CHAPTER 16

5.4K 148 6
                                    

A/N: Play the song before you start scrolling and reading 😊 Enjoy Reading ❤

--
Gone

Kasabay ng pag-alis at pag-iwan ni Rooke kay Andrea. Nakabuo rin ng desisyon si Donna. Lilisanin na niya ang Maynila at uuwi nalang sa kanila. Baka sakali makalimutan niya lahat. Baka sakali mawala ang sakit na nararamdaman. Kailangan niyang isalba ang sarili bago pa siya tuluyang masaktan ng sobra. Baka mahirapan na siyang makabangon.

Habang nag i-empake ay panay ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Donna. Wala sa plano niya ang umibig sa isang lalaki. Ang dahilan ng pagpunta niya sa Maynila ay para maghanap ng magandang trabaho at para makatulong sa pamilya niya. Ngunit nag-iba ang ihip ng panahon. Umibig siya sa isang lalaki at ngayon nga ay nasasaktan siya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Donna kaya napatingin siya doon. Pinahid niya ang mga luha at tiningnan kung anong meron. Nakita niya ang pangalan ni Ash doon. Kumirot na naman ang puso niya.

Pinatay niya nalang ang cellphone niya para hindi na siya matawagang muli ng binata at tinapos ang pag i-empake.

Nakapagpaalam na si Donna sa mama ni Andrea na uuwi siya at pumayag naman ito at hindi na nagtanong pa kung bakit na ipinagpasalamat naman ni Donna. Hindi na niya kailangan pang magsinungaling rito. Hindi niya rin kasi alam kung ano ang sasabihin sa totoo lang.

Nang matapos sa pag i-empake ay lumabas na siya ng bahay para mag abang ng taxi na masasakyan patungong pier.

Walang pag-aalinlangan na sumakay si Donna sa barko at walang dalawang isip na nilisan ang Maynila. Kahit masakit ang dibdib niya sa pag-alis. Alam niya mawawala din iyon. Sa simula lang iyong sakit na nararamdaman niya. Lilipas din iyon. Pipilitin niya. Kakayanin niya.

Nang umandar na nga ang barko alam ni Donna sa sarili na hindi na siya babalik sa lugar na iyon. Ano man ang mangyari at kakalimutan niya lahat ng nangyari sa lugar na iyon at magsisimula siya ng panibagong buhay kasama ang mama niya at mga kapatid niya.

--

Hindi mapakali si Ash sa kaniyang opisina. Kanina niya pa tinitingnan ang telepono niya. Ilang araw na niyang hindi nakakausap si Donna. He needs to talk to her. Ngunit hindi niya ito mahagalip kung saan. Hindi niya rin ito matawagan.

Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman sa mga oras na iyon. Gusti niyang linawin ang nararamdaman niya. Nalilito na siya kung ano ba ang totoo.

Hindi niya matimbang ang nararamdaman niya kay Rayne at ang nararamdaman niya kay Donna. Hindi niya lang ine-entertain iyon kasi nakaukit na sa isip niya na si Rayne lang ang tanging babae na mamahalin niya. Kaya hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang nararamdaman niya para kay Donna.

Ngunit ngayon na wala ito sa tabi niya parang may kung ano sa dibdib niya na hindi niya maintindihan. Hindi na bago kay Ash ang pakiramdam na iyon ngunit hindi niya matagpi kung ano iyon.

Napaayos ng upo si Ash sa kaniyang upuan ng pumasok ang nakakatandang kapatid.

"Need anything kuya?" Tanong ni Ash sa kapatid ng makapasok na ito ng tuluyan. Nandidilim ang ilalim ng mata nito at mukha itong stress.

Pagkatapos ng naging kumprontasyon nila sa kapatid na si Rooke ay naging ganun na ang nakakatandang kapatid. Sinubukan nilang kausaping dalawa si Rooke ngunit tinatangihan sila ng kapatid. Naiintindihan naman nila. Hindi nila nagawang unawain at intindihin ang kapatid. Hinusgahan nila ito kaagad na para bang ibang tao ito.

Umupo kaharap niya si Kean at nagbuntong hinga.

"Rooke is leaving. Marie told me last night. He still won't talk to us." Nafu-fustrate na saad ng kapatid.

Napabuntong hinga din si Ash. Inaasahan na niya iyon. Hindi ganun kadaling tanggapin ang ginawa nila. Naiintindihan niya kung ayaw silang kausapin ni Rooke. May karapatan itong magalit sa kanila.

"Where would he go kuya? May kasama ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Ash. Gusto niyang matawa sa inaakto nila ngayon. Kamakailan lang inaalipusta pa nila ang kapatid. Ngayon ay nag-aalala na sila. Kung paano nga naman maglaro ang tadhana. Naniwala kaagad sila sa sinabi ng baliw na babaeng iyon.

"I don't know Ash. What have I done? I could have been a good brother to both of you. But what did I do? I messed up Ash. I messed up big time." Nanlulumong saad ng kapatid. Kahit si Ash aaminin niyang iyon ang nararamdaman niya. Wala siyang kwentang kapatid. Wala.

Kapwa sila napalingon sa pinto ng pabalibag iyong bumukas at pumasok si Verro.

"What is it?" Si Kean ang nagtanong kay Verro.

May hilam na luha sa mga mata ni Verro ng tumingin ito sa kanila ng diretso. Unang beses na makita ni Ash na umiiyak si Verro. Ngayon pa lang.

"Nasaan si Marie? Kailangan ko siyang makita. Fvck! I need to talk to her Kean. Nasaan siya?" Gumaralgal ang boses nito at kaunti nalang para humikbi ito.

Nagkatinginan si Ash at si Kean sa isa't-isa. Hindi nila alam ang nangyayari. Bakit hinahanap ni Verro ang pinsan nila?

"We don't know where she is right now Verro. Why?" Tanong ni Kean sa huli.

Hindi ito sumagot at nagmadaling lumabas ng opisina. Nagkatinginan na naman silang muli ng kapatid tapos ay nagkibit balikat siya.

"I also need to leave kuya. May hahanapin lang ako." At umalis na nga siya ng tumango ang kapatid niya.

Kailangan niyang makausap si Donna at linawin ang nararamdaman niya. Kailangan niyang makasiguro kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga. At kapag nalinawan na siya tsaka lang siya gagawa ng hakbang.

But now he needs to seek for Donna first. Pupuntahan niya ito sa bahay nila Andrea. Baka pinagtataguan lang siya nun.

   Pagkarating sa bahay nila Andrea ay nagdoorbell siya. Maya-maya ay lumabas ang mama ni Andrea na mukhang kagagaling pa sa kusina.

"Magandang umaga po tita." Magalang na bati ni Ash sa ginang. Tumango at ngumiti naman ito kapagkuwan.

"Anong kailangan mo Ash? Halika pasok ka muna." Tapos ay pinagbuksan siya nito at pinapasok.

"Sino Donna po?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Ash sa ginang. Mabilis itong humarap sa kaniya at kumunot ang noo nito.

"Hindi mo ba alam? Noong isang araw pa siya umalis. Umuwi sa kanila." Sagot ng ginang.

Umuwi si Donna? Hindi man lang nagpaalam sa kaniya? Is it beacuse of what happened between them?

Hindi alam ni Ash kung ano ang mararamdaman. Isa lang ang alam niya. Iniwan na siya ni Donna. And its his fault. Now she's already gone.

--

Feeling ko walang kabuhay-buhay ang kwento ni Donna 🙈 parang ang boring 🙁 huhuhu. 4 chapters to go then epilogue.

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon