CHAPTER 6

6.6K 126 3
                                    

Offering Friendship

   KINABUKASAN ay tinanghaling nagising si Donna. Mag-uumaga na kasi siyang nakatulog dahil sa kakabasa ng librong binili niya.

Naisipan niya nga na huwag nalang pumasok ngunit tinawagan siya ni Andrea. Isa pa, nakakahiya din kung tatanggi siya. Kebago-bago niya palang sa trabaho umaabuso na siya.

Nag-abang siya ng taxi na masasakyan. Ngunit may bumusina sa kaniyang likuran.

Napalingon siya rito. Kinawayan siya ng makulit na lalaking nakilala niya sa barko.

Bakit siya nandito? Tanong ni Donna sa sarili niya at hindi pinansin ang lalaki. Nakakasiguro si Donna na kukuliti na naman siya nito.

Napapaisip nga siya eh. Ganito ba lahat ng tao sa Maynila? Feeling close?

Patuloy pa rin ito sa pagbusina ngunit hindi ito pinapansin ni Donna.

Nagulat nalang si Donna ng humila sa kamay niya. Naalarma siya kaya napilipit niya ang kamay na humawak sa kaniya.

"Ahhh! A-aray. A-aray." Inda nito sa ginawa niya. Nabitawan naman ni Donna ang kamay nito .

"Ayan ang napapala mo." Singhal ni Donna sa lalaki. Ang lakas kasi ng loob na hawakan siya sa kamay.

"You're not just rude but brutal. Grabe kang babae ka." Umiinda pa rin ito at mababakas sa mukha na nasasaktan talaga siya.

Inirapan lang ni Donna ang lalaki.

"Oh tapos? Gusto mo dagdagan ko pa?" Malamig na tanong ni Donna. Ayaw na sanang makipagtalo pa ni Donna sa lalaki ngunit ewan niya ba at napapasagot siya sa mga sinasabi nito.

"Time pers na." Pagsuko nito. Palihim na napangiti si Donna.

"Ano ba kasi ang kailangan mo sakin?" Kunwari ay naiinis na tanong ni Donna sa lalaki.

"I was just passing by when I saw you. Mag-o-offer sana ako na ihatid ka." Sagot nito sa tanong niya.

"At bakit mo naman ako ihahatid? Close ba tayo ha?" Maangas na tanong ni Donna. Tumayo ng maayos si Ash at pormal na hinarap si Donna.

"Then I'm offering a friendship to you." Inilahad ni Ash ang kamay sa harapan ni Donna.

"Let's be friends. Can we be friends?" Tanong nito.

Kumunot ang noo ni Donna at pinakatitigan ang lalaki. Nagdadalawang isip kung papayag ba siyang maging kaibigan ang binata. Hindi pa naman niya ito gaano ka kilala. Makikipagkaibigan ba siya rito?

"Ano na? Nangangalay na ang kamay at braso ko." Maktol ng binata. Napairap muli si Donna at nakipagkamayan sa binata.

The moment their hands touch she felt her heart beats frantically.

Agad na napabitaw si Donna at umiwas ng tingin.

"Ihatid muna ako." Pagdedemand ni Donna at nauna ng pumasok sa sasakyan nito.

Kalabisan man kung ituring wala ng pakialam si Donna. Total ito naman ang mapilit na magibg magkaibigan sila edi panindigan nito ang pagiging magkaibigan nila.

Sumunod na sa kaniya si Ash at binaybay na nila ang daan patungo sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya.

Nang makarating ay agad na bumaba si Donna hindi man lang nagpaalam at nagpasalamat sa binata.

Pumasok na siya sa loob ng shop at nakita ang kaibigang si Andrea na kinukulit ng isang lalaki.

Napakunot ang noo ni Donna dahil doon. Sinusuri ang bawat galaw ng lalaki na ngayon ay nangungulit kay Andrea. Nakita niya ang pagkainis sa mukha ng kaibigan.

Palihim na napangiti si Donna. Ngayon niya pa lang nakita na nainis ang kaibigan. At sobrang nakakatawa ang mukha nito.

"That's my brother you're looking at." Napamura si Donna dahil sa gulat at masamang tingin ang ipinukol niya sa lalaki.

Tinaas nito ang mga kamay.

"Sorry na. I wasn't trying to startle you." Pagpapaliwanag nito.

Napaismid si Donna at hindi nalang pinansin ang lalaki. Gusto niya talagang sapakin ang lalaki sa totoo lang. Nakakainis kasi ito.

Nagsimula na ang trabaho at focus lang si Donna sa ginagawa. Hindi siya nakikipag-usap o kung ano pa man. Basta focus lang siya sa trabaho niya.

Nang magbreak time naman nila ay nakita niya si Andrea na may dala-dalang mga bulaklak at pumasok ito sa loob staff room.

May boyfriend na ba tong baliw na'to? Tanong ni Donna sa sarili at sinundan ang kaibigan. Hindi siya kaagad pumasok at nakikinig lang sa pinag-uusapan ng dalawang baliw. Si Mace at si Andrea.

Nang di na siya makapagtimpi pa ay pumasok na siya sabay tinanong ang kaibigan.

"Kanino galing yan?" Tanong ni Fonna na ininguso ang mga labi sa hawak na bulaklak ni Andrea.

"Hindi ko nga kilala kung sino nagpadala niyan eh." Lumabi ito at gustong takpan ni Donna ang mukha ni Andrea. Nakakadiri talaga ito.

"Magsabi ka nga ng totoo sakin Andeng. May boyfriend kana ba?" Seryosong tanong ni Donna sa kaibigan.

"Wala no! Hindi ko nga sabi kilala ang nagpadala niyan. Mag da-dalawang buwan palang ako dito tapos magkakaboyfriend na agad?" Sagot ni Andrea.

Bakit ang defensive mo? Gusto sanang idagdag ni Donna. Ngunit hindi niya nalang itinuloy. Baka tuluyan lang mabaliw ang kaibigan niya sa kakahanap ng rason para depensahan ang sarili.

"Pikon kana niyan Andeng? Nagtatanong lang naman ako. Huwag masyadong defensive." Napaghahalataan ka tuloy. Pigil ni Donna ang ngiti sa mga labi ng bumusangot ang mukha ni Andrea.

Padabog na lumabas si Andrea sa staff room. Naiwan silang dalawa ni Mace doon at hindi na napigilan ni Donna ang sarili. Tuluyan na siyang napatawa.

"Ang defensive niya no?" Tanong ni Donna kay Mace. Ngunit hindi ito sumagot at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"Tumawa ka." Saad nito na hindi makapaniwala. Ngumiti lang si Donna sa huli.

"Bakit masama na ba ang tumawa? Hindi naman masamang pagttipan ko rin si Andrea minsan diba?" Tapos ay kinindatan ni Donna si Mace at lumabas na rin siya ng staff room.

Mas lalo tuloy siyang natatawa ng makita ang reaksyon ni Mace. Big deal ba talaga iyon? O sadyang weirdo lang talaga ang mga ito?

Napapailing nalang si Donna at bumalik na sa trabaho na may ngiti sa labi. Thanks to her friends they make her happy amidst of her problems.

Ngayon niya lang ito aaminin sa sarili. Masaya siya at may mga kaibigan siya kagaya ni Mace at ni Andrea. At ipinagpapasalamat niya iyon sa Diyos. Dahil sa kabila ng lahat may tao pa ring handang tanggapin siya ano man ang pakikitungong ipinapamita niya sa mga ito. So yeah. She's grateful to have them both.

--
Ayyiee! Hindi naman pala totally cold si Donna eh. Hahahaha. I'm back!! 😂😂

Happy Reading 😙😙

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon