CHAPTER 1

15.2K 237 2
                                    

Persistent

     DAHIL namimiss na ni Donna ang baliw na kaibigan ay naisipan niyang sumunod rito. Maliban sa miss na miss niya na ito ay dumadagdag din ang problema ng kanilang pamilya.

She wanted to escape this miserable life. Naaawa na siya sa mama niya. Palagi nalang itong sinasaktan ng tatay niya. It may not be physical pero alam niya mas nasasaktan ito emotionally. Hindi niya matanggap na may ibang babae ang papa niya. Galit siya. Galit siya rito. Kasi sino ba ito para pasakitan ang mama niya? Ang mama niya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang papa niya ng totoo at buo.

She hates her father for doing this to their family. Hindi man sabihin ng ina ay ramdam niya ang lungkot at lumbay rito. It is also the sole reason why he hates boys. Hindi naman siya ganito noon eh. She was so girly and maarte, dati. Oo, dati. Simula kasi ng malaman niyang may ibang babae ang papa niya ay pinangako niya sa kaniyang sarili na kakamuhian niya ang mga kagaya nito. Mga manloloko at sinungaling. Kaya pinili niya nalang ang maging tomboy. Wala kasing naglalakas loob na ligawan siya. Hindi rin naman siya papayag. Pare-pareho lang naman ang mga ito. Mga manloloko.

Abala siya sa pag ie-empake ng mga damit niya ng pumasok ang kaniyang ina sa kaniyang silid.

"Anak, anong ginagawa mo?" Ramdam niya ang kaba at takot sa tinig ng ina.

"Aalis ako ma. Pupunta ako ng Maynila. Magtatrabaho ako doon." Malamig niyang sagot sa ina. Hindi naman siya galit rito. Ganito lang ang pinapakita niya  kasi nasasaktan siya na makita ang lungkot at lumbay sa mga mata nito.

"Iiwan mo si mama anak?" Malungkot na tanong ng kaniyang ina. Napabuntong hinga siya at itinigil ang pagtutupi ng mga damit.

"Ma, kailangan kong umalis. Wala akong mapapala rito." Diretso at pranka niyang sagot sa ina.

"Buo na ba talaga ang pasya mo anak?" Tanong ulit ng kaniyang ina. Hindi siy sumagot at pinagpatuloy nalang ang pagtupi ng kaniyang mga damit. Natigilan siya ng niyakap siya ng kaniyang ina.

"Mamimiss kita anak. Mag-iingat ka doon ha?" Tapos ay hinalikan siya nito sa noo at lumabas na ng kaniyang kwarto. Napupo siya kaniyang kama habang unti-unting nahuhulog ang mga luha sa kaniyang mga mata.

She doesn't want to leave her mother but she doesn't want to stay either. Mas pipiliin niya pa ang umalis kesa makita at marinig ang kaniyang ina na palihim na umiiyak tuwing gabi. Mas masasaktan lang siya.

Pangako ko nay. Pagnakahanap ako ng magandang trabaho sa Maynila kukunin kita at mga kapatid ko. Pangako ko yan.

---

A/N: here's the His Series #3 Chapter 1. Hihihi. Enjoy Reading!! 🤗🤗

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon