CHAPTER 12

5.1K 131 9
                                    

No Strings Attached

Nagising si Ash na parang dinadambol ang ulo niya sa sakit. Napasobra kasi siya ng inom kagabi.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagtataka kung bakit nasa kama na siya. Sa pagkakatanda niya nasa sala lang siya kahapon. Kapag talaga nalalasing siya hindi na niya maalala ang ginawa niya.

Papikit-pikit siyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. He wants to drink coffee. Para maibsan ang hang-over niya.

As soon as he finished preparing his coffee. He went to the living room. He was surprised as he saw how clean and tidy his living room.

Kahapon lang sobrang kalat dito. Did he do all the cleaning despite of him being drunk? Pero imposible naman ata iyon. Tulog na siya kapag sobrang nalalasing siya.

He doesn't want to think too much. Mas lalo lang sumasakit ang ulo niya kakaisip.

He was sipping his coffee when Donna appear from nowhere.

Naibuga ni Ash ang iniinom na kape at naonlalaki ang mata na nakatingin rito.

"Anong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ash kay Donna.

Isang malamig na tingin lang ang ipinukol ni Donna sa lalaki at nilampasan ito para pumunta sa kusina.

Nakasunod lang si Ash kay Donna. Nagtataka kung bakit ganun ang pakikitungo nito sa kaniya. Maayos naman sila noong isang araw ah. Bakit ngayon ganun na naman ang trato nito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali?

--

Naiinis na hinihiwa ni Donna ang mga gamit pansangkap sa kaniyang lulutuin. Hindi niya pa rin nakakalimutan iyong nangyari kagabi. Paano nga niya ba makakalimutan agad iyon? Inakala siya ng lalaki na ito ang babaeng mahal niya.

Galit si Donna. Oo, galit siya. Pero hindi naman niya masisisi si Ash. Malinaw para rito na hindi siya puwedeng mahulog ngunit pinagpatuloy pa rin ni Donna ang nararamdaman.

Kung tutuusin nga hindi siya dapat magalit. Pero masakit sa kaniya na akalain siya nitong ibang tao.

Siya ang nandoon hindi si Rayne. Ewan ba ni Donna kung sinadya ba iyon ni Ash o hindi. Lasing ba talaga ito o hindi wala ng pakialam si Donna. Sobrang nasaktan siya sa ginawa nito.

Alam niyang bawal. Alam niyang hindi dapat. Ngunit mapipigilan ba ang puso na huwag itong mahalin kung kusa itong titibok para sa isang tao?

Ipinagpatuloy nalang ni Donna ang pagluluto kahit na ba mabigat ang loob niya.

Kagabi naisipan niyang huwag nalang ipagpatuloy ang pagpapanggap nila ngunit naisip niyang huli na para umatras. Magtataka at magtatanong ito kung bakit siya aatras at hindi alam ni Donna ang isasagot kapag nangyari iyon.

Kaya ipagpapatuloy niya ito kahit na masasaktan siya sa huli. Oo dehado siya sa larong ito pero makakasama naman niya ang lalaking mahal niya.

Kahit masakit. Tatanggapin niya. Pero hanggang saan ang kaya niya?

Natigil sa ginagawa si Donna ng pumasok si Ash sa loob ng kusina at inilagay sa lababo ang pinag-inuman nitong kape.

"Paano ka napunta dito Donna?" Tanong nito sa kaniya.

Ewan ba ni Donna pero minasama niya ang tanong ni Ash sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala aalis din ako maya-maya. Inayos ko lang ang mga kalat mo at magluluto lang ako." Malamig na sagot ni Donna at pinagpatuloy ang ginagawa. Malapit na rin namang matapos ang niluluto niya. Makakaalis na rin siya.

"Thats not what I mean Donna. Gusto ko lang naman malaman kung bakit ka nandito. Diba may trabaho ka ngayon?" Ani nito ngunit hindi na pinansin ni Donna ang binata.

Ayaw niya nang humaba pa ang usapan.

Nang makitang luto na ang pagkain ay tinanggal ni Donna ang suot na apron at nagpaalam kay Ash.

"Aalis nako. Kumain kana lang." Tapos ay nagmadali na siyang lumabas.

Hindi pa man nakakalayo si Donna ay pinigilan siya ni Ash.

"Sandali lang Donna." Tumigil din naman si Donna ngunit hindi niya nilingon ang binata.

"Ano? May kailangan kapa ba?" Naitanong nalang ni Donna. Gusto na niya talagang makaalis.

"May nagawa ba ako boss?" Mabilis na umiling si Donna sa tanong ni Ash.

"Then why are you acting like that?" Pagtatanong pa nito. Doon na humarap si Donna sa lalaki.

"Acting like what?" Malamig na tanong ni Donna.

"That. You're acting like a mad and jealous wife." Walang paligoy-ligoy nitong sagot. Natigilan naman si Donna dahil doon.

"Hindi ah! Bakit naman ako magagalit o magseselos? Hindi ka pa ba sanay sakin?" Pilit na tinatago ni Donna ang totoong nararamdaman.

"I know. Sorry. I'm just overthinking things. Simula palang alam naman nating dalawa na this set-up is no string attached right? Ginawa ko lang sigurong big deal ang nangyayari. I'm sorry boss." Ani nito at ngumiti na rin kapagkuwan.

Pilit na ngiti ang iginanti ni Donna sa lalaki. Kahit na ang totoo ay sobra siyang nasaktan sa sinabi nito.

"Sige. Aalis na ako. May trabaho pa ako." At tuluyan ng umalis si Donna.

Sa pagtalikod niya ay doon na nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Tumakbo si Donna kahit na nalalabo ang kaniyang mata.

Sobra siyang nasasaktan. Ngunit wala siyang ibang magawa kundi iiyak at tanggapin nalang ang lahat. Na walang katugon ang pagmamahal niya.

Hindi na siya nadala. Dati naman buo ang paniniwala niya na lahat ng lalaki pare-pareho lang. Katulad lang ang mga ito sa tatay niyang walang kwenta at manloloko.

Mali ba na nagmahal siya?

--

Nakatanaw lang si Ash sa papalayong si Donna. Pakiramdam ni Ash may mali. Hindi niya alam kung ano. Pero malakas ang kutob niya na may tinatago sa kaniya si Donna. Hindi niya nalang pinilit dahil baka magalit na naman ito.

Maybe he'll ask her some day. Hindi na muna ngayon. Mukha kasing may pinagdadaanan si Donna.

Bumalik nalang siya sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina. Napangiti siya ng makita ang pagkain na niluto ni Donna.

Hindi na niya kailangan magtanong kung bakit nandito si Donna kanina. Ito ang nag-alaga sa kaniya at naglinis sa kalat niya.

Nakangiting kumain si Ash at ninamnam ang pagkain na niluto ni Donna.

--
A/N: iumpog natin si Ash? Hahaha. Hi 🤗 Happy Reading 😙

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon