CHAPTER 10

5.4K 131 1
                                    

Let's get married then

Hindi magawang gumalaw ni Donna lalo na at nakayakap sa kaniya si Ash mula sa likuran.

Pareho silang nakatingin sa dagat at sa papalubog na araw. Ipinikit ni Donna ang mga mata at sinamsam ang sandaling iyon. Gusto niya ang pakiramdam na nasa bisig siya ng binata.

Talagang mahal na nga niya ang binata. Sigurado na siya doon. Pero alam naman niyang walang katugon ang pagmamahal niyang iyon. Tanggap naman niya na kaibigan lang ang turing nito sa kaniya. Kahit na ba masakit ay tatanggapin niya iyon. Wala naman kasing may sabi na mahalin niya ang binata. Kusa niya iyong naramdaman.

Bahagyang humiwalay si Donna mula sa pagkakayakap sa kaniya ni Ash. Hinarap niya ang binata at pinakatitigan ito.

"Pumapayag na ako Ash." Saad ni Donna.

Natigilan naman si Ash sa sinabi ni Donna. Wari ba'y hindi ito makapaniwala sa sinabi ng huli.

Kumurap-kurap si Ash at pinakatitigan si Donna. Hindi makapaniwala na pumayag ito sa gusto niya.

"Hindi ka nagbibiro Donna? Talaga bang papayag ka?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Ash sa kaniya.

Tiitigan ni Donna ang mga mata ni Ash at marahan na tumango.

Isang malapad na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Ash.

"Kung gayon. Let's get married then." Tapos ay hinila siya nito. Nagpatianod nalang si Donna.

Sana hindi niya pagsisihan itong pagpayag niya. Kahit na ba alam niyang siya ang dehado sa kasunduang iyon. Susugal pa rin siya. Umaasa si Donna na matutugunan din ang pagmamahal niya. Wala namang masama kung subukan niya hindi ba?

--

Nakaupo silang dalawa sa harapan ng isang judge na magkakasal sa kanila. Ang sabi ni Ash hindi raw magiging legal ang kasal nila. Pero pipirma pa rin sila sa marriage certificate bilang katibayan na ikinasal nga sila.

Hindi na tumutol o kung ano pa man si Donna. Pumirma nalang siya at pagkatapos ay nakilagkamay sa judge bago sila umalis.

Napansin ni Donna ang kakaibang ngisi sa labi ng judge. Hindi alam ni Donna kung bakit siya biglang nakaramdam ng  kaba sa uri ng pagngisi nito.

Ngunit hindi nalang iyon ginawang big deal ni Donna at tuluyan na silang umalis. Hindi niya tinatanong si Ash kung saan na sila pupunta ngayon.

Nang nasa loob na sila ng sasakya  ay wala pa rin ni isang umiimik sa kanila.

"Saan mo gustong kumain boss?" Pagbubukas ni Ash ng usapan. Napatingin naman si Donna sa huli.

"Kahit saan nalang." Tanging naisagot ni Donna. Tumango at ngumiti naman si Ash.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Pero ayaw namang magbukas ng usapin ni Donna. Hindi niya rin kasi alam kung ano ba ang dapat pag-usapan. Malinaw at maayos naman ang usapan nila.

"Nandito na tayo boss." Ani ni Ash ng tumigil na ang sasakyan.

Tinanaw naman ni Donna kung saan sila huminto. Nasa harapan sila ngayon ng KFC. Napangiti naman si Donna.

Hindi niya alam na mahilig pala sa fastfood si Ash. Akala niya ay kumakain lang ito sa mamahaling restaurant. Hindi naman pala.

"Tara na?" Pag-aya nito sa kaniya na tinanguan ni Donna. Nanunubig kasi ang bagang niya sa french fries.

Pinagbuksan ni Ash ng pinyo si Donna at inalalayan itong makababa.

Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng KFC. Bibitaw na sana si Donna ngunit hinigpitan ni Ash ang paghawak sa kamay niya at dalawa silang pumila para umorder.

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon