CHAPTER 13

5.4K 123 4
                                    

Warning 😂😂 SPG ahead 😉
Mahaba-habang kabanata ito.
Read at your own risk 😊

--
Realization

Kinabukasan ay mugto ang mga mata ni Donna dahil sa kakaiyak. Tanggap naman niya ang katotohanan pero hindi niya pa rin mapigilan ang huwag masaktan.

Hindi niya muna naisipang pumasok sa trabaho. Tatadtarin na naman kasi siya ni Andrea ng tanong kung bakit mugto ang mga mata niya.

Para makaiwas sa panggigisa nito hindi na lang siya pumasok.

Walang ibang mapuntahan si Donna kaya pinili niya nalang magpuntang mall. Tatambay nalang siya sa may bookstore. Atleast may magagawa siya habang pinapalipas ang oras. Pinatay rin ni Donna ang cellphone niya para hindi siya matawagan nino man. Lalo na ni Ash.

Kaya walang pag alinlangan na pumunta si Donna sa mall at dumiretso sa may bookstore. Nagtitingin siya kung may bagong release ba na mga libro. Hindi naman siya bibili. Titingin lang siya. Wala pa kasi siyang sapat na pera para ipambili ng libro.

Ilang oras din ang inilagi ni Donna sa mall bago niya naisipang umuwi. Hindi niya pa rin binubuksan  ang kaniyang cellphone ay wala siyang balak na buksan iyon.

Umuwi si Donna sa bahay ng auntie ni Andrea. Maaga pa at tiyak niyang hindi pa nakakauwi si Andrea.

Pagkarating sa bahay ay nagbihis lang si Donna at umidlip saglit. Tuloy-tuloy na sana ang tulog niya kung wala lang kumatok sa pinto ng kwarto niya. Kaya napilitan nalang siyang bumangon.

"Bakit po tita?" Tanong ni Donna sa namamaos na boses.

"May naghahanap sayo sa baba." Nakangiting saad ng ginang. Biglang kumunot ang noo ni Donna. Naghahanap? Sino naman kaya iyon?

Bumaba si Donna sa unang palapag ng bahay upang harapin ang nasabing bisita niya.

Malayo palang si Donna ay tanaw na niya ang likod ng isang tao. Hindi na niya kailangan pang humula kung sino ito. Likod palang nito alam na niya kung sino.

"Anong ginagawa mo dito Ash?" Malamig ang boses ni Donna. Agad na napalingon si Ash kay Donna at napatayo rin ito.

"I was worried. Kanina pa kita tinatawagan." Tumaas ang kilay ni Donna sa tinuran nito.

"Ngayon alam mo nang nandito ako pwede kanang umalis. Magpapahinga pa ako." Iyon lang ang sinabi ni Donna at akma ng aakyat muli sa taas.

"Pwede ba tayong mag-usap. Just not here?" Pakiusap nito sa kaniya.

Nagdadalawang isip si Donna kung papayag ba siya o hindi. Ngunit di kalaunan ay naoabuntong hinga na lang siya at humarap muli sa lalaki.

Nauna na siyang lumabas ng bahay na wala man lang inuusal na isang salita. Naramdaman naman ni Donna na sumunod sa kaniya ang binata.

Magkasabay silang pumasok sa loob ng kotse.

"Anong pag-uusapan natin Ash?" Direktang tanong ni Donna sa binata.

"Later." Sagot ng huli at pinaandar ang sasakyan. Hindi na nakaangal si Donna ng umandar na ang sasakyan at nilisan nila ang village.

Hindi alam ni Donna kung saan sila pupunta. Hindi din naman kasi siya nagtatanong o nagsasalita. Ayaw niyang makipag-usap kahit sino lalo na kay Ash.

Hindi na rin kailangan magtanong ni Donna kung saan sila pupunta. Pamilyar na siya sa daan na binabaybay nila ngayon. Patungo sila sa rest house.

Nang makarating ay hindi na naghintay si Donna na pagbuksan siya nito ng pinto. Bumaba na siya agad at pumasok sa loob ng bahay.

His Badass Love (COMPLETE) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon