A Love For The Second Time
Napakurap-kurap si Donna habang nasa labi niya pa rin ang labi ni Ash. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ngayon ang lalaki at hinahalikan siya.
Totoo ba talaga ang nangyayari? Nasa harapan niya nga ba si Ash ngayon?
Naipikit ni Donna ang mga mata ng maghiwalay ang labi nilang dalawa ni Ash at kapawa nakasandal ang mga noo sa isa't-isa.
Kapwa sila humihingal matapos ang halik na iyon. Walang ni isa sa kanila ang nagsalita ng makarinig sila ng pagtikhim.
"Ahem. Donna, may batang nanunood sa inyo." Doon na rumehistro kay Donna ang lahat. Mahina niyang naitulak si Ash palayo sa kaniya at binalingan ang anak.
Nakatingin lang ito kay Ash. Parang kinikilala ng bata ang lalaki. Napalunok si Donna. Hindi niya kayang tingnan si Ash sa mga oras na iyon.
Nilapitan niya ang anak at hindi na pinansin si Ash. Sobrang bilis ng pagpintig ng puso ni Donna sa sandaling iyon. Nagagalak ang puso niya. Ngunit hindi niya magawang tumingin kay Ash.
Narinig ni Donna na pinapasok ni Maureen si Ash sa loob ng bahay. Nahihiya siya sa nangyari kanina. Naging marupok na naman kasi siya.
Inaya niya ang anak na pumasok na muna sa kwarto nito para bihisan niya. Hindi man lang siya sumulyap muli kay Ash. Pakiramdam kasi ni Donna namumula ang pisngi niya.
Binihisan ni Donna ang anak na walang kaalam-alam na nandito na ang ama nito. Hindi kasi alam ni Donna ang gagawin ngayong nandito na si Ash. Hindi niya pa matiyak kung ano ba ang kailangan nito.
Pagkatapos bihisan ang anak ay lumabas silang muli. Nadatnan ni Donna na nag-uusap si Ash at Maureen. Nagkakatuwaan ang dalawa. Hindi dapat maramdaman ni Donna ang nararamdaman niya ngayon ngunit hindi niya kayang huwag magselos habang nakatingin sa dalawa.
Napaiwas siya ng tingin ng bumaling sa kaniya si Ash. Narinig niya pa ang mahinang halakhak ni Maureen. Pinigilan ni Donna ang sarili na lumingon sa dalawa. Kinakain talaga siya ng selos.
"Magluluto na muna ako." Tanging sinabi ni Donna at inaya ang anak na sumama sa kusina.
"Dito nalang si Dandan, Donna. Ako na magbabantay habang nagluluto ka." May kung ano sa ngisi ni Maureen na hindi mawari no Donna kung ano.
Nagkibit balikat nalang siya at hinayaan ang anak na lumapit kay Maureen. Nagtungo na din siya sa kusina para makapagluto ng tanghalian nila.
Hinanda ni Donna ang mga gagamitin sa pagluluto. Nang maayos na ang mga iyon ay nagsimula na siyang magluto.
Habang nagsasaing ng kanin at nagpapakulo ng baboy naramdaman ni Donna ang presensya ng isang tao sa likod niya. Hindi na niya kailangang lingunin iyon dahil alam na niya kung sino iyon. Amoy palang nito alam na niya kung sino.
"Ano bang ginagawa mo dito Ash?" Nakatalikod na tanong ni Donna sa lalaki.
"Why did you leave Donna? Why didn't you tell me?" Bagkos na sagutin ang tanong niya ay tinanong siya nito pabalik.
Hinarap ni Donna ang lalaki. "Bakit hindi ako aalis Ash? Ano pa bang gagawin ko doon? Diba nga pinagmukha mo sa akin noon na hindi ko siya kayang palitan diyan sa puso mo, diba?" May hinanakit sa boses ni Donna ng sabihin niya iyon. Iyon naman kasi ang totoo. Hindi niya makakalimutan ang mga sandaling iyon.
"I was confused back then Donna. I'm sorry if I hurt you. Pero kailangan bang ilihim mo sakin ang pagiging buntis mo?" Sumbat nito sa kaniya. Hindi naman makapaniwala na tumingin si Donna kay Ash.
"At ngayon susumbatan mo ako ha? Bakit Ash? Kung sinabi ko ba sayo tatanggapin mo?" Galit na tanong ni Donna. Natahimik naman ang huli.
"Hindi diba? Ni pagmamahal ko nga hindi mo tinanggi eh. Iyong pagbubuntis ko pa kaya? Huwag mo nga akong pinaglololoko Ash." Sarkastiko niyang dagdag.
BINABASA MO ANG
His Badass Love (COMPLETE) ✔
General Fiction"You are my Sunshine." -Zeiford Ash Han