CHAPTER 5

8K 160 1
                                    

Annoyance

    ILANG araw nang nagtatrabaho si Donna sa coffee shop at masasabi niyang napakagaan lang ng trabaho nila ng kaibigan niya.

Ngunit mailap pa rin siya sa mga kasamahan niya sa trabaho. Lalo na sa mga lalaki. Ang tanging nakakausap niya lang ay si Mace at si Andrea. Ang mga ito lang kasi ang malakas ang mga loob na kausapin siya.

Magkapareho rin ang dalawa. Parehong mga baliw. Gusto niya ngang iumpog ang dalawa eh. Kung ano-anong kalokohan ang naiisip nila at nagkakasundo talaga silang dalawa.

Minsan nga lumalayo nalang siya sa dalawa kasi ang kukulit. Ayaw nga niya kasi sa makukulit eh.

But she can't deny the fact that she was amuse by them also. Nakakatuwa din kasi ang mga ito kahit papaano.

  Nang magbreaktime ay napagpasyahan ni Donna na lumabas. Umiiwas kasi siya sa kakulitan ng dalawang baliw.

Naupo si Donna sa isang pahabang bangko at pinagmasdan ang paligid. Bigla na naman niyang naisip ang pamilya.

Kamusta na kaya ang mga ito? Umuuwi pa kaya ang papa niya sa bahay nila? O doon na ito nakatira sa babae nito.

Biglang kumuyom ang kamao ni Donna dahil sa naisip.

Ano pa bang aasahan niya?

Wala namang ginawang tama ang papa niya. Puro ang mama niya lang lahat ang nahihirapan. Parang ito pa nga ang padre de pamilya sa kanila.

Naaawa siya sa mama niya.

Hindi maintindihan ni Donna bakit kailangang maranasan ng mama niya lahat ng hirap. Hindi niua rin maintindihan kung bakit naghanap pa ng iba ang tatay niya. Napakabait ng mama niya. Maalagain at napakaresponsable. Kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit naghanap pa ng iba ang papa niya.

Ano pa ba ang kulang? Kung katawan naman ang pag-uusapan hindi naman papahuli ang mama niya. Iyon nga lang hindi nag-aayos ang mama niya. Pero maganda pa rin naman ito.

Ang tatay niya lang siguro ang may problema. Hindi ito marunong makuntento.

Malalim na hininga ang pinakawalan ni Donna.

"Ang lalim naman nun." Napapitlag si Donna dahil sa gulat.

Hindi niya alam kung may lahi bang kabute ang taong nasa harap niya ngayon kasi kung saan-saan nalang ito sumusulpot at anong oras ay lilitaw.

Malamig na tingin ang ipinukol ni Donna sa taong nasa harapan niya.

Wala siyang inusal ni kahit anong salita at nagbalak na pumasok nalang muli.

Naiimbyerna kasi siya sa tuwing nakakaharap niya ang lalaki.

"Your road. Stop acting like a ked." Ani nito na ginaya iyong pagbigkas ng babae na nagviral sa social media.

Salubong ang kilay ni Donna ng harapin niya ang lalaki.

"Magiging rude talaga ako kapag sinupalpal ko ang mukha mo sa semento. Acting like a kid ba kamo? Baka magmukha kang batang gusgusin pagkatapos kitang bugbugin. Sinasabi ko na sayo. Lubayan mo ako kung ayaw mo ng gulo." At pumasok na si Donna sa loob ng shop.

Naimbyerna na naman ang araw niya. Akala niya si Andrea lang ang may tendency na mangulit sa kaniya. Hindi iniexpect ni Donna na may makakadagdag pa pala.

--

    Naiwan si Ash na namamangha sa babaeng kakapasok lamang sa loob ng shop.

Hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig mang-asar ngunit ewan niya ba. Sa tuwing nakikita niya ang babaeng nakasabay niya sa barko ay bigla nalang may nagtutulak sa kaniya na asarin ito.

Hindi naman siya makulit na tao eh. Ang kapatid niya ang makulit. Kaya nagtataka rin siya kung bakit ganun nalang ang inaakto niya sa tuwing nakakasalamuha niya ang babae.

May pagkakapareho sila ni.

Iwinaglit ni Ash ang iniisip. Hanggang kailan niya ba iisipin ang lahat? Hanggang kailan ba siya mananatili sa nakaraan? Kailangan niya ng lumimot at umusad. Hindi siya makakaahon kung patuloy lang siyang magpapakalunod sa nakaraan.

Nakapamulsa siyang naglakad patungo sa sasakyan niya at nilisan ang lugar.

Babalik nalang siguro siya para kulitin muli ang babae. Nakakatuwa kasi itong kulitin.

--

"Oh Donna, bakit nakabusangot iyang mukha mo?" Tanong ni Andrea kay Donna ng makapasok siya sa loob ng staff room.

"Huwag mo akong kulitin ngayon Andeng. Wala ako sa mood." Malamig na untag ni Donna sa kaibigan.

Sumunod naman ang kaibigan sa sinabi niya at napasiksik sa gilid.

Tss. Sa isip ni Donna at inayos ang kaniyang gamit na nasa loob ng locker niya.

Lumabas na din siya kaagad sa staff room at nagsimula nang magtrabaho. Maaga siyang uuwi mamaya. Magpapaalam siya at pupunta siya sa national bookstore para bumili ng libro.

Noong isang araw kasi may napansin siyang libro. Mukhang maganda kaya gusto niyang bilhin. She really love reading books. It's her hobby ever since. She escape reality through reading. Napapagaan ang loob niya sa tuwing nagbabasa siya ng mga nobela o kwento.

Dahil sa pagbabasa marami rin siyang natututunan at nagagawa niyang iapply sa totoong buhay. Marami siyang nalalaman dahil sa pagbabasa.

It's her comfort. Kapag nalulungkot siya o nadidepress ay nagbabasa lang siya para maibsan ang mga iniisip.

Dahil din sa pagbabasa ang taas na ng standard niya sa buhay. Mga bagay na malabo ng mahanap on this period of time.

Tanging pagbabasa lang din ang kumalinga sa kaniya at dumamay sa kaniya sa tuwing nasasaktan na siya at hindi na niya kaya. It is the best way to escape something.

Nagpatuloy lang si Donna sa ginagawa hanggang sa matapos siya at nagpaalam sa amo niya na maaga siyang uuwi. Nagpasalamat siya ng payagan siya nito at wala ng itinanong pa.

Hindi na rin siya nagpaalam kay Andrea. Gusto niya kasi muna ang mapag-isa. Gusto niyang mag-emote.

Pumara siya ng jeep at sumakay. Bumaba din siya kaagad pagkarating sa malapit na mall at dumiretso sa may bookstore.

Abala siya sa pagtingin sa mga libro. Tinitingnan at kinikilatis ang mga ito. Hanggang sa nag-enjoy na nga siya at hindi na namalayan ni Donna ang paglipas ng oras.

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon