CHAPTER 15

5.3K 127 4
                                    

Hurt, Accept, Surrender

Humihingal na pumasok si Donna sa loob ng ospital. Nang may tumawag sa kaniyang telepono at sinabing nasa ospital si Andrea ay hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ito. Gusto niya kasing malaman kung ano ang nangyari kay Andrea at ano ang lagay nito.

Naabutan ni Donna ang tunay na ina ni Andrea na nagtatanong sa information desk. Pagkatapos ay magkasama silang nagpunta sa kwarto kung saan nakaconfine si Andrea.

Pagkarating sa nasabing kwarto ay nadatnan nila ang tatlong lalaki at isang babae sa labas. Mukhang nag-aaway ang mga ito.

Hindi napigilan ni Donna ang ginang ng sumugod ito kay Rooke.

"Hayop ka! Bakit ka pa andito?! Umalis ka dito! Hindi ka namin kailangan dito!" Tapos pinagsasampal ng ginang si Rooke.

Hiayaan ni Donna ang ginang. Nararapat lang kasi kay Rooke ang mga sampal na iyon. Sa ginawa nito sa kaibigan niya kulang pa iyon.

Napapiksi si Donna ng makita niyang sinuntok si Rooke ng nakakatandang kapatid. Hindi naman pumalag o sumuntok pabalik si Rooke. Hinahayaan lang nito ang kapatid na bugbugin siya. Biglang nakaramdam ng awa si Donna sa lalaki.

Tsaka lang natigil ang ginagawang pagbugbog nito kay Rooke ng may isang babae na pumasok sa eksena.

"Oh my god Kean! What are you doing?!" Hindi makapaniwalang tanong ng babae at dinaluhan si Rooke na duguan na nakasalampak sa sahig.

Nagtalo ang mga ito. Hindi magawang sumawsaw ni Donna sa usapan. Lalo na at nasa tabi lang ng mga ito si Ash. Hindi mgawang tingnan ni Donna ang binata.

"You beat him up Kean and I hate you for doing that. Anong klase kang kapatid?"

Teka! Bakit kinakampihan ng babaeng ito si Rooke? Hindi ba nito alam kung ano ang ginawa ng lalaki sa kaibigan ko?! Galit na hayag ni Donna sa kaniyang isip.

"Teka lang miss. Mali ka ata ng kinakampihan. Hindi mo ba alam ang ginawa ng Rooke na uyan sa kaibigan ko?" Naiinis na tanong ni Donna sa babae.

Bahagyang nakaramdam si Donna ng takot ng malamig na tingin ang ipinukol sa kaniyang ng babae.

"Alam ko kung ano ang ginawa niya. Hindi mali ang kinakampihan ko." Malamig na saad nito sa kaniya. Hindi na nagawang magsalita pa ni Donna ng magtalo na naman ang mga ito.

Natigil lang ang pagtatalo ng si Rooke na mismo ang nag-ayang umalis.

Naiwan naman silang lahat na tahimik. Walang ni isa ang nagsasalita.

Nakita ni Donna ang paglapit sa kaniya ni Ash ngunit umiling siya at napaatras. Ayaw niya munang kausapin ang binata. Ayaw niyang makipagtalo. Mas mahalaga ang kaibigan niya kesa sa ibang bagay.

Magkasama silang pumasok sa loob ng kwarto kung saan si Andrea.

Pagkapasok nila ay napatakip si Donna sa bibig pagkakita sa itsura ng kaibigan.

Kita niya ang mga pasa sa katawan nito. Kita niya rin ang luhang natuyo na sa pisngi nito. Biglang nakaramdam ng awa si Donna para sa kaibigan. Kumuyom din ang kaniyang kamay.

"Magbabayad ang lalaking iyon sa ginawa niya sa anak ko. Magbabayad siya." Galit na sabi ng ginang at naluluhang lumapit sa anak.

Hindi makaya ni Donna ang tagpong iyon kaya lumabas na muna siya ng kwarto.

   Kinabukasan ay si Donna ang nagbantay at nag-alaga kay Andrea. Di kalaunan ay dumating din ang ina ni Andrea. Napag-usapan na nila ng ginang kung ano ang dapat na gagawin. Magsasampa sila ng kaso laban kay Rooke at nagpagawa na sila ng restraining order sa tulong ni Kean at Ash.

Napalingon si Donna sa pinto ng makarinig ng kalabog na nagmunula sa labas. Ganun din ang ginawa ng ginang. Hindi na sila nagdalawang isip pa at lumabas ng kwarto.

Nakita na naman nila Donna si Rooke na nagpupumilit pumasok sa kwarto ni Andrea ngunit pinipigilan ito ng kapatid. Di kalaunan ay naitulak ni Rooke ang nakakatandang kapatid na ikinagulat nilang lahat.

Doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ni Rooke. Kita ni Donna ang hinagpis at sakit na nararamdaman ni Rooke sa mga oras na iyon. Kung paano nito iminungkahi ang tunay na nararamdaman.

"Ikaw Ash? Noong mga panahon na namatay ang girlfriend mong si Rayne sino ang dumamay sayo?" Parang may pumiga sa puso ni Donna pagkarinig niyon.

Ganun mo ba kamahal si Rayne, Ash? Nasasaktang tanong ni Donna sa sarili.

Ano pa bang laban niya? Patay na nga babaeng mahal nito ngunit hindi pa rin ito magawang kalimutan ng binata. Hindi siya mamahalin ni Ash. Iyon ang katotohanan na dapat tanggapin ni Donna. Sobrang na siyang nasasaktan. Wala siyang puwang para kay Ash at kailangan niya iyong tanggapin. Sumusuko na siya. Hindi niya kailangang ipaglaban ang pag-ibig na sa simula palang hindi naman dapat.

Luhaang umalis si Rooke sa ospital. Kasama pa rin nito ang pinsang babae. Nakita ni Donna ang frustrasyon sa mukha ng nakakatandang kapatid ni Ash. Mukhang nagsisisi ito sa ginawa at mga sinabi.

Kahiy si Donna hindi aakalaing ganun ang pinagdadaanan ni Rooke. Hindi niya alam. Basta niya nalang itong hinusgahan katulad ng paghusga ng mga kapatid nito.

Kaya nang maggabi ng bumalik si Marie sa ospital at nakiusap ay pumayag silang lahat sa kagustuhan nito.

Kinabukasan ay hinayaan nila si Rooke na pumasok sa loob ng kwarto ni Andrea. Doon nasaksihan at nalaman ni Donna kung gaano kamahal ni Rooke si Andrea.

Sana may magmahal din sa akin ng ganyan. Dalangin ni Donna ngunit alam niyang malabong mangyari iyon.

Saksi si Donna kung paano umiyak at humingin ng tawad si Rooke ng paulit-ulit sa kaibigan. Hindi niya namamalayan na tumutulo na rin pala ang luha niya.

Parang may kung anong kirot sa dibdib niya sa nakikita. Tuluyan siyang napahikbi ng marinig na nagpaalam si Rooke sa kaibigan.

Hindi sana ito mangyayaring lahat kung hindi sila nanghisga kaagad. Sana walang nasasaktan ngayon. Sana maayos ang lahat at walang gulo.

At baka sana rin hindi siya napalapit kay Ash. Hindi sana siya nasasaktan ngayon. Hindi siya aasa at hindi niya ito mamahalin. Ang daming sana sa isip niya. Mga oras at panahon na hindi na niya maibabalik dahil nangyari na ang lahat. At wala na siyang magagawa oa dun. Kundi tanggapin ang lahat at umusad.

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon