CHAPTER 2

10.3K 216 4
                                    

Going to Manila

Third Person Point of View

Pasakay na si Donna sa barko putungong Manila. Maliit na bag lang ang dala niya dahil hindi na niya magawa pang magtagal sa bahay nila. Lalo na at nakikita niyang umiiyak ang ina.

Nalulungkot man siya sa gagawin niyang pag-alis ay hindi siya nagpaapekto dahil kailangan niyang gawin ang bagay na ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya niya.

Narinig ni Donna ang pagtunog ng barko hudyat na papaandar at aalis na ito. Pumwesto na si Donna at naupo baka mamaya hindi na siya makaupo pa. Ang dami pa namang tao sa loob ng barko.

Kinuha niya ang cellphone at earphones sa bag niya. Isinuot ni Donna ang mga earphines sa tenga niya at nakinig ng kanta sa cellphone niya.

Nakatanaw lang si Donna sa karagatan. Papalayo na siya ng papalayo.

Alam niyang nasaktan niya ang ina sa ginawa niyang pag alis. Pero hindi na kasi talaga niya kaya pang magpanggap pa at manatili sa bahay nila.

Naaawa siya sa mama niya kaya mas pinili niyang umalis para hindi na rin makumpronta at masumbatan ang ama.

Napapikit si Donna ng umihip ang simoy ng hangin.

Nanatili lang na nakapikit si Donna at sinasamsam ang simoy ng hangin hanggang sa may umupo sa tabi niya.

Agad niyang iminulat ang mga mata ng maamoy ang panlalaking pabango nito.

Bigla siyang naalarma at napalayo sa lalaking katabi.

Ayaw niya talaga sa lalaki. Naiinis siya kapag nalalapit siya sa isa sa mga kauri nito.

Napalingon sa kaniya ang lalaki at hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa.

"Para naman akong may nakakahawang sakit sa ginawa mo miss." Ani nito kay Donna. Ngunit hindi nalang iyon pinansin ng dalaga.

She doesn't want to talk to him. So she continue listening to her phone not minding the man a few inch away from her.

Dahil sa pakikinig niya ng mga kanta ay unti-unting dinalaw ng antok si Donna. Kaya ang ginawa niya ay kinuha niya ang back pack niya at ipinuwesto sa may uluhan niya.

Isinandal niya ang ulo sa back pack at ipinikit ang mga mata. Di kalaunan ay nakatulog na nga siya.

--

Gabi na ng magising si Donna. Nang tumingin siya sa tabi niya ay wala na doon ang lalaki. Mukhang na offend ito sa ginawa niyang paglayo kanina.

Eh sa ayaw niya lang kasi talagang matabi o makatabi ang isang lalaki.

Galit siya sa mga ito.

Biglang kumalam amg tiyan ni Donna alay napahawak siya sa kaniyang tiyan.

Ilang oras pa ang lalayagin nila bago makarating sa Manila.

Binuksan niya ang bag at kinuha ang baon niyang biskwit at kinain.

Magtitiis nalang muna siya sa biskwit. Sakto lang kasi ang pera niya. Wala siyang pangbili ng pagkain.

Habang kinakain ang baong biskwit ay nabaling ang tingin niya sa mga alon ng dagat.

Wala siyang ibang makita kundi malawak na karagatan. Ibig lang sabihin nun ay nasa malayo na siya.

Malayo sa kanila. Malayo sa pamilya niya.

Napapbuntong hinga na lang si Donna. Gusto niyang bumalik at manatili nalang doon sa kanila. Ngunit nakapagdesisyon na siya at nandito na rin siya papuntang Manila.

Wala ng panahon para magsisi pa siya. Kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya.

Ilang minuto ang lumipas at ubos na rin ang kinakain niyang biskwit. Nauuhaw na naman siya ngayon. Kinapa niya ang bag upang kuhanin ang bote ng tubig ngunit wala na itong laman.

Ibinalik niya nalang ang bote sa loob ng bag at tumingin muli sa dagat.

Nauuhaw na talaga siya.

Naibaling niya ang tingin ng may baritonong boses ang nagsalita sa gilid niya.

"Here." Ani nito at may iniabot.

Tiningnan ni Donna ang iniaabot ng lalaki at nakitang isang bote ng tubig iyon.

Hindi niya sana iyon tatanggapin ngunit natatakam na siya sa tubig. Kaya tinanggap niya ang iniabot nitong tubig.

"Maraming salamat." Malamig niyang saad.

Umupo sa tabi niya ang lalaki ngunit may malaking ditansya sa pagitan nilang dalawa.

Nakahinga ng maluwag si Donna dahil doon. Mumhang alam nito na ayaw niya sa lalaki.

"Ako nalang ang mag a-adjust para sayo. Baka lumayo kana naman." Nakangiti nitong saad.

Ngunit hindi na pinsan muli ni Donna ang lalaki at uminom nalang ng tubig.

Bakit niya ito kakausapin? Hindi niya naman ito kilala.

Hindi naman nangulit pa ang lalaki at hinayaan nalang siya.

Konteng tiis nalang talaga at makakarating na rin siya sa Manila.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Andrea pag nakita siya nito doon?

Hindi na siya makapaghintay pa na makitang muli ang kaibigan.

--

A/N: As promised 😂😂 Happy Reading 😙

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon