CHAPTER 8

5.4K 130 4
                                    

Spousal Relationship

  Dalawang linggo ang lumipas at puspusan si Donna sa trabaho. Bukas ay magkakasweldo na siya at mapapadalhan na niya ang mama niya.

Ang dali lang lumipas ng araw. Mag-i-isang buwan na siya sa Maynila. Hindi niya inaakala na magtatagal siya. Kung wala siguro ang kaibigan niya matagal na siyang sumuko.

Speaking of kaibigan. Ilang araw ng hindi nagpaparamdam sa kaniya si Ash. Hindi naman sa namimiss niya ito. Nagtataka lang siya kung bakit.

Kasalukuyang nagpupunas si Donna sa lamesa ng lapitan siya ng isang katrabaho dahilan para mapatigil siya sa ginagawa.

"Donna, may naghahanap sayo sa labas." Ani nito na kinakunot ng noo ni Donna.

Tinanguan niya ang katrabaho. Iminuwestro nito kung nasaan ang taing naghahanap sa kaniya. Agad na pumunta si Donna sa kinaroonan ng taong itinuro nito.

Nang makalapit na si Donna ay tumigil siya sa harap nito. Naangat ni Ash ang ulo at nginitian si Donna. Ngunit isang malamig na tingin ang ipinukol ni Donna sa kaniya.

Napakamot si Ash at hinawakan ang kamay ni Donna at hinila palabas ng shop.

Hindi naman nagpumiglas si Donna at nakatingin lang sa magkasiklop nilang mga kamay.

Biglang pumintig ng mabilis ang puso ni Donna.

"Saan mo ba ako dadalhin? Makahatak ka ha." Seryoso at mapanganib na saad ni Donna sa binata.

Nilingon lang siya nito at nginitian. Naging baliw naman ang puso ni Donna dahil doon at parang may mga paru-parung lumilipad sa loob ng tiyan niya.

"Saan mo nga sabi ako dadalhin?" Iritadong tanong ni Donna. Pilit na tinatago ang nararamdaman.

Ayaw mang aminin ni Donna. Pero masaya siya at nandito na ulit ang binata. Sumasaya ang puso niya.

Teka, ano?

Nailing ni Donna ang ulo niya.

"Masakit ba ang ulo mo Donna?" Tanong ni Ash ng makita ang pag-iling na ginawa niya.

"Hindi." Tipid na sagot ni Donna at pasimpleng hinila ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

Sumakay sila sa sasakyan ng binata. Hindi nalang nagtanong si Donna kung saan ba sila pupunta. Hindi naman siya sasagutin ng binata.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Donna pagkarating nila.

Malalim na hininga ang pinakawalan ni Ash at hinawakan ang kamay niya. Kinabahan naman si Donna dahil doon. May gagawin ba itong masama sa kaniya?

Mataman na tiningnan ni Ash sa mga mata si Donna.

"Magpakasal tayo Donna." Napipilan si Donna sa tanong ni Ash.

Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nang mag sink-in kay Donna ang sinabi ng binata ay nasapak niya ito.

"Sira ulo!"

--

  Kasalukuyang dinadampian ni Donna ng yelo ang pisngi ni Ash na nasuntok niya.

Napapabuntong hinga siya sa tuwing nakikita niya itong ngumingiwi.

"Iyan kasi ang napapala mo. Ano ba ang nakain mo at tinanong mo ako ng ganun ha?!" Sinadya ni Donna na mas idambi ang hawak na pack ng yelo sa pasa ni Ash.

"Aray naman Donna. Malay ko bang sasapakin mo kaagad ako." Pagmamaktol nito at ngumingiwi rin.

"Heh! Bakit mo ba kasi natanong iyon? Pinagtitripan mo ba ako?" Lakas loob na tanong ni Donna sa binata.

Alam naman ni Donna na nagbibiro lang ito kanina pero hindi niya matiis na huwag itong usisahin. Kahit na ba alam niyang madidismaya siya sa isasagot nito sa kaniya.

"Seryoso ako dun Donna. Magpakasal tayo." Seryosong saad nito at pinakatitigan siya sa mga mata.

Biglang lumukso ang puso ni Donna sa sinabi nito.

"Pero bakit? Hindi naman tayo ah. Bakit mo ako aayain na magpakasal sayo?" She keep on asking questions. Gustong malinawan ni Donna. Ano ba ang rason nito at inaaya siyang magpakasal rito.

She was hopeful of what he was going to answer.

Sasagot na sana ito ng tumunig ang cellphone nito. Alam niyang hindi sa kaniya iyon kasi iba ang ringtone. Sinagot nito ang tawag at sinenyasan siya na huwag mag-ingay.

"Go away Rooke. Donna is mine." Nagsiliparan na naman ang mga paru-paru sa tiyan ni Donna sa narinig.

Nakipagtalo pa ito sa kausap sandali bago natapos ang tawag.

"Tss." Ismid ni Ash ng maibaba at mailapag na ang telepono.

"Sino yun?" Nagawa pa ring magtanong ni Donna kahit na sobra na sa paglukso ang dibdib niya.

"Just my brother. Now, where were we?" Tanong nito kapagkuwan. Nagkibit balikat lang si Donna.

"Wait here." Bilin ni Ash at nagpunta sa kung saan.

Napahawak naman si Donna sa dibdib niya.

Posible ba itong nararamdaman ko?
Sa isip ni Donna.

Napaayos siya ng upo ng makitang bumalik na si Ash na may dala-dalang envelope.

"Ano yan?" Tanong ni Donna ng ilahad nito sa kaniya ang envelope.

"Just read it." Sinunod naman ni Donna ang sinabi nito at binasa nga ang laman niyon.

Makalipas ang ilang minuto ay nakakunot ang noo na himarap si Donna sa lalaki.

"Spousal Relationship? Seriously?" Tumango-tango ito sa tanong niya.

"Nababaliw kana ba Ash? Sinong matinong tao ang papayag dito sa kalokohan mo?" Itinaas ni Donna ang hawak na envelope at padabog na inilapag sa center table.

Naglikha iyon ng kaunting ingay. Naiinis si Donna. Hindi niya malaman kung bakit.

"I'm desperate here Donna. Help me out. I don't want to be involve in some fixed marriage." Halata sa mukha nito ang pagkadesperado.

Napabuntong hinga naman si Donna.

"Hindi isang laro ang pagpapakasal Ash." Nasabi nalang ni Donna.

"Alam ko Donna. But I have no choice. Kaya pumayag kana." Pakiusap nito sa kaniya.

"Bakit ako?" Gustong malaman ni Donna ang rason nito kung bakit siya ang napili nito.

"Because I know you're not capable of falling inlove with me. Panatag ang loob ko sayo Donna. Alam kong hindi ka maghahabol hindi kagaya ng ibang babae diya." Nadismaya si Donna sa isinagot nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit pero para siyang nasaktan sa sinabi nito.

Ibig bang sabihin niyon kapag pumayag siya sa kasunduan nito bawal siyang mahulog sa binata? Bawal niya itong mahalin?

--
Hi 🤗😉

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon