayo at pinaupo sa sofa..
"Salamat Nathan." sabi ko sa kanya
"Marunong ka rin palang magpasalamat.." pang aasar niya pa
"Syempre naman.. Di naman ako tulad mo.." sabat ko sa kanya..
Nang medyo madilim na, nagpaalam na din siya kay mommy at pati na rin kay kuya na uuwi na siya.. Kaya hinatid ko na siya sa gate
"Sige salamat ulit Nathan.. Mag ingat ka pauwi.." paalam ko sa kanya.
"Salamat din Kat kat.. Bukas ulit. Ingat din" paalam niya sabay wave at umalis na